Jerome's POV
Tsk! Tsk! Bakit kaya nagkakaganito ako? Nakita ko lang ng biglaan si Diane parang di na ako marunong kung pano matulog ah...ang nababagot na sabi ni Jerome sa sarili..
Dalawang araw na kasi ang nakalipas simula ng makita nya si Diane kasama ang anak nito kaya dalawang gabi na rin syang walang maayos na tulog..
Bakit kaya ganon na lang kagaan yong nararamdaman ko para sa anak nya?Parang nakita ko na ang mukha ng bata pero di ko lang maalala kung saan..
Sayang naman,mahal na mahal parin kita honey ko pero di mo ako
nahintay.Alam ko kasalanan ko pero sumulat naman ako eh,kahit yon na lang sana ang pinanghawakan mo para sa pagmamahalan natin..ang sabi ng isip ni Jerome na nanghihinayang at nagsisi..Bago natulog ay may nabuo syang plano na kanyang gagawin kinabuksan.
Samantala si Diane ay nagpapatulog na kay Xian ng oras ding iyon at walang ibang laman ang kanyang isipan kungdi si Jerome Monteverde..Sa loob ng apat na taon na hindi
sila magkasamang dalawa'y wala man lang itong ginawa para magkausap sila.Pero bakit ganon nalang kung magbiro ang tadhana?
Wala sa hinagap nyang maari nya palang makita ang lalaki sa di inaasahang pagkakataon at ang maganda pa'y nailigtas nito si Xian sa nalalapit nitong pagkabangga
sa glass wall ng mall dalawang araw na ang nakaraan.Dalawa ng araw na rin na kahit anong iwas nya'y kusang bumabalik ang kanyang isipan sa kanyang nakaraan..
Hahay,bakit ngayon ka pa nagpakita ulit Jerome?!Ngayon pang naghilom na ang sugat sa puso ko na ikaw ang syang may gawa!
Buhay nga naman parang life talaga..hmmmp makatulog na nga lang,madadagdag an pa ang ganda ko..
Kinabukasan ay maagang nagising si Xian kaya ginising nanaman nito si Diane sa pamamagitang ng paghalik sa buong mukha nito.
Mama,molning po.I love you mama
ko.mwaaaahhh..
Hahammmmm..Morning mahal ko.Aga mo naman nagising nak.
Gutom ka na ba kaya ka nagising?
Halika maghahanda si mama ng masarap na agahan para sa kanyang mahal na Xian..ang masayang tugon ni Diane sa paggising ng anak sa kanya.
Malabo talagang mangyari na makakalimotan nya si Jerome dahil gawain rin ng anak nya ang gawain nito noon..Bago pa lamunin ng
kahapon ang kanyang isipan ay dali-dali na syang bumangon at nag-ayos ng sarili bago pumunta ng kusina..
Matapos mapakain ang anak ay nagpasya syang lumabas para magpainit.Gusto ni Xian
na maglalaro sila ng bola kaya nakipaglaro sya sa anak..
Hahaha,mama ang galing Xian noh?Lakas2x sipa Xian.Kung laki na Xian mama laro ako lagi bola ha?..subrang nakakaaliw si Xian.Minsan
kahit alam na nitong bigkasin ng tama ang isang salita'y mas pinipili nitong magsalita ng pabulol...
Oo naman anak,kahit anong gusto mong laro walang problema kay mama...Oh cge na sipain
mo na ang bola..Lakasan mo ha para aabot dito kay mama..
Agad namang tumalima si Xian.
Sinipa nito ang bola pero di pumunta sa direksyon ni Diane..
Out!!Sigaw ng isang lalaki habang hawak- hawak na nito ang bolang sa direksyon nya napunta..Pano yan Xian,out kana.Pwede bang kami naman ng mama mo ang maglalaro?..biro nito na nakatingin kay Diane..
Hala,Tito diba ikaw yon ligtas sa akin?Diba ikaw yong super hero ko?Tabi kasi mama ko super hero daw kita kasi di namin alam
pangalan mo.Lipad ka ba punta dito?Siguro rinig mo sigaw ko kasi malakas na ako sipa nayon kaya talo ko si mama..hahaha...
Mukhang Super Hero ba ako?Ang cute mo naman at ang daldal pa kaya narinig kita..Pwede ba akong sumali sa laro nyo ng mama mo?Bakit kayo lang,san ang papa mo?...ang tanong ni Jerome kay Xian na nagpagising kay Diane.
Bigla kasi syang natulala ng makita si
Jerome.Bakit kaya ito narito ngayon at anong sadya nito?..Anak pasok kana muna sa loob..papunasan mo ang likod mo kay Tita Moa ha?ang agad na sabad ni Diane para di masagot ng anak ang tanong ng lalaki..
Hmmmmp stismoso at sa bata pa talaga nagtanong...
Hello hon kamusta kana?ang tanong ni Jerome na nagpakilig ng bahagya kay Diane pero agad nya namang naalala na baka may asawa na ito..hmmmp maka Hon wagas ah,kala mo naman parang wala lang apat na
taon na sinayang!
Ha,ah-eh ok lang naman ako.Ba-bakit ka nga pala naparito?M-ay kailangan ka ba?ang nauutal na tanong ni Diane sa lalaki.
Wala naman,gusto lang sana kitang
makausap kung ok lang sayo.Nag-asawa ka na pala,di mo man lang ako hinintay..
Ha?Asawa?Sinong may sabi sayo nyan? Tsismiso mo naman!
At bakit naman kita hihintayin?May sinabi ka bang hihintayin kita sa loob ng mahigit apat na taon??Hmmmmp di ka nga sumulat o tumawag man lang ei tapos ngayon magtatanong ka pa?!Dyan ka na nga,wala
akong panahon makipag-usap sayo!
Yon lang at agad ng pumasok ng bahay si Diane at naiwang natulala si Jerome.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
MULING IBALIK ANG KAHAPON
RomanceIkaw at ikaw lang minahal ko noon... Mahal na mahal parin kita hanggang ngayon... At patuloy kitang mamahalin magpakailan paman...