[4] Chapter Four

68 2 0
                                    

Kinagabihan ay masayang naghanda si Diane..Nagbihis sya ng magandang damit at naglagay ng kolorete sa mukha para hindi naman sya magmukhang tsimay sa okasyon 

na gaganapin sa bahay nila Jerome.Ilang beses syang nagpaikot-ikot sa salamin para masiguradong bagay sa kanya ang damit na napiling isuot.Kanya ring sinipat ng maigi sa salamin kung pantay ba ang pagkakalagay 

nya ng make-up lalo na ang blush on.. 

Nang masigurong ok na ang lahat ay umupo nalang sya at naghintay na makarating si Jerome sa kanyang boarding house para sya'y sunduin na nito.. 

Lumipas ang isang oras na paghihintay ay wala parin ito kaya sinubukan nyang tawagan ang lalaki.Nagri-ring naman ang cellphone nito pero walang sumasagot kaya 

naghintay parin sya at umaasang darating din ang kanyang kasintahan.. 

Ngunit lumipas na naman ang isa pang oras ay walang Jerome na dumating.Nakakaramdam na sya ng inis at sama ng loob..

Hoooh!!

Diane,wag kang maiinis.Wag sasama ang loob,isipin mong busy pa si Jerome kaya natagalan lang.Hmmm sayang ang make-up mo teh...pakunswelo nya sa sarili.. 

Medyo napagod sya sa kanyang pagkakaupo kaya medyo sumandal sya sa may ding-ding.. 

Di nya namalayang nakatulog pala sya sa ganong posisyon.. 

Huh?!Nakatulog ako?!Nako naman anong oras na ba?Baka kanina pa ako sinundo ni Jerome pero di ko lang sya narinig..natatarantang agad nyang tiningnan ang orasan na nakasabit sa ding-ding.. 

Nagulat sya ng matantong mag-a-alas dos na pala ng madaling araw kaya agad nyang kinuha ang kanyang cellphone para tawagan si Jerome pero nakita nyang may mensahe 

syang natanggap.Nang binuksan nya ito'y nanggaling pala kay Jerome... 

from Jerome....

"Hon,sorry talaga kung di kita nasundo ha? Marami kasi kaming bisita kaya hindi ako makaalis-alis para masundo ka..Hayaan mo 

babawi ako bukas.Magkita tayo sa may Park,3-pm don mo ako hintayin sa may tambayan natin.I love you hon.Ingat ka dyan. 

Di nya namalayang tumulo na pala ang kanyang mga luha.Nag handa pa naman sya at nag paganda yon pala'y sya lang naman ang makakakita..

Dahil mag-uumaga na'y natulog na lang si Daine pero masama ang 

kanyang loob..

Hmmmmp!Humanda ka sa 

akin bukas,dapat bumawi ka talaga...sabi nya sa sarili bago ipinikit ang mga mata.. 

Dahil sa text ni Jerome ay pumunta nga si Diane sa tambayan nilang dalawa sa park.Excited syang makita ang lalaki dahil gusto nya ng malaman nito ang kanyang natuklasan..2:3 0 ay naroon na sya,di kasi sya sanay na nagpapahintay.. nagbasa lang sya 

ng pocketbook na dala habang hinihintay ang lalaki.. 

Lumipas ang isang oras pero wala pang Jerome ang dumating kaya nainis na naman sya..

Saan na kaya sya?Siguro naghihintay na naman ako sa wala..Sana naman dumating na sya para masabi ko na sa kanya ang nalaman ko last day.. 

Maya-maya pa'y nagulat si Daine ng may babaeng lumapit sa kanya.Naglalaro sa 50-55 ang edad nito basi sa hitsura nito.. 

Ineng ikaw ba si Daine?tanong nito sa 

kanya..

Opo ako nga po si Daine.Bakit ho Ale? ganting tanong nya dito..sinipat sya ng kaharap mula ulo hanggang paa..

MULING IBALIK ANG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon