Mama,kayo na po muna ang bahala kay Xian ha.Wag nyo po s'yang ilabas ng bahay.May pagkain na po sa mesa para sa kanya,paliguan nyo rin po sya ha?
Mainit po kaya di pwedeng dalhin ko
sya tsaka di rin po ako makakakilos ng maayos pag may dala-dala akong
bata...unang araw ng pangangampanya kaya gusto ni Diane na matutukan talaga ang gawain para sa amang magpapare-elect bilang Mayor ng kanilang bayan..
Oo alam ko na kung anong gagawin
ko,kung makabilin ka parang wala
akong anak ah..tugon ng Ina ni Diane..
Mama naman ei,alam ko naman pong
may anak ka at isa ako don,cge po aalis na ako kasi medyo malayo yong unang Brgy. na pupuntahan namin..
Cge ingat kayo ha,tumawag ka
pagdating nyo don sa pupuntahan nyo..
Ma'am Diane handa na po yong mga
taong handang tutulong sa atin sa
pangangampanya para sa ama mo..sabi ni Mang Maroe,ang mensahero nila.
Salamat po Mang Maroe tsaka wag nyo na po akong tawaging Ma'am
nakakahiya naman po.
Eh nakasanayan ko na po kaya wag ka
nang mahiya.. Ay,sya nga po pala,may budget po ba tayo para sa pagkain ng mga tao natin para mamaya?..dagdag ni Mang Maroe na naging dahilan para masampal ni Diane ang sarili..
Nako!!Salamat Mang Maroe at naalala
mo ha,nakalimutan ko talaga ang bagay na yan.. Ito ho,kayo na po ang bahala sa kung anong pagkain ang bibilhin nyo na sakto lang din para sa budget natin.Maraming pagkain at softdrinks na po ang mabibili nyan.
Marami na nga po talaga Ma'am
Diane,t'yak di po magsasawang
tumulong sa atin ang mga taong
nagkusang tumulong kasi lingid sa
mabait at mabuting Mayor ang ama
mo'y di pa sila gipit sa pagkain..tugon
naman ni Mang Maroe na ngiti lang ang naging sagot ni Diane..
Nakarating at nakaalis si Diane ng
walang problema na hinarap sa
pinuntahan nilang Brgy..Mainit ang
pagtanggap sa kanila ng mga tao at
masaya ang mga ito na tatakbong muli bilang Mayor ang kanyang Ama...
Mama san po si Xian?..ang agad na
tanong ni Diane sa Ina ng makarating sabahay nila...
Aba,akala ko ba inutusan mo yong si
sino ba yon?..Ah,basta! Tito ang tawag sa kanya ni Xian at subrang saya pa ngloko ng malaman nyang isasama sya nito..kaya ko pinayagan kasi umiyak yong anak mo ng sinabi kong baka magagalit ka.Pero ang sabi ni Jerome,tama Jerome nga!..May usapan na daw kayong kukunin nya si Xian ngayong araw..
Ha?!Sinabi nya yon?Abah,sinungaling na tao yon ah..Mama naman ei pano pala kung masamang tao yong kumuha kay Xian??
Ay bakit di mo ba kilala yon?agad na
namutla ang mukha ng kanyang Ina..
Kilala po pero parang wala naman
kaming usapan na pwede nyang kunin si Xian ah...
BINABASA MO ANG
MULING IBALIK ANG KAHAPON
RomanceIkaw at ikaw lang minahal ko noon... Mahal na mahal parin kita hanggang ngayon... At patuloy kitang mamahalin magpakailan paman...