Ma'am,ok na po ba to?..
Ha,ah-eh ang alin po Mang Maroe?
Balik tanong ni Diane ng biglang may
nagsalita.. Oo nga pala kausap nya nga pala si Mang Maroe.. Bakit ba kasi bigla nya na lang naisip si Jerome? Wala namang kinalaman yong mokong na yon sa pinag-uusapan nila ngayon ng kaharap ah....
Naalala nya lang kasing bigla yong
mukha ni Jerome ng tinalikuran nya ito
at inakay si Xian palayo sa park na yon..
Umiyak pa nga si Xian eh kasi gusto nya pa daw kalaro si Tito Jerome nya...
Sabi ko po kung ok na ba tong mga
stickers na ipapamigay natin mamaya sa mga tao?.. Pag-uulit ni Mang Maroe sa tanong nya kanina.. Ipinilig ko naman ang ulo ko,baka sakaling mawala si Jerome sa isipan ko..
Ahh,yan po ba?Opo ok na po yan..
Tsaka Mang Maroe pwede po bang
pakisabihan mo yong mga tao natin na
wag talagang kumaliwa ha? I mean,maybe they are working for us but
at the same time tumutulong din sila sa ibang mga kandidato..Sa akin po walang problema yon pero alam naman natin ang "Eleksyon" maraming mga nangyayaring di maganda.
Alam ko na po yan Ma'am,wag po
kayong mag-alala kasi maasahan po
talaga natin ang mga taong tumutulong sa atin... Sila nga po ang nag volunteer diba?
Sabagay... Oo nga naman...
Sya,aalis na po ako ha para naman po
makapagsimula ng maaga ang mga tao natin.Two weeks na lang po kasi at araw na ng butohan..
Tanging tango at ngiti lang ang naging
tugon ni Diane...Nang sumara na ang pinto ng opisina'y nalunod na naman sa malalim na pag-iisip si Diane...
Tama nga ba yong nakita nyang
ekspresyon sa mukha ni Jerome ng
sinabihan nya itong di na pwedeng
maging sila ulit??
Para kasing nakita nya itong iiyak o mas tamang may biglang namuong luha sa gilid ng mga mata nito..
Yon ang dahilan kaya bigla nyang hinila si Xian..Baka di kasi sya makapagpigil at talagang bibigay na lang sya sa kung ano talaga ang totoo nyang nararamdaman para sa lalaki..
Pero baka hindi rin... Gusto nya kasing
maranasan din ni Jerome ang hirap na
dinanas nya noon ng bigla syang iwan
nito.Yon bang gusto nyang ipamukha
dito na hindi sya yong Diane na nakilala nito noon.. But at the other side,totoo naman talaga na di na sya yong dating Diane kasi masasabi nyang matatag at matapang na sya ngayon..
Dahil yon kay Xian,pero ng dumating na naman si Jerome nagiging duwag nanaman ata sya.Lagi kasi syang
kinakabahan kapag nakikita nya ito at
parang malalaglag ang puso nya sa
subrang lakas ng tibok nito kapag
kaharap nya na talaga ang lalaki..
* ring * ring*
Nagulat pa si Diane ng tumunog ang
telepono..
BINABASA MO ANG
MULING IBALIK ANG KAHAPON
RomantizmIkaw at ikaw lang minahal ko noon... Mahal na mahal parin kita hanggang ngayon... At patuloy kitang mamahalin magpakailan paman...