Anak,wag malikot..di makakapili si Mama ng mga damit mo pag takbo ka ng takbo jan.. Dito ka lang sa tabi ko,mamaya mawala ka pa cge ka.. Ang bahagyang pananakot ni Diane
sa anak na si Xian habang nasa mall sila at namimili sya ng mga damit para sa anak.. Pero dahil sa bata pa'y parang walang narinig
si Xian..Cge parin ito sa kakatakbo na
natatawa dahil hinahabol ng ibang sales lady na nakucutan sa kanya..
Sino ba naman ang hindi hahanga sa
kagwapuhan ni Xian?..Alon-alon ang maiksi nitong buhok.Matangos ang maliit nitong ilong,ang cute din ng inosenting mga mata nito na may malagong pilik-mata..Ang mga
labi naman nito ay ang pula na animoy rosas na nang-aakit sa mga bubuyog..
Ang lahat ng katangian nyang iyon ay
namana nya sa kanyang ina maliban nalang sa hugis puso nyang mukha na naman nya sa kanyang ama..
Maganda kasi si Diane,mahaba ang
matingkad at alon-alon nitong
buhok.Matangos ang ilong na parang isang amerikana.Makin is ang kutis nito at di mo mahahalatang may anak na sya.Sa taas nyang 5'5" ay makikita mo talaga ang magandang hubog ng kanyang katawan..Magand a din
ang kanyang mga mata na parang laging nangungusap..
Xian anak ano bah?.. Ang tawag ni Diane sa anak na ayaw talagang pasaway sa kanya..
Uuwi na lang tayo kung di ka parin titigil jan..
Dahil sa medyo malakas ang pagkasalita ni Diane ay naagaw nya ang pansin ng isang lalaki na namimili din ng damit pang bata...
Napalingon ito pero di nya naman nakita ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito sa kinapopwestuhan nya...
Mama takbo2x lang Xian..Laro2x lang ako ei.. Saya2x dito mama noh dami damit.. Ang inosenting sagot ni Xian sa ina na umagaw na naman ng pansin ng lalaki.. Ang cute ng anak ng babaeng yon ah,ang sabi nito sa sarili.
Biglang tumakbo ang bata at kitangkita ng lalaki na babangga ito sa glass wall kaya dali- dali nya itong hinablot para di tuluyang bumangga sa dingding..
Dahil sa nagulat ang bata ay umiyak ito ng malakas na nagpataranta sa ina nito..
Xian anak anong nangyari sayo??
Excuse me sir akin na ang anak ko..ang sabi ni Diane sa lalaking nakatalikod sa kanya habang karga-karga nito ang anak nya..
Pero parang di sya narinig ng lalaki at lumapit pa ito sa glass wall na muntikan ng mabanggaan ng bata..
Ito baby ohh,sabi nya sabay katok sa
dingding.. Kung di ka naagapan ni tito tyak bumangga ka dito..
Paliwanag nya sa bata kaya tumahimik ito..
Ay,talamin pala yan tito?? Tanong ni Xian sa kanya na kinatok din ang glass wall para masigurong totoo nga..
Opo,glass wall nga yan kaya di mo napansin.. Sa susunod wag ka ng malikot para di ka mapano ha??
Dugtong nya pa na parang di maipaliwanag ang nararamdaman.. Bakit ang gaan ng loob nya sa bata gayong ngayon nya lang ito
nakita?.. Hmmmm,baka nako-cute-tan lang sya dito kaya ganon...
Excuse me sir,akin na ang anak ko pwed?? Tawag-pan sin ni Diane sa lalaking may karga-karga ng anak nya.Agad naman syang narinig ng lalaki kaya humarap ito sa kanya..
Sorry Misis,nalibang ata ako sa anak mo... Ang cute nya ka-...
Ang sabi pa ng lalaki na di na
nito natapos ng makita ang mukha nya..
Para itong natuklaw ng ahas na nakanganga nalang at titig na titig sa kanya..
Ikaw?!..ang magkasabay nilang bulalas ng
makakuha ng lakas na magsalita..
Anong ginagawa mo dito?!..ang magkasabay na naman nilang tanong sa isa't-isa...
Teka sandali wag ka kasing gaya-gaya..pagtataray ni Diane sa lalaking kaharap...
Akala ko ba nasa States ka? Bakit andito kana ngayon? Small world naman at dito pa tayo
nagkita hah?! Hmmmp,salamat sa pagligtas sa anak ko... Cge jan kana!!
Di nakahuma si Jerome Montiverde..
Sa di inaasahang pagkakataon ay muling nag cross ang mga landas nila ng dating kasintahan.. May anak na pala ito.. Kung ganon di sya nito nakayang hintayin.. Akala nya may mababalikan pa syang Diane Allegre... Pero wala na pala kasi may anak na ito kaya syempre nag-asawa na pala ito...
Nagulat sa nakita si Diane kaya di nya alam ang gagawin..Minabuti nyang lumabas na lang sa mall na iyon karga-karga ang nakatulog nang si Xian..
Totoo ba yong nakita
nya?? Nakauwi na pala si Jerome.. Dahil sa nararamdamang kaba ay agad syang pumara
ng taxi.. Uuwi na lang sya,bago pa sya mawalan ng malay sa daan...
Naalala na naman nya ang kahapon.. Ang mga nangyari sa kanya noon.. Ang Kahapon nila ni Jerome Montiverde...
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
MULING IBALIK ANG KAHAPON
RomansaIkaw at ikaw lang minahal ko noon... Mahal na mahal parin kita hanggang ngayon... At patuloy kitang mamahalin magpakailan paman...