[7]Chapter Seven

48 2 1
                                    

Nang magtama ang mga mata nila Diane at Jerome ay agad na umiwas ng paningin ang nauna.Parang gusto nyang umiyak at yakapin ang lalaki.Parang di nya na kayang pigilan ang 

sariling sabihin dito ang totoo pero dahil sa iniingatang pangalan ng ama ay mas pipiliin nya na lang na manahimik at sarilinin ang lahat lalo na ang totoong nararamdaman. 

Anak halika dito.Bakit ka ba nakikipag-usap sa di mo kilala?Pano kung bigla ka na lang dinala sa malayo?Pano na si Mama?ang sabi 

ni Diane sa anak na sadyang nilakasan para marinig ni Jerome. 

Mama kilala naman Xian si Tito Jelome eh.Diba sya super hero ko?Sabi mo pa nga dapat 

mahalin Xian ang super hero nya. 

Parang napahiya sa sinabi ng anak kaya agad na nag-isip ng palusot si Daine.. 

Anak ang super hero na sinasabi kong mamahalin mo ay si Mama mismo.Diba ako naman ang number one na super hero mo? 

Halika na,patapos na si mama kaya malapit na tayong makakauwi,ok?yon lang at hinila nya na si Xian.Di nya na pinansin pa si Jerome na alam nyang titig na titig sa kanya... 

Ah Diane san ba ang opisina ng Mayor? tanong ni Jerome ng akma ng aalis ang babae.. 

Kung san mo nakita ang anak ko,yon ang opisina ng Mayor.Kaso wala si Papa ngayon kaya walang haharap sa'yo.Kung ang sekretarya nya naman ay di rin pwede dahil wala akong oras para sayo..Cge maiwan na kita Mr.Montiverde.. yon lang at taas kilay 

nyang tinalikuran si Jerome habang akay-akay ang anak. 

Bye Tito Jelome..Punta ka bahay namin ha? Hintay Xian sayo.. 

O-oo sige Xian pupunta ako..ang pahabol na sagot ng lalaki.. 

Hahay,ang sungit na ni Diane. 

Papa nya pala ang kasalukuyang Mayor..Tsk. Tsk. Tsk. T'yak problema na naman ito.. 

Alam kong di papayag ang Papa na di sya ang mananalo sa halalang ito.. 

Matapos ang transakyong inasikaso ni Diane ay agad na s'yang lumabas ng Munisipyo at balak nyang umuwi na.. 

Habang nag-aabang ng Taxi ay nabigla sya ng biglang bumitaw si Xian sa pagkakahawak nya at tumakbo ito.. 

Xian saan ka pupunta anak?!ang nabahala nyang sigaw sabay habol sa bata pero napahinto rin sya ng makita nyang sinalubong pala nito ang naglalakad na si Jerome..Papunta ang lalaki sa nakaparada nitong sasakyan dahil nakita nyang may hawak2x itong susi.. 

Tito Jelome ko!sigaw ni Xian na nagpangiti kay Jerome ng makita nyang tumatakbo ito papalapit sa kanya habang nakadipa ang 

dalawang kamay tanda na gusto sya nitong yakapin. 

Oh Xian,hmmmmm.. 

Niyakap nya ito sabay karga at hinalikan pa sa pisngi. 

Nasaan ang Mama mo?Mamaya nyan 

mapapagalitan ako dahil lumapit ka skin? Uuwi na ba kayo? 

Opo Tito uwi na tami ni Mama ko. 

May tatakyan ka ba?ang sadyang pabulol na sagot ni Xian sa tuwang-tuwa na si Jerome. 

Opo may sasakyan ang Tito Jerome mo.Bakit gusto mo bang sumakay?Ihahati d ko kayo 

ng Mama mo kung gusto mo? 

Wag na,maraming Taxi kaya salamat na lang..ang sagot ni Daine sa tanong nya kay Xian.Nasa likuran nya na pala ito. 

Mama payag ka na..Gusto ko sakay tatakyan Tito.Baka lipad yon tatakyan nya kasi super hero sya. 

MULING IBALIK ANG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon