Mao,pakikuha nga si Xian..Nangangalay na ang mga kamay ko eh,pakidala na lang sya sa kwarto at ihiga mo ng maayos ha?Hubarin mo ang sapatos nya... Ang utos ni Diane sa kapatid ng makarating sa bahay nila..
Ohh,bakit parang namumutla ka anak?? Napagod ka ba ng husto??
Opo ma,tsaka ang init sa labas!.
Pagsisinungaling nya sa ina..
Ayaw nyang malaman ng mga ito na nakabalik na si Jerome Montiverde
sa lugar nila..Baka kung ano pa ang gagawing hakbang ng kanyang ama pag nalaman nitong nag-cross muli ang mga landas nila ng lalaking nakabuntis at nang iwan sa kanya
noon....
Ma,magpapahinga muna ako ha..Ang kulit kasi ni Xian sa Mall kaya di ako masyadong nakapamili ng mga damit na kakasya sa kanya,napagod lang ako...At agad nga syang tumayo at pumasok sa kanyang kwarto..
Himbing na himbing parin sa pagkakatulog nito si Xian..Nagbihis lng sya at tumabing humiga sa anak..Hinaplos- haplos nya ang
buhok nito at tinititigan ang mukha nitong hugis puso..
Naalala nya si Jerome at di nya napigilang alalahanin ang kanilang kahapon..
=============== ==
Ang Nakaraan;
Excuse me Miss,pwedeng makisingit??Ang tanong ng isang napaka-gwapong lalaki kay
Diane habang sya'y nakapila sa foodcourt ng kanilang campus..
H-ha? Ah-eh cge ok lang.. Di pa naman ako masyadong gutom eh..ang nahihiyang tugon nya sa lalaking nakiusap sa kanya..
Salamat ha,gutom na gutom na kasi ako eh...Galing kasi ako sa practice kaya ginutom ng marami ang mga bituka ko...ang pagbibiro nito sabay kindat sa kanya kaya agad naman
syang yumuko..
Sya nga pala,I'm Jerome Monteverde - 24 yrs old,a senior student of BSBA,ikaw??
Diane Allegre - 22 yrs old.. 2nd yr plang ako,BEED naman yong course ko...ang kiming tugon nya sa kausap..
Nako naman bakit ba ako ang napiling kausapin ng lalaking ito??Para akong naiihi sa kaba...
Ang gwapo nya naman...haaiiss t pwede na akong di kumain matitigan ko lang ng matagal ang mukha nya waaaaahhh...
Diane,may problema ba?? Napansin ko kasi parang ihing-ihi kana ei..Wag kang ma-offend ha pero nakaikis kasi ang mga paa mo ohh tsaka bubulong-bulong ka pa jan.. Ano bang gusto mong pagkain at ako na lang ang o-
order..Punta kana ng C.R aantayin na lang kita don sa mesa na yon..
Ha?Eh hehe oo nga tama ka..ang nahihiyang sagot ni Diane na alam nyang pulang-pula ang pisngi nya..Kahit ano na lang na pagkain,di naman ako mapili ei.. Cge ha C.R
muna ako...di na nya hinintay na makasagot ang lalaki,agad na syang tumalikod papuntang comfort room kahit di naman talaga sya naiihi..
Kinikilig lang naman sya kaya ganon ang reaction nya kanina na di nya
namalayang nahalata pala ng lalaki..
Pagdating sa loob ng C.R ay tawa sya nang tawa kahit nakatingin sa kanya yong ibang estudyante...
Wala syang paki-alam basta natatawa sya...
Hahahaha nakakahiya ka Diane..
Napagkamalan ka pa tuloy na ihing-ihi na... Nyahahaha ay nako..
First time mo teh?..tanong nya sa sarili ng mag-isa na lang sya sa loob na nakaharap sa salamin..
Dali-dali naman syang nag-apply ng kunting pulbo sa mukha at naglagay din ng lip gloss para di naman sya mukhang pangit..Sinuklay
nya din ang kanyang mahabang buhok.. Nang malala ang lalaki ay dali-dali na syang lumabas ng comfort room..
Baka iisipin nitong di na sya babalik at mapilitan itong magbayad ng mga pagkaing inorder nito..
Agad nyang nakita ang lalaki sa mesang itinuro nito sa kanya kanina..Agad din sya nitong nakita kaya kinawayan sya nito..
Upo kana,sana magustohan mo ang mga inorder ko..Wag ka ng magbayad ha,libre ko na sayo to sa pagpapasingit mo skin sa pila
kanina..Kumain na nga sila pero parang bata si Diane na nakalimutan ata kung paano ang tamang pagsubo ng pagkain..
Ay,ano ba yan!! Hehe sorry!! Ang sabi ni Diane ng biglang tumalsik yong fried chicken nya at napunta sa plato ni Jerome..
Hahaha!Buhay pa ata yong fried chicken na kinakain mo ei.. Sandali magrereklamo ako sa
tendera ha..
Nako wag na!!Dumaplis kasi yong
pagkakatusok ko ng tinidor kaya tumalsik yong kapiraso ng manok..hala sorry ha..kakahiya naman.. Akin na nga yan..
Weeeh ano ka?Kaya nga lumipad papunta dito sa plato ko kasi ayaw nyang pakain sayo ei hehehe..
Ngekz,kakainin mo yan?? Ang nagulat na tanong ni Diane kay Jerome..
Oo naman,at bakit hindi? Yong manok na ang kusang lumapit kaya kakainin ko nalang..
Hala ang takaw mo naman,eh sa akin yan ei.. Lumipad lang papunta jan sa plato mo..
Oo nga,lumipad sa"plato ko",kaya skin na to diba?hehehe
Cge na kain na ulit tayo.. Wag na maingay kasi nagagalit na mga bituka ko..
Yon ang unang beses na nagtagpo at
nagkakilala sila Diane at Jerome..Yon bang parang ang tagal na nilang magkakilala...
Nakatulog si Diane na yon ang laman ng kanyang isipan...
Itutuloy...
*************************************************
Hello po...
pasensya na po sa spacing ko ha..
CP User po kasi ako kaya ganito...
Kapag i-edit ko po kasi ay ok naman pero kapag nai-published nay mali2x na yong mga pagkakalayo ng words or sentences...
salamat po sa pagbasa...
Follow me po or just vote my stories..
thank you.. God bless...
BINABASA MO ANG
MULING IBALIK ANG KAHAPON
RomanceIkaw at ikaw lang minahal ko noon... Mahal na mahal parin kita hanggang ngayon... At patuloy kitang mamahalin magpakailan paman...