Taping
Sophie's P.O.V
"Sophieee yung bra ko paki-abot, si Keira kase eh." Guess who? The one and only, Sabrina the first.
Nakaupo lang ako at nakacrossed arms sa mini sala ng room ko, habang sila Sab at Keira nagbabatuhan ng damit, and guess what? Yung bra ni Sabrina the first sumabit sa katabi kong lamp. Si Amherst nasa C.R naliligo, langya ng mga taong to. Ano tong kwarto ko club? Party? Hotel?
"Sophie sabi sayo eh, perfect choice tong kwarto mo sa gagawin natin!" Sabi ni Keira na hinihingal. Napakunot ako ng noo sa narinig ko. Gagawin? namin?
"Anong gagawin natin?" Tanong ni Amherst na naka pantulog na. Ngumiti ng nakakaloko yung dalawa at nag tinginan.
"Umayos kayo, di kayo nakakatuwa." Sabi ko kinuha ang magazine sa harapan ko.
Tumabi sakin si Amherst at bumulong-- "Humanda ka may gagawing kalokohan tong dalawang to." tas tinignan namin silang dalawa at mukhang may kausap sa telepono. Gumawa lang talaga sila na ikakagalit ko, tsk humanda lang talaga tong dalawang to, pupuruhan ko talaga to.
"Anong balak niyo?" Tanong ko nung maupo sila sa harap ko. Ngumiti lang sila ng sagad at kinindatan ako.
Nagkwe-kwentuhan kami tungkol sa kung ano anong bagay, nang biglang may nagdoorbell.
Tumayo ang dalawa at lumabas ng kwarto para buksan yung pinto. Litsi papatayin ko tong dalawang to eh, masama na kutob ko.
Hinintay lang naming makabalik yung dalawa, nang pumasok sila ay dere-deretso lang sila papunta saamin.
"So hindi niyo isasara ang pinto?" Tanong ko. Di nila ako pinansin at tumingin lang sa pinto. Seriously? Ano inaabangan ng mga to?
"Hoy Walsh pasok na dito!" Sigaw ni Sabrina. Walsh. Walsh. Si nerdy boy. So pinapunta nila si Nerd.
Ito ba plano nila? Wow! I'm so touched. Touched by hell.
Lumabas si Keira para hatakin papasok si Nerdy boy.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. But he just shrugged! Tatayo sana ako para suntukin yun pero pinigilan ako ng Amherst.
"Gagawa tayo ng movie! Yey!" Masayang sabi no Sabrina.
Yey! Humanda talaga tong dalawang to.
---
Sabrina's P.O.V
-Flashback-
"Class Dismiss." Pagkasabing pagkasabi ni Mrs. Savidge ng salitang yon ay tumayo na agad si Sophie. Ako naman at si Keira ay dumiretso kay Walsh. Hehe.
"Psst!" Tawag ko sakanya habang nag-uunat.
"Psst!" Haluh di niya parin ako pinapansin.
"Psst! Psst! PSSSSSTTT!" Sa wakas napansin niya ako tumingin siya sakin.
"If you want to talk to me just poked me, don't 'psst' me. Your saliva is touching me." Huh?
"You want my saliva?" I asked. Inirapan niya ako. Wahh.
"What do you want?" He asked.
"We want your cellphone no., kase tatawagan ka namin mamaya para pumunta sa bahay ni Sophie." This time si Kei-Kei na sumagot.
"I won't give you my no., just give your no. to me." Sinulat naman ni Keira yung no. niya at binigay kay Walsh.
Pagkabigay ni Keira yung papel kay Walsh ay umalis na agad siya.
"Keira iniwan na tayo ni Sophie!" Sabi ko nung makita naming wala na sila sa labas.
"Baka nasa parking lot naghintay. Ganyan naman si Sophie eh, laging nang-iiwan." Drama naman neto.
"Hihi excited na ko mamaya!" Sabi ko.
"Ako rin hihi!" Sabi niya and we both giggled.
-End of Flashback-
Naalala ko yung nangyari kanina hihi! Nandito kami sa kwarto ni Sophie, at maghahabulan kami ni Kei-Kei. Nang biglang---- binato niya yung bra ko sa lamp na katabi ni Sophie. T^T
"Sophieee yung bra ko paki-abot, si Keira kase eh." Sabi ko at nag pout.
Nakaupo lang siya at nakacrossed-arms sa mini sala ng kwarto niya. Hihi
"Sophie sabi sayo eh, perfect choice tong kwarto mo sa gagawin natin!" Sabi ni Keira na hinihingal. Oo perfect talaga!
"Anong gagawin natin?" Tanong ni Amherst na naka pantulog na. Ngumiti lang kami at nagtinginan.
"Umayos kayo, di kayo nakakatuwa." Sabi ni Sophie at kinuha ang magazine sa harapan ko. Tumabi sakanya si Amherst at parang may binulong. Pumunta si Keira sa bag niya at kinuha ang Cellphone niya. Wahh baka si Walshy patootie na to.
"Who's this?" Tanong ni Keira.
Tumingin sakin si Keira. At sa tingin na yun alam kong pinaparating niya na si Walsh yun. Inagaw ko yung phone sakanya.
"Hi Walshy! Where are you?" Tanong ko.
("On my way.") Siguro nag-waze siya, kaya alam niya yung papunta sa bahay ni Sophie.
"Okie." Sabi ko at in-end yung call. Bumalik kami ni Keira sa sala ng nakangiti.
"Anong balak niyo?" Diretsong tanong ni Sophie nung maupo kami sa harap niya. Ngumiti lang kami ng sagad at kinindatan siya.
Nagkwe-kwentuhan kami ng tungkol sa story nang biglang may nagdoorbell. Alam kong si Walsh yun, kaya tumayo agad kami ni Keira.
"Antagal mo naman!" Sabi ko nung buksan namin siya ng pinto. Di niya ako pinansin. Kaya hinatak nalang namin siya ni Keira pa-akyat si Walsh sa kwarto ni Sophie. Pero nauna kaming pumasok ni Keira.
"So hindi niyo isasara ang pinto?" Tanong ni Sophie. Di namin siya pinansin. Bleeh!
"Hoy Walsh pasok na dito!" Sigaw ni ko. Ang bagal naman kasi neto.
Lumabas ulit si Keira at hinatak papasok si Walshy patootie.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Sophie. Pero nag-shrugged lang si Walsh. Tatayo sana si Sophie kaso pinigilan siya ni Amherst. Kainis to si Amherst yun na nga yun eh! Yayakapin na ni Sophie si Walsh!
"Gagawa tayo ng movie! Yey!" Masayang sabi ko. Nilabas nalang ni Amherst yung nagawa niyang script. Ambilis niya gumawa no? Siguro nakuha niya sa google yan.
So ayun binigyan niya kami ng tigiisang kopya at sinimulan na namin ang pagbabasa at pagmememorize. Sa first part kase ipapalabas yung nangyaring break-up nila Sophie. Kaya ayun muna ang gagawin namin.
Nakita kong magkasalubong na ang kilay ni Sophie at nakatingin sakin. Siguro magpapasalamat siya sakin kase naisip ko na papuntahin si Walsh. Kaya kinalabit ko siya at sinabing---- "Your welcome Sophie, as always." at lumayo sakanya hehe.
Mukhang kabisado na nila Sophie yung lines kaya sinimulan na pagta-taping.
---
A/N:
Knock Knock!
Who's there?
Walsh
Walsh who?
Walsh, walsh, walsh 3x a day.
Walsh with colgate.hahaha
YOU ARE READING
The Young Mafia Mistress
Acción"I used to be the sweetest girl ever... til I found out being the baddest girl was better." Si Sophie - Bad girl, Maganda, Maputi, Heartless, Mahilig sa away, Mayaman, at Isa sa mga leader ng isang Mafia group, ang Austley Ferrer Mafia. Si Sebastia...