Part 2

45 2 0
                                    

Nakarating na ako sa lobby ng condong pinagtutuluyan ko. Kumaway naman ako kay manong guard na kasalukuyang nanonood ng balita sa isang maliit na TV namalapit sa isang computer desktop "uy anak nanjan ka na pala sandali lang ah" sabi niya sakin habang pinipindot ang isang pulang button para bumukas ang front sliding door ng condo. Nung pagbukas nung pinto nagpasalamat naman ako kay manong guard "ay anak may mga sulat ka pala" sabi niya sakin bago pa ako makaalis. Pununta naman ako dun sa maliit nilang opisina para makuha ang mga sulat na para sakin. 

"nako anak nasa balita ang isang studyante sa skwelahan niyo. Pinatay daw. Grabe na talaga panahon ngayon ang dami ng pinapatay" balita niya sakin habang hinahanap ang mga sulat ko sa ibabaw ng mesa nila na may kasama ring ibang sulat para sa mga nakatira dito. 

"oo nga po at ang balibalita pa po sa school eh brutal daw po ang pagpatay sa kanya" sagot ko sa kanya

  "ay oo anak napakabrutal ang sabi sa balita binuksan daw siya at pinagtatanggal ang mga lamang loob niya at hindi lang yun pati ang mukha niya binaboy at binalatan na halos hindi na makilala ang biktima" sabi niya pa sakin habang patuloy na hinahanap ang mga sulat 

"grabe po pala ang ginawa sa biktima" nasabi ko na lang

  "kaya nga anak. Kaya ikaw mag-iingat ka marami naring loko-loko na pakalat-kalat ngayon ang ganda mo pa naman" sabi niya sa akin habang inaabot ang mga sulat  

"sige po salamat akyat na rin po ako at marami pa po akong gagawin" pagpapaalam ko sa kanya at kumaway naman siya sa akin habang ako ay papunta sa may elevator. Nung makapasok ako sa loob ng elevator pinindot ko ang button na nakasulat ay 24. Hindi nagtagal at gumalaw na rin pataas ang sinasakyan kong elevator. Tinignan ko kung ano ang mga sulat na hawak ko ngayon karamihan sa kanila ay bills na dapat kong bayaran sa katapusan ng buwan. 

May isa naman na sulat na nakakuha ng pansin ko dahil walang return address. Kaya nung pagbukas ng pinto ng elevator dali dali kong kinuha ang susi ko sa loob ng bulas ko at binuksan ang pintuan ng unit. Pagkapasok ko binuksan ko naman ang mga ilaw na malapit sa tabi ng pinto at binaba ko ang mga gamit nahawak hawak ko. 

Binuksan ko ang sulat na walang return address. May isang puting papel na may sulat na 

I KNOW WHO YOU ARE.

 nakasulat iyon sa dugo. Naihulog ko ang papel na hawak ko sa sobrang pagkabigla. Tinitigan ko lang ito habang nasa lapag ang sulat na may dugo. Isa lang ba itong pangloloko o pananakot? Kaya ng matauhan ako pinulot ko ang sulat pinagpupunit at itinapon sa basurahan. 

Kaylangan kong pakalmahin ang sarili ko kaya naisipan kong magbabad na lang sa bath tub na may maligamgam na tubig. Kinuha ko ang phone ko para i-connect sa speaker na nasa loob ng banyo ko. Nagpatugtog ako ng masasayang kanta para mawala sa isipan ko ang sulat na nakita ko. 

Makalipas ng halos isang oras na pagbababad tumayo na rin ako at nagbanlaw para tapusin na ang mga assignment ko na kaylangan para bukas. 

------------------------------------------------------------

Hindi ko na namalayan at nakatulog na pala ako sa lamesa sa loob ng kwarto habang ang ilang libro ko ay nakabukas pa rin. Nag-unat muna ako at niligpit ang mga gamit ko para makapagbasta na rin para makapasok ng maaga ngayon. Naligo ulit ako habang nagpapainit ako ng tubig para sa kape ko. Habang naliligo ako hindi ko naiwasang isip ulit ang sulat kagabi. 

I KNOW WHO YOU ARE.

 Sino ba ang nagpadala ng sulat na yun? Bakit ako pa ang napili niyang guluhin? Ano ba ang ginawa ko sa kanya para guluhin niya ang utak ko ng ganto? Hindi na rin ako nagtagal sa pagligo dahil naligo naman ako kagabi, kaya lang ako naligo ulit para hindi ako mainitan mamaya sa school kahit na naka-aircon ang lahat ng classroom doon. 

Natapos ako sa pagbibihis at lumabas na ako para magtimpla ng kape ko. Ng makalapit ako sa kitchen table ko, nagulat ako sa nakita ko. 

Nandoon sa taas ng mesa ko ang sulat na may dugo, may nagbalik at pinagdugtong dugtong ulit ito gamit ang scotch tape. Nanginginig ang buong katawan ko, kinailangan ko pang humawak sa upuan para kumuha ng suporta dahil alam kong matutumba ako sa kinatatauan ko. Unti unti akong lumapit sa sulat at nakita na may nadagdag sa sulat. Hindi ko na kinaya ang sunod na nakita ko. Isang litrato na halatang galing sa isang polaroid camera at may nakasulat

  I LIKE HOW YOU LOOK WHEN YOU SLEEP  

kinuha ko ang litrato ko. Hindi ko na namalayan na napahawak na ang isang kamay ko sa bibig ko. Ang litrato ko ay kakukuha lang kagabi dahil ang suot kong pangtulog kagabi ay kaparehas na kaparehas sa suot ko sa litrato na hawak ko ngayon. Hindi to maaari may nakapasok sa bahay ko ng wala akong kaalam alam, kaya nagmamadali kong tinapon ang sulat at ang litrato ko sa basurahan para maitapon ko na ito sa trash collector ng condo. Pagkatapos kong gawin iyon nagmadali na rin akong umalis ng bahay at tinawagan ang security ng condo para papalitan ang susi ng unit ko at sinabi ko na rin na may nakapasok sa loob ng unit ko.

Pumunta na ako sa parking lot sa basement para kunin ang sasakyang ibinigay ng mga magulang ko sa akin bago ako lumipat dito. Dumaan muna ako sa isang coffee shop dahil nakalimutan kong kunin yung kape ko sa loob ng bahay kanina dahil na rin sa sobrang takot. 



I Gave My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon