Naalimpungatan ako.
"aray." nasabi ko na lang habang hinahawakan ko ang ulo ko gamit ang kaliwang kamay ko. Bakit ang lamig? tanong ko sa isip ko kaya iminulat ko ang aking mga mata. Madilim na at nakahiga ako sa may damo na hindi ko alam kung saan ito.
Umupo na ako habang hawak-hawak pa rin ulo ko. bzzzt bzzzt. naramdaman kong nagvibrate ang phone ko sa bulsa kaya kinuha ko ito at sinagot "hello?" bungad ko na halata sa boses ko na medyo nahihilo pa ako
"OH MY GOD!!!! THANK GOD SUMAGOT KA RIN!! ALAM MO BANG KANINA PA KAMI NAG-AALALA SAYO? NASAN KA?" sabi ni Leona na nag-aalala sa akin.
tumingin ako sa paligid at wala akong makita na kahit anong building o anomang palatandaan kung nasan ako "hmm hindi ko alam Leona ang nakikita ko lang eh puro damo at puno..parang isang malaking field" tanging na sagot ko na lang sa kanya
"okay sige i-on mo na lang yung location ng phone mo para makita namin kung nasan ka" dinig ko sa boses niya na medyo natataranta siya dahil hindi ko alam kung nasan ako.
"sige" ang tanging nasagot ko na lang sa kanya. Ginawa ko naman yung inutos ni Leona sa akin na i-on ang location ng phone ko.
"na-on mo na?" tanong niya ulit sa akin
"oo naka on na. ugggh" ang sakit ng ulo ko parang binibiyak at nahihilo din ako. Narinig ko na may kausap siya sa kabilang linya, teka parang serena yun ng pulis ah. Inilayo ko sa tenga ko ang cellphone nahahawak ko at pinakinggan ang nasa paligid ko.
"Leona..naririnig ko yung serena ng pulis" sabi ko sa kanya
"sige sige sasabihin ko sa kanila. Justin!!!" sigaw niya. Mukhang humingin na rin sila ng tulong kay Justin dahil ang alam ko hindi tutulong ang pulis sa missing person pag wala pang 24 oras na nawawala ito.
"huwag kang aalis dyan. Malapit ka lang sa subdivision papunta na kami" sabi niya sa akin at naririnig kong nagmamadali na silang umalis ng bahay
Makalipas lang ang ilang minuto narinig ko na ang serena ng mga pulis at nakita ko na rin ang kulay pula at asul na ilaw nito, kaya tumayo na ako at nagsimulang maglakad papunta sa tinigilan nilang lugar.
"LEONA!" puwersang sigaw ko para makita nila ako. Mukha naman na narinig niya ang sigaw ko kahit alam kong mahina lang ang sigaw na nailabas ko.
Patakbong pumunta sa akin si Leona, ako naman kahit gusto kong tumakbo hindi ko magawa dahil sa nahihilo pa ako at alam kong matutumba lang ako pag sinubukan ko pa.
"OH MY GOD! good thing your're safe" sabi niya sa akin habang yakap yakap niya ako. Niyakap ko rin siya.
"what happen?" tanong niya sa akin at tinanggal ang pagkakayakap
"all I can remember was I heard someone like calling me so I went in that small alley near the gate's subdivision at someone put something on my face and I passed out. The next thing is that I woke up here" paliwanag ko sa kanya
"good thing nothing happened to you..Oh God I won't forgive myself if anything happen" sabi niya sa akin at nakita kong naluluha na siya.
"ano ka ba, hindi mo kasalanan" pag alo ko sa kanya
"eh kasi kung hindi kita kinulit na pumunta sa bahay edi sana hindi to nangyari" sabi niya sa akin habang naiiyak na siya.
"shhhh ano ka ba kung hindi mo ako kinulit malamang nakapasok na naman ulit siya sa condo at ako lang mag-isa. Di ba mas nakakatakot yun?" tanong ko sa kanya para mapagaan ang nararamdaman niya
Ilang oras din ang nakalipas ng matagpuan nila ako sa isang field na malapit lang sa bahay nila Leona. Tinanong din ako ng paulit ulit ng mga pulis kung anong nangyari sa akin at pano ako napunta doon sa field. Halos mag aalas diez na ng gabi nang matapos ang mga pulis sa pagtatanong sa akin at pag hahanap ang kahit anong ibedensiya para sa taong dumukot sa akin. Nag paalam na rin si Justin dahil kasama niya ang kanyang tito sa paghahanap sa akin kanina.
"nagugutom ka ba?" tanong ng Kuya ni Leona sa akin matapos niyang isara ang lahat ng pintuan at mga bintana ng bahay nila.
Umiling lang ako. Wala akong ganang kumain matapos ang lahat ng nangyari kanina sa akin.
"sige na kumain ka lang kahit konti para maikalma mo rin ang sarili mo. Kaylangan mo ding kumain sabi ni Leona hindi ka pa daw kumakain ng tanghalian" sabi niya sa akin habang nakatitig sa aking mga mata.
Parehas silang magkapatid, hindi sila tumatanggap ng sagot na hindi. Kaya wala akong nagawa kundi tumango na lang. Pinaghandaan niya ako ng Carbonara.
Habang kumakain ako "nasan na si Leona?" tanong ko sa kanya
"inaayos ang tutulugan niyong dalawa" sagot niya sa akin habang binubuksan ang TV nila sa may kusina at nanood ng balita.
"isang kapapasok lang na balita. Isang babae natagpuan sa isang basurahan sa likod ng isang sikat na unibersidad. Napag-alaman na siya ay isang biktima rin ng gumagalang isang mamatay tao na tinatanggalan ng mga laman loob ang kanyang mga biktima. Napag-alaman din namin na si binibining Michelle Ramirez ang nasabing biktima." sabi nung nagbabalita sa TV
Nanlaki naman ang mga mata ko ng ipakita ang litrato nung biktima, siya yung babaeng pumunta noon para sabihin na namatay din yung isa nilang kaibigan kay Madison.
Narinig kong may bumagsak sa likuran ko kaya napatingin kaming dalawa ng kapatid ni Leona. At nakita namin si Leona na parang isang statwa ng makita niya ang balita sa TV.
"no........" yun na lang ang nasabi niya. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa harap ng lamesa at niyakap siya.
-------------author's note-------------
>thank you sa mga nagbabasa nitong story ko..hehehehe
>hahahahaha hindi ko na kinayang purong tagalog ang sinusulat ko kaya napa english na ako sa bandang gitna..
>please vote for my story thankie!!!!!

BINABASA MO ANG
I Gave My Everything
General Fictionisang insidenteng na nangyari sa aking buhay na hinding hindi ko malilimutan.. pinilit na ibaon sa limot ang lahat.. nagpakalayo sa mga tao at bagay na makakapagpaalala sakin sa hindi kanais nais na pangyayaring iyon.. pero bakit ganun?? hindi ko pa...