Part 7

20 1 0
                                        

Ng pumasok kami ni Leona sa university ang daming bulong bulungan tungkol dun sa pinatay  na si Michelle Ramirez na kaibigan ni Madison. Kung tutuusin dalawang kaibigan na ni Madison ang namatay.

"siguro pinatay yung dalawang babae na kaibigan ni Madison kasi mga maldita sila, di naman maganda" bulong nung isang studyante sa kausap niya.

"oo nga eh pero kawawa din naman sila, kung sana hindi sila nagmaldita siguro buhay pa sila" sagot nung isang babae

Napansin ko na medyo naiirita na si Leona sa mga naririnig niya, narinig ko kasi siya na bumulong sa sarili na " ano bang alam niyo" 

Sa hindi kalayuan nakita namin na may nagkukumpulan na mga studyante sa isang bulletin board ng university sa tapat ng Computer Science na building at mukhang na curious din si Leona at inaya niya ako na tignan kung anong meron doon. Hinila niya ako papunta sa board at nakita na may mga litrato sila Madison doon. Mukhang kuha ito sa student handbook pati na rin sa yearbook nila dati nung nasa highschool sila. May mga kuhang litrato din na may binubully silang isang babae. Tinignan ko ng maigi ang mga ito, merong isang litrato na sinasabunutan nila yung isang babae na medyo may kalakihan ang pangangatawan tapos meron din na binuhusan nila ng pinto yung babae. Ngayon alam ko na kung ano yung sinasabi nung mga babae kanina.

Napatingin ako kay Leona at nakita kong nakatingin siya sa isang litrato, hindi lang siya nakatingin kundi nakatitig siya roon at nanlaki ang kanyang mga mata kaya sinundan ko ng tingin kung saan siya nakatitig. Isang litrato ng isang babae na nakabukas ang uniporme niya at nakikita ang pangloob niya, hindi ko makita ang mukha niya dahil sinira iyon ng nagdikit ng mga litrato.

"Leona okay ka lang? gusto mo umalis na tayo?" concern na tanong ko sa kanya at ang tanging na sagot nila lang sa akin ay ang pagtango ng ulo niya

Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin ang mga klase ko at ang laging pinag-uusapan nila ay tungkol sa mga nakapost sa bulletin board. Papunta na ako dun sa student lounge ng mapadaan ako sa Computer Science na building at nakita si Madison na tinatanggal ang mga nakalagay.

"WHO DID THIS?!!" sigaw niya, inaawat na siya ni Justin pero hindi siya nagpapaawat at sinigawan pa niya ito.

Hindi ko na lang pinansin ang drama ni Madison at pumunta na sa student lounge. Nakita ko si Leona na tulala pa rin mukhang malalim ang iniisip. 

"Leona okay ka lang ba talaga? gusto mo tawagan ko na kuya mo?" sabi ko sa kanya

"ha? may sinasabi ka ba sakin?"  tanong niya sa akin na halatang wala siya sa sarili.

"gusto mo na bang umuwi? pwede naman kita ipagdrive" alok ko sa kanya

"Hmmm sige salamat"  sagot niya sa akin at pumunta na kami sa kotse niya

Mga ilang saglit lang na nasa loob na kami ng kotse biglang nagsalita si Leona "yung isang babae sa picture na....." mukhang nahihirapan siyang ikwento "na nakabukas yung uniform....." hindi na niya napigilan at may bumagsak na luha galing sa kanyang mga mata "kilala ko siya..at ako ang dahilan kung bakit siya na rape" humagulgol na siya ng iyak "at ako ang kumuha ng picture na yun"

"ha? hindi ko maintindihan? paanong ikaw ang dahilan?" natanong ko na lang sa kanya habang nagmamaneho pauwi ng bahay nila

"kasi nung highschool gusto kong mapasama sa grupo nila Madison para hindi na ako mabully pa ng ibang studyante" simula niya sa kwento niya habang nakikinig lang ako at nagmamaneho "Hindi ko alam kung bakit inis na inis si Madison dun sa studyanteng nasa picture. Kaya ang pinagawa sa akin ni Madison eh ang kaibiganin siya, ginawa ko naman. Hindi ko naman aakalain na magiging kaibigan ko talaga siya ng makita ni Madison na mas malapit na ako dun sa studyante na yun, inutusan niya ako na dahil siya sa sinabing lugar ni Madison at hindi ko naman alam na ganun pala ang gagawin nila" sabi niya habang umiiyak pa rin.

"may iba pa bang may alam nito? yung kuya mo? sinabi mo na ba to sa kanya?" tanong ko medyo tumaas na ang boses ko sa gulat 

"hindi. wala akong pinagsabihan dahil pinagbantaan ako ni Madison na pag nagsabi daw ako sa iba gagawin niya miserable ang buhay ko hanggang sa ang tanging solusyon na lang ay patayin ko ang sarili ko." paliwanag niya sa akin, nakikita ko na nilalaro niya ang kanyang mga daliri.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya, ni hindi ko alam kung paano siya i-comfort kaya ang buong byahe namin pauwi sa kanila walang nagsasalita at ang tanging maririnig mo lang ay ang paghikbi niya.

"salamat" sabi niya ng makapasok kami sa bahay nila

"ha? para saan?" naguguluhang tanong ko sa kanya habang inilalapag ko ang susi ng kotse niya sa may lamesa sa kusina.

"salamat sa pakikinig sa akin kanina kahit papaano nabawasan ang dinadala ko dito" at itinuro ang kanyang puso

Napangiti na lang ako at nagpaalam na uuwi na ako at marami pa akong gagawin.


Unknown POV

 Nandito ako sa tapat ng bar kung saan pumunta sa Madison, sinundan ko siya simula pa lang sa bahay niya. Kanina kasama niya si Justin pero mukhang magkakalabuan na sila at mukhang pikon ang itsura ni Justin ng Lumabas ito kanina sa bahay ni Madison.

Pumunta na si Madison sa kotse niya at mukhang lasing ito, mukhang madali kong mapapatay ang isang to. Lumapit ako sa kanya habang hawak hawak ang isang syringe na may gamot na pang patulog katulad ng ginamit ko sa dalawang babaeng pinatay ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at itinurok ang syringe sa may leeg niya at ipinasok siya sa loob ng kotse niya at minaneho ang kotse sa isang abandonadong building sa isang liblib na lugar dito sa maynila.

Inilapag ko lang si Madison sa sahig at itinali ang kanyang mga kamay. 

Hindi nagtagal at nagising na siya.

"hi Madison..remember me bitch?" bungad ko at ngumiti sa kanya

"you!!!nasan ako?!!anong gagawin mo sa akin?" sigaw niya sa akin habang sinisubukan na tumayo.

"nasan ka? sa lugar kung saan ka mamamatay!!!" sabi ko at hiniwa ko ang kanang braso niya gamit ang hawak kong patalim at syempre nakagloves ako at footsacks para walang ebidensyang makukuha dito sa lugar na ito.

"AHHHH!sino ka ba? bat mo to ginagawa?!" sigaw niya at nakita ko na may umaagos na dugo doon sa sinugatan kong braso niya.

"I'm hurt. Hindi mo na ako kilala? ako lang naman ang babaeng kinawawa niyo noon" sarkastikong sabi ko habang may nakakalokong ngiti sa aking mga labi.

tinignan ko siya at mukhang hindi niya parin ako natatandaan "hmmm.. sobrang dami na ba ang mga kinawawa mo at hindi mo na ako makilala? buti pa yung dalawa nakilala agad ako. Let's just say na ako yung babaeng pina-rape niyo" sabi ko para maliwanagan na siya

at tama ako, naalala na niya dahil nanlaki na ang kanyang mga mata

"let's play a game I'll count one to three then you run pagnaabutan kita, you die" paliwanag ko at tinanggal ang tali sa kamay niya

"one..




two..





ready or not here I come" masiglang sabi ko at tumakbo pababa ng buliding para habulit siya.


hindi pa siya nakakalayo, naabutan ko na agad siya. Nakalmot niya ako sa kaliwang braso ko at napasigaw ako ng bahagya sa inis ko binato ko sa likuran niya ang patalim na hawak ko. Nakita ko na natumba siya dahil sa ginawa ko.

tinanggal ko ang patalim sa likod niya at sinaksak ko siya ng paulit ulit hanggang sa mawalan na siya ng buhay.

pagkatapos kong mapatay si Madison ay nilinis ko ang kanyang mga kuko na naipangkalmot niya sa akin dahil may makukuha silang DNA ko doon.


"ahhh.. three down, one to go" sabi ko habang sinusunog ang katawan ni Madison sa loob ng kotse niya.

I Gave My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon