Makalipas ang ilang araw ng may nangyaring pagpasok sa unit ko, bumalik na ulit sa normal ang lahat. Nasabi ko na rin kay Leona kung anong nangyari sa akin dahil napansin din niya na naging lutang ako nung mga nakaraang araw at syempre pinatulog niya ako sa bahay nila ng malaman niya iyon.
Sabado ngayon at natapat na wala kaming klase ngayon dahil may meeting ang lahat ng mga professors para sa nalalapit na event ng university. School fair lang naman yon at taon taon ito ginagawa, kasabay din ito ng anibersaryo ng pagkakatatag ng university.
"saan mo gustong pumunta? tamang tama walang pasok?" tanong sa akin ni Leona habang kausap ko siya sa cellphone ngayon. Buti nga at pinayagan niya akong umuwi ng condo ko para naman makapag-ayos ng gamit at makapagligpit na rin.
"hmmm..hindi ko alam, parang gusto ko na lang mag stay sa bahay eh" sagot ko sa kanya habang nagtitiklop ng mga damit ko na bagong laba lang
"sige gusto mo bang punta na lang ako dyan? dala ako ng pagkain, ang dami kasing niluto ni kuya eh kala niya pupunta ka rito" paliwanag niya sakin at halatang gusto niya talaga akong pumunta sa kanila. Alam ko naman na nag-aalala siya para sa akin dahil alam niyang hindi ko kasama ang mga magulang ko rito. Nasa ibang bansa kasi sila, parehas pa nilang minamanage ang business ng pamilya namin at si kuya naman nasa London dun niya tinatapos ang MBA niya at siya rin ang nag-aasikaso sa business namin dun.
"sige na nga pupunta na lang ako sa inyo mamaya tatapusin ko lang tong ginagawa ko tapos maliligo lang ako. Gusto mo bang dyan na rin ako matulog mamayang gabi?" napabuntong hininga na lang ako matapos kong tanungin sa kanya iyon dahil alam kong magtatampo siya sakin pag hindi ako pumunta sa kanila o kaya pag hindi siya pumunta dito sa bahay ko.
"yes please" tanging sagot niya sakin na alam kong sobrang ngiti niya sa kabilang linya na naging dahilan para mapangiti din ako
"sige na magtiklop lang ako sandali atsaka mag-vacuum lang ako dito tapos ligo na ako para makapunta na ako dyan" sabi ko sa kanya habang nagtitiklop ng mga pangtulog ko
"yeahey! alam kong hindi mo ako matitiis eh. Sige na tapusin mo na ng mabils yang ginagawa mo para makapunta ka na dito excited na kasi si kuya eh" masayang sabi niya sakin na narinig ko ang kuya niya na nagprotesta dahil sa sinabi niya sakin. Natawa naman ako ng mahina, ang kulit talaga nilang dalawa. Wala din kasi ang mga magulang nila dito sa pinas. Kagaya ko nasa ibang bansa din sila at minamanage ang family business nila pero mabuti pa ang mga magulang nila malapit lang sa kanila nasa Japan lang, ilang oras lang ang flight nila para makita sila samantalang ako it will take 12 hours more or less para lang makita sila.
"woooo kuya if I know kinikilig ka lang eh" dinig ko sa kabilang linya na siyang dahilan para mabalik ang isipan ko sa realidad
"huy Leona wag mo nga masyadong kulitin ang kuya mo, mamaya iwanan ka niyan sige ka" sabi ko na lang sa kanya at napatawa ng mahina
"nako si kuya iiwan ako? mukhang malabo yun dahil pag iniwan niya ako hindi ka na niya makikita~ aaaahhhhhh!! ang tili niya. Buti na lang at naka loud speaker ako kung hindi baka nasira na pandinig ko sa sobrang tinis ng tili niya
"sige na babye na para matapos ko na tong ginagawa ko" paalam ko sa kanya at dinig na dinig ko parin ang paghahabulan nilang dalawa sa kabilang linya
"sige sigeeeee!! babye ingat ~ahhhhhhh kuya naman eh" paalam niya sakin habang tumitili, ako naman binaba ko na yung linya
Halos magdadalawang oras din ako nagtiklop at naglinis ng unit ko. Pagkatapos kong maglinis naligo na rin ako para makapunta na rin kela Leona.
Mag-aalas dose na ng matapos akong maligo. Nag-ayos lang ako ng damit na dadalhin ko dahil alam kong hindi ako papaalisin dun ni Leona hanggang bukas. Nung makadaan ako sa may lobby ng condo nagpaalam ako sa guard na nagbabantay at sinabing babalik na lang ako bukas para alam nilang walang tao sa condo unit ko at mabantayan nila kung may magbalak na namang pumasok. Hindi ko na ginamit ang kotse ko dahil malapit lang naman yung subdivision nila Leona sa condo na tinutuluyan ko kaya nag jeep na lang ako. Nung pagbaba ko sa jeep kaylangan ko pang maglakad ng konti dahil medyo tago ang gate ng subdivision nila. Nagtext na rin ako kay Leona na nasa may gate na ako para hindi na siya mag-alala, grabe pa naman mag-alala ang babaeng yun.
"psssssst!" napatingin naman ako sa may likuran ko kung ako yung tinatawag niya pero wala namang tao sa likod ko kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad
"pssst!" may sumitsit na naman ngayon naman narinig ko ito sa isang maliit na iskinita na halatang dead-end naman at ang daming tambak ng basura dito "psssssssst!" nanliit na ang mga mata ko at sinundan ko sa maliit na iskinita ang sitsit niya.
Nang makarating ako sa dulo, wala namang tao. Napaisip tuloy ako kung imahenasyon ko lang ba yun o ano, kaya na pagdesisyonan ko na bumalik na lang sa paglalakad. Narinig kong may nagtext sa akin kaya kinuha ko sa bulsa ko ang phone ko at binasa iyon. Galing kay Leona ang message 'pupunta na ng gate si Kuya hintay mo na lang' pero bago pa ako makalabas ng iskinita may kamay na tumakip sa bibig at ilong ko. Nagpumiglas naman ako pero may naaamoy akong kakaiba na hindi ko alam kung ano iyon. Hindi rin nagtagal, nanghina ako at nawalan ng malay.
UNKNOWN POV
"hmmm..hmmm" sabi nung babaeng nasa ibabaw ng lamesang nakabalot sa plastic habang nakagapos ang mga kamay at paa nito sa bawat kanto ng lamesa. Nakahubad ngayon siya, tinanggal ko lahat ng damit na suot niya kanina.
"gising ka na pala" puna ko sa kanya. Tinignan ko siya, tinanggal ko ang ilang piraso ng buhok na tumatabing sa mukha niya.
"HMMMMMM!!!!!HMMMMMMMM!!!!!!" sigaw niya sa akin. Hindi siya makapagsalita dahil tinahi ko ang bibig niya.
"masakit ba?" sarkastikong tanong ko sa kanya "hmm..sa mga oras na ito alam kong nawawala na unti unti ang anesthesia na itinurok ko sayo habang natutulog ka kanina" sabi ko habang nakangiti at hinahaplos ang mukha niya
"HMMMMM!!!HMMMMMM!!!!!" sigaw niya ulit habang medyo inaangat niya ang itaas na bahagi ng katawan niya
"sssshhhhh wag kang mag alala walang makakarinig sayo dito. Soundproof to kaya kahit anong sigaw mo walang tutulong sayo" pagpapaliwanag ko at halata sa mukha niya na sobrang takot na takot siya. Ilang sandali lang tumigil na siya sa kakasigaw niya at parang nawalan na ng pag-asa.
"gusto mo bang malaman kung sino ako at bakit ko ginagawa to?" tanong ko sa yan habang may kinukuha akong scalpel o isang napakatalim na kutsilyo na ginagamit pang opera para panghiwa sa laman ng tao.
Nakita ko naman na medyo naluluha na siya ng ipakita ko sa kanya ang hawak ko "hindi mo na ba ako natatandaan Michelle maldita?" tanong ko sa kanya na dahilan para lumaki ang kanyang mga mata at maalala kung sino ang nasa harap niya ngayon.
"ahh naalala mo na ba ako ngayon?" tanong ko ulit sa kanya habang inilalapit ko ang hawak kong scalpel sa mukha niya. Tumango naman siya, nakikita kong nangingilid na ang kanyang mga luha
"natatandaan mo na rin ba kung anong tinatawag niyo sa akin noon? ano bang ginawa kong masama sa inyo? alam mo ba na kayo ang dahilan kung bakit ako naging ganto?!" sigaw ko at hiniwak ang kaliwang pisngi niya.
"HMMMMMM!!!" sigaw niya dahil sa sakit na naramdaman niya ng hiwain ko ang pisngi niya. Nakikita ko rin na patuloy ang pag-agos ng dugo sa pisngi niya na nahiwa ko. Ang pula pula, ang sarap titigan.
"MASAKIT BA?! MASAKIT DI BA?! NGAYON ALAM MO NA ANG NARAMDAMAN KO NOON NG HIWAIN MO ANG MUKHA KO GAMIT ANG BASAG NA BOTE?!!!" sigaw ko at hiniwa naman ang kabilang pisngi niya
"HHHHHHMMMMMM!!!!!!" sigaw niya ulit
"huwag kang mag-alala hindi kita papatayin agad." sabi ko habang binababa sa may leeg niya ang scalpel na hawak ko namay dugo na niya ngayon. "dahil habang unti unti kitang pinapatay sisiguraduhin kong gising na gising ka!!" sabi ko habang hinihiwa ko ang katawan niya simula sa pagitan ng kanyang mga dibdib hanggang sa pusod niya.
ahhh..ang sarap pakinggan ang tili niya pati ang amoy ng dugo na ngayon ay bumabalot sa loob ng kwarto kung nasaan kami ngayon.
BINABASA MO ANG
I Gave My Everything
General Fictionisang insidenteng na nangyari sa aking buhay na hinding hindi ko malilimutan.. pinilit na ibaon sa limot ang lahat.. nagpakalayo sa mga tao at bagay na makakapagpaalala sakin sa hindi kanais nais na pangyayaring iyon.. pero bakit ganun?? hindi ko pa...