Unknown POV
Nandito ako ngayon sa isang maliit na bahay sa isang masukal na gubat. Pinili ko talaga itong lugar na ito dahil malayo sa kabihasnan at tahimik dito, isang magandang lugar para magparusa at pumatay ng tao. Napangiti ako ng bahagya. Pumatay ng taong walang ginawa kundi ang pahirapan ang buhay ko noong nasa highschool palang ako. Wala naman akong ginagawa sa kanila, ang gusto ko lang noon ay isang tahimik na buhay makatapos ng may mataas na grado at makapunta sa abroad para ipagpatuloy ko ang kolehiyo ko roon. Ngunit sinira nila ang lahat ng plano ko sa buhay dahil lang sa pesteng inggit at selos na yan.
Naglakad ako papasok ng bahay para ibasta na ang mga gagamitin para mamaya. Oo, may papatayin na naman ako mamaya at isa iyon sa mga sumira sa buhay ko. Michelle Ramirez. Tinignan ko ang litratong niya na kuha ko habang papalabas siya ng unibersidad na pinapasukan niya ngayon. Kilala parin siya bilang isang maldita sa paaralan nila.
"tsk tsk. Kahit kelan talaga Michelle hindi ka na nagbago. Kaya ang bagay sayo putulin na ang sungay para mabuhay na ng payapa ang mga kinakawawa mo." sabi ko habang tinititigan ang kanyang litrato
Matapos kong tignan ang kanyang litrato ay inumpisahan ko ng latagan at balutan ang lamesa ng plastic para hindi mahirap magligpit mamaya pag patay na siya. Halos 30 minutos din kong ginawa iyon at kinuha na ang susi para sa kotse.
Halos mag aala sais na ng makarating ako sa bahay na tinutuluyan niya. Siya lang mag isa ngayon dahil pinapupunta nila lang ang mga katulong niya tuwing umaga at umaalis din bago siya umuwi. Kaya madali lang siyang dukutin dahil sa wala siyang kasama sa bahay.
Medyo malayo ako nagparada ng kotse at kinuha ko na ang isang syringe na may lamang gamot na pang patulog, kumuha rin ako ng isang sterile na foot sack pati na rin isang pares ng gloves para walang fingerprint na makuha at inilagay sa bulsa ko. Nakita ko siya na pumanik sa isang kwarto sa itaas ng bahay niya, bago ako pumasok nilagay ko muna isang pares ng gloves at ako naman ay dahan-dahan na binuksan ang gate ng bahay. Nakakuha ako ng replica ng susi niya ng magpanggap akong kaibigan niya nung pumunta ako nung isang araw at iminarka ang susi sa isang memory foam para magaya ko ito upang sa ganun kung sakasakaling mag imbistiga ang mga pulis ay wala silang makikitang forced entry at gagawin nilang konklusyon ay isa sa mga kakilala niya ang pumunta rin.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan niya sa harap at dahan-dahang naglakad papuntang kusina niya. Meron kasi akong nakita noong pumunta ako dito na isang maliit na puwang na malapit sa ref niya at hindi mo mapapansin na may nagtatako roon. Doon ako naghintay at pinatay ang ilaw upang sa ganun mas lalong hindi niya ako mapansin. Ilang saglit lang ng marinig ko ang mga yabag ng paa niya na patungo sa kusina. Pumunta siya sa harap ng ref at yumuko ng kaunti para siguro maghanap ng pagkain. Dahan-dahan akong pumunta sa kanyang likuran at itinurok sa leeg niya ang hawak kong syringe. Hindi niya nagawang sumigaw dahil sa gulat siguro at dahil na rin sa mabilis umipekto ang gamot na tinurok ko.
Binuhat ko siya hanggang sa malapit sa pinto at lumabas ako para kunin ang kotse ko. Buti na lang at madilim na sa labas at ang tanging ginawa ko na lang para hindi ako mahalata ay patayin ang ilaw sa harap ng bahay ni Michelle. Hindi rin nagtagal ay naipasok ko na siya sa likod ng kotse ko. Matapos kong isara ang pinto ng bahay ay nagmaneho na ako palayo ng bahay niya.
Nandito na kami sa tapat ng bahay na nasa gubat at dinala siya sa loob ng bahay. Ipinatong ko siya sa lamesa na may balot ng plastic, itinali ko na rin ang mga paa at kamay niya sa bawat sulok ng lamesa. Pagkatapos ay pinaggugupit ko ang mga damit na suot niya at hinintay siyang magising. Habang naghihintay ako tinignan ko ang mukha niya. Sinong mag-aakala na ang mukhang anghel na ito ay may itinatagong demonyo na sisira sa buhay ng ibang tao? Lalo akong nainis, gusto ko na siyang patayin na lang pero sa isip-isip ko mas matutuwa ako pag narinig ko na siyang sumigaw at umiyak para sa buhay niya. Kaya ang ginawa ko na lang habang naghihintay na magising siya ay tinahi ko ang bibig niyang matabil. Habang tinatahi ko ito ay unti unti kong naaalala ang mga masasakit na salita na sinabi niya sa akin. PANGET, MATABA, ISANG BABOY NA WALANG MAGKAKAGUSTO, PAPANSIN, EPAL at iba pang salita na hindi mo aakalaing alam niya pala.
Mga ilang minuto lang matapos kong tahiin ang bibig niya na gising na siya at sinimulan ko na ang pagpapahirap sa kanya.
hmmm.. ang sarap sa tenga ng mga tili niya parang musika sa tenga ko kaya napapikit ako. Ahhh.. pati ang amoy ng dugo na galing sa hiwa na ginawa ko sa katawan niya. Inilapit ko ang mga kamay kong naka-gloves sa may mukha ko para mas lalo ko itong maamoy.
DUGO.
Bakit parang ang sarap mong amuyin? lalo na kung galing ito sa taong sumira sayo physically and emotionally.
"AHHHHH!!!!!" napabukas ako ng mata. Natanggal na niya ang mga tahi sa bibig niya. Binuka niya ng sapilitan ang mga bibig niya para matanggal ang mga tahi, yun ang akala niya na mangyayari. Imbis na matanggal lang ang mga tahi ang nangyari eh napunit ang mga laman kung saan nakatahi ang bibig niya.
"masarap ba? masarap bang MASAKTAN HA?!" sigaw ko habang hinatak ang lamang loob niya. Ng ginawa ko iyon may tumalsik na mga dugo sa damit ko pati na rin sa mukha ko. Pinakalma ko sarili ko dahil para akong hingal na hingal pero napangiti na lang ako habang naghahabol ng hininga.
"you're next Madison Aryares" sabi ko at na pangiti habang nakatingi sa itaas.

BINABASA MO ANG
I Gave My Everything
General Fictionisang insidenteng na nangyari sa aking buhay na hinding hindi ko malilimutan.. pinilit na ibaon sa limot ang lahat.. nagpakalayo sa mga tao at bagay na makakapagpaalala sakin sa hindi kanais nais na pangyayaring iyon.. pero bakit ganun?? hindi ko pa...