Part 1

46 2 0
                                    

gusto kita




Pero hindi ko masabi sayo ang nararamdaman ko. Sino ba naman ako? Isang hamak na simpleng studyante lang at ikaw? Popular ka sa university, mayaman, gwapo, sino naman ang hindi magkakagusto sa inyo, di ba?

Kaya heto ako ngayon hanggang tingin na lang mula sa malayo. Nandito ako ngayon sa student lounge nag-aaral habang tinitignan ka na nasa may stage sa gitna ng quadrangle ng university, inaayos ang back draft para sa event mamayang gabi. Halatang pagod ka na, pero kahit ganun meron paring ngiti sa inyong mga labi at patuloy sa pag-eencourage sa mga kasama mo para matapos niyo na iyon at maka-uwi na rin kayong lahat.

Isa pa yan sa nagustuhan ko sayo. Hindi ka pumapayag na may naiiwan sa mga kaklase mo o kaya sa mga kaibigan mo. Ang bait mo talaga, pero kelan mo kaya ako mapapansin?

"huy!" gulat sa akin ng kaibigan kong si Leona "titig na titig ka na naman kay mr. pogi na si Justin" sabi niya sa akin habang umuupo siya sa harapan ko at nilalapag ang kanyang mga gamit sa mesa

"ikaw naman. Alam mong hanggang tingin na lang ako di ba? may girlfriend na kasi yung tao" paliwanag ko sa kanya na may halong biro sa boses ko pero sa totoo lang nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko silang magkasama, magkahawak ng kamay, pag-inaakbayan niya o kaya pag hinahalikan niya ang girlfriend niya. Ang lagi kong naiisip, kung ako kaya ang nauna niyang nakilala kesa sa girlfriend niya ngayon ako kaya yun?

"ewan ko ba kay Justin na yan kung bakit si Madison ang girlfriend niya" sabi niya na medyo hala sa boses niya na naiirita siya dun sa thought na girlfriend ni Justin si Madison "hay nako kung alam niya lang may sungay na tinatago yang bruha na yan" asar na sabi niya habang binubuklat ang libro niya para simulan ang pag-aaralan niyang subject. Magkaparehas kasi ang skwelahan nila Leona at Madison simula pa nung first year highschool sila. "mukha lang anghel yang maldita na yan pero ang totoo mas malala pa kay satanas ang ugali niyan. Alam mo ba dati nung second year kami may muntik ng magpakamatay dahil sa binubully siya nila Madison dahil mataba yung girl at may pagka-nerdy pa" kwento ni Leona habang nakapatong na ang kanyang dalawang siko sa librong binuksan niya kanina.

"oh? anong nangyari dun sa babae?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na naiwasang hindi ma-curious dun sa nangyari dati 

"ayun nagdrop-out na lang yung girl tapos pumunta sa ibang bansa para dun na lang pagpatuloy ang pag-aaral. Pero alam mo ba may kumakalat dati na balita na nagpakamatay na daw yung girl kasi na-depress siya ng sobra na hindi na daw lumalabas ng kwarto niya at hindi na rin kumakain." pagpapatuloy niya sa kwento maririnig mo rin sa boses niya na nalungkot siya sa nangyari dati

"ganun ba? kawawa naman pala yung babae, wala namang ginagawa yung tao napagdiskitahan lang" nasabi ko na lang. Hindi ko inakala na ganun pala kasama ang ugali niyang si Madison hindi niya diserve ang isang tulad ni Justin


makalipas ang ilang oras 


natapos na rin kaming mag-aral ni Leona at sinabi niya na sumabay na daw ako pauwi sa kanya kasi on the way naman yung condo na tinutuluyan ko, sumang-ayon na lang ako dahil alam kong hindi papayag si Leona na hindi ako sasabay sa kanya. Habang nililigpit namin ang mga libro at gamit namin na nakalagay kasalukuyan sa lamesa ay may nakita kaming isang babae na hindi ko kilala at halatang hindi siya tiga rito sa university dahil iba ang unipormeng suot suot niya. Halatang nagmamadali siya dahil halos patakbo niyang tinungo sa stage kung saan nandun si Madison at ang mga kaklase nito.

"kaibigan yan ni Madison. Isa dun sa nangbully dati" sabi niya sakin habang naglalakad na kami papunta sa kotse niya. Nung dumaan kami sa harap ng stage na kung saan nandun parin ang grupo na nag-aayos ng stage narinig namin ng konti ang pinag-uusapan nila

"Maddy..have you heard the gruesome news?! Alissa is dead!!" dinig namin na sabi nung babaeng hindi tiga school namin, nanlaki naman ang mata ni Leona ng marinig niya ang balita din

"WHAT?! ARE YOU SERIOUS?! I was just with her last night..we when to a bar and.." hindi na matuloy ni Madison ang sasabihin niya dahil sa sobrang gulat nito "and.. oh my God!" at hindi na niya napigilan na hindi maiyak at niyakap niya si Justin na nasa kaliwa niya. Makikita mo na sinusubukan ni Justin i-comfort si Madison dahil pinapatahan niya ito.

"and what's worst is that she was slice open and all her organs were taken out and her eyeballs were pulled out and........." sabi nung babae na patuloy ang pagbibigay ng impormasyon sa kanila kung anong nangyari dun sa kaibigan nila. Hindi na namin narinig ang iba pang detalye dahil hindi naman kami tumigil sa harap nila para lang makiosyoso

ng marinig namin iyon hindi na kami na kapag-usap pa ni Leona hanggang makapasok kami sa kotse niya. Binuksan na niya ang makina ng kanyang sasakyan pero hindi parin siya nagsasalita kaya ako na ang unang kumausap sa kanya "huy Leona.....okay ka lang ba?" tanong ko na medyo niyugyog ko ang balikat niya "gusto mo ako na magdrive?" alok ko sa kanya 

"nako hindi na. Okay lang ako, nabigla lang siguro ako dun sa balita na narinig natin..you see..kahit papano naging kaibigan ko rin si Alissa" medyo mahinang sagot niya sakin "hay. Halika ka na nga ihahatid na kita" nasabi niya na lang habang natutulala pa siya at pilit inaalis sa isipan niya ang narinig na balita.

I Gave My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon