Part 3

31 2 0
                                        

Natapos ang araw na sobrang lutang ako yung tipong nakakabangga ako ng taong kasalubong ko. Kahit ano kasing gawing pagdistract ko sa sarili eh unti unti paring bumabalik sa isipan ko na may nakapasok sa loob ng bahay kagabi at pwede niya akong gawan ng masama ng wala akong kalaban laban.

"sorry" nasabi ko na lang ng may nabangga na naman akong studyante. 

"okay lang mukhang sobrang lalim ng iniisip mo at nakakabangga ka ng tao" puna nung nabangga ko. Magsosorry pa sana ulit ako ng makita ko si Justin pala iyon. 

"nako pasensya na ha medyo may iniisip lang" paliwanag ko sa kanya at nagpaalam na rin para makapunta na ako sa student lounge na pinagtatambayan namin ni Leona. Ng makarating ako sa lamesa na madalas naming gamitin may na receive akong text galing sa kaibigan ko "sorry hindi na ako makakatambay sa student lounge may gagawin kasi kaming presentation para bukas" saad sa text ni Leona. Nagtext na rin ako sa kanya na okay lang na hindi siya makapunta marami rin naman akong aaralin eh. 

Matapos ko i-send iyon sa kanya, napahinga na lang ako ng malalim. Paano ko kaya sasabihin kay Leona na may pumasok sa unit ko kagabi ng wala akong kaalam alam? Sigurado ako na patutulugin niya ako sa bahay nila kahit ayaw ko, napabuntong hininga na lang ako 

"ang lalim naman nun" sabi ng isang lalaki na naging sanhi para lumundag ang puso ko sa gulat 

"nagulat ba kita?" sabi niya habang umuupo sa silyang katapat ng upuan ko 

"mukhang ang lalim ng iniisip mo kanina pa pati ang pagbuntong hininga mo, may problema ka ba?" tanong niya buti na lang si Justin lang pala yun kung hindi siguro nasapak ko na to, teka kelan pa ako naging brutal mag-isip?

  "ah wala lang to. Siguro dala na rin ng pagod at stress sa mga subjects ko" paliwanag ko na lang sa kanya pero parang gusto kong sabihin sa kanya kung ano ang nangyari sakin kagabi at kaninang umaga subalit baka isipin niya na feeling close ako sa kanya. 

"hindi ako naniniwala na stress at pagod lang yan. Maraming studyante din na stress at pagod din sa pag-aaral pero hindi katulad ng itsura ng mukha mo ang mga mukha nila" sabi niya sakin, napangiti na lang ako sa sinabi niya at huminga ulit ng malalim 

"bat hindi mo ata kasama ngayon ang girlfriend mo?" curious na tanong ko sa kanya na siyang naging sanhi ng pagkawala ng ngiti sa kanyang mga labi 

"sabi niya sakin hindi muna daw siya papasok dahil tumutulong siya dun sa lamay ng matalik niyang kaibigan" sagot niya sakin na bakas ang pagkalungkot niya sa sitwasyon ng girlfriend niya. Matapos ng usapan naming iyon wala ng nagsalita at tinuon na lang namin ang aming atensyon sa mga libro na nasa harapan namin.

makalipas lang ng ilang minuto hindi parin nawawala sa isipan ko kung sino ang sumulat at pumasok sa bahay kagabi. Pag naiisip ko na may kayang pumasok sa unit ko ng ganun ganun na lang kinikilabutan ako 

"okay ka lang?" concern na tanong ni Justin. 

"ha?" ang tanging nasabi ko sa kanya. Hindi ko namalayang nanginginig na pala ang buong katawan ko dahil sa takot 

"nanginginig ka kasi eh. May sakit ka ba? gusto mo dalhin na kita sa clinic?" tanong niya sakin 

"ahmmm.. Paano ko ba sasabihin to?" ang sabi ko, hindi ko kasi alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang sitwasyon ko ngayon. Mukhang naghihintay siya na magsalita ako, wala na akong nagawa kundi huminga ng malalim at sabihin sa kanya ang totoo 

"ganto kasi yun. Kagabi may sulat na dumating sa akin, walang return address. Eto naman ako isang dakilang usisera at binuksan ang sula, nagulat na lang ako na ang ginamit na pang sulat sa papel ay dugo" sabi ko kay Justin, hindi diya kumukibo nakatingin lang siya sa akin kaya pinagpatuloy ako ang kwento ko 

"hindi ko lang alam kung dugo ba iyon ng tao o ng hayop pero kahit alin pa dun sa dalawa natakot parin ako" sabi ko. 

"teka, matanong ko lang kung anong nakasulat dun sa papel?" tanong niya sakin na halatang curious siya dun at concern siya sa akin

  "ang nakalagay lang 'I know who you are' sa isang buong papel yun lang ang nakasulat. Sa sobrang takot ko eh pinagpupunit ko ito aat itinapon sa basurahan ko pero kaninang umaga nandun sa ibabaw ng lamesa ko ang sulat na may dugo at may kasama pang litrato ko nakuha kinagabihan dahil yung suot kong pantulog ay yun din ang suot ko sa litrato at kinunan iyon habang nakatulog ako sa study table ko sa loob ng kwarto ko" kwento ko sa kanya. Halata sa mukha niya na pati siya ay natakot sa nangyari sa akin kagabi 

"hindi na ako magtataka na sobrang lutang ka kanina. Kung sa akin nangyari yun malamang hindi ako makakapasok. Nakapagsumbong ka na ba sa pulis?" tanong niya sa akin, umiling naman ako 

"hindi pa. Pero tinitignan na ng mga security ng condo kung may nakita silang pumasok sa loob ng unit ko kagabi, malalaman ko mamaya kung may nakita na ba sila para mailapit ko na rin sa pulis ang nangyari" pagpapaliwanag ko sa kanya 

"sige, ibibigay ko na lang sayo ang number ng cellphone ko para sa ganun may matatawagan ka pag kailangan mo ng tulong. May mataas na ranggo ang tito ko sa pagkapulis" sabi niya sakin habang inilalagay ang number niya sa cellphone ko na kanina ay nasa lamesa at ngayon ay hawak niya na, wala kasing password ang cellphone ko kaya madali niyang nabuksan ito. 

Pagkatapos niyang ilagay ang number niya, ginamit naman niya ito para tawagan ang cellphone niya upang marehistro ang number ko sa kanya. "basta tawagan mo ako kung may nararamdaman kang may sumusunod sayo o kaya may kakaiba sa unit mo malapit lang ako dito kaya mapupuntahan agad kita" 

Ilang oras din ang lumipas at umuwi na rin kaming dalawa. Pagdating ko sa condo tinanong ko agad kung may nakita ba silang pumasok sa unit ko kagabi maliban sakin pero wala silang nakita. Binigay na rin nila sakin ang bago kong susi para sa kapapalit lang nilang lock ko.


-----------author's note------------

>pasensya na kung may maling tagalog..hahahhahaha di na ako sanay eh.. feel ko baluktot na ang ibang tagalog ko tapos minsan naiisip ko siya sa english tapos parang nasa dulo ng dila ko yung salita na hindi ko mabanggit bangit so I end up saying it ng english tapos yung mga kausap ko na lang nagtatagalog nung word para sakin.. okay walang may pake babye..

XD 

I Gave My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon