Part 8

17 1 0
                                    

"aray!!" nasabi ko na lang habang hawak hawak ko ang ulo ko habang tumatayo sa pagkakahiga sa sahig ng condo.


tumingi ako sa paligid. Madilim. At ang tanging ilaw lang na nakabukas ay yung ilaw sa may harap ng pintuan ko.


"aray!! ano na naman nangyari sakin" nasabi ko ulit dahil naramdaman ko na may kumikirot sa braso ko. At tama nga ang hinala ko, may sugat ako doon sa parteng kumikirot. 


Tinignan ko yung sugat ko, para siyang kalmot ng kung ano. Pinabayaan ko na lang muna iyon at hinanap ang cellphone ko dahil malamang may tawag na sakin si Leona.


Nakita ko yung phone ko sa may lamesa sa dining, kinuha ko naman agad iyon at tinignan kung may tex na si Leona. Tama nga ang hinala ko, kaya inunlock ko na yung phone ko at nag taka ako dahil nakabukas yung internet browser ko.


Tinignan ko yung history at nagtataka ako dahil alam kong hindi ko pa masyadong nagagamit ang internet browser ko sa phone dahil lagi ko namang dala ang laptop ko. 


Ang mga nakalagay dun sa browser puro tungkol sa mental disorder. 


Mental illness refers to a wide range of mental health conditions — disorders that affect your mood, thinking and behavior. Examples of mental illness include depression, anxiety disorders, schizophrenia, eating disorders and addictive behaviors.

Many people have mental health concerns from time to time. But a mental health concern becomes a mental illness when ongoing signs and symptoms cause frequent stress and affect your ability to function.

A mental illness can make you miserable and can cause problems in your daily life, such as at school or work or in relationships. In most cases, symptoms can be managed with a combination of medications and talk therapy (psychotherapy).

sabi dun sa mayoclinic.org na website na binuksan ko sa history. Weird, bakit sa dinamirami na pwedeng i-search eh mental disorders pa hindi naman ako pysche student para mag-search ng ganyang topic sa phone. Hindi ko na lang pinansin at tinawagan ko na si Leona.


Habang nagriring yung linya binuksan ko yung TV ko sa living room. "Leona sorry~" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil sa nakita kong balita sa TV.


"isang studyante sa isang sikat na unibersidad dito sa maynila ay natagpuang patay sa nasusunog na sasakyan sa isang abandonadong gusali. Ang nasabing studyante ay kinilalang si Madison Aryares, nahirapan ang mga otoridad na kilalanin ang biktima dahil sa sunog na sunog ang kanyang bangkay. Nakatulong sa pag-identify ay ang kotseng kasamang sinunog at ang kanyang dental records. Ang dahilan kung paano siya namatay ay kasalikuyan pa rin iniimbistigahan ng mga pulis. Samantala~" balita nung newscaster sa TV tumingin ako sa orasan ko, 11pm. 


"huy..nandyan ka pa ba?" nag-aalalang tanong  ni Leona sa kabilang linya.


"ha?! oo sorry nagulat lang kasi ako sa balita eh" paliwanag ko sa kanya habang may inisip ako.


"hmm..yung tungkol kay Madison? kahit ako rin eh" sabi niya sakin na halatang malungkot ang boses niya.


I Gave My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon