Nakatitig lang ako sa tv namin. Hindi ako makaget over sa nangyari kanina sa school. Wala akong naintindihan sa sinabi ni Derrick. Hindi pa rin ako pinapansin ni Charlie. Kaya bang i-explain ng science ang nangyayari sa akin ngayon?
"Bunso, baka matunaw na yang tv natin sa sobrang pagtitig mo." nagulat ako nang magsalita si Ate Ally ko
"Ha? Anong matutunaw ate? Yang tv? Bakit naman?" tanong ko
"Tinititigan mo kasi kanina pa e hindi naman naka-on. Ang lakas ng tama mo ngayon. May problema ka ba?"
"Wala ate. Science lang." pagsisinungaling ko
"Naku! Yang science na yan lang pala ang dahilan. Akala ko pa naman love yang pinoproblema mo. Yung mukha mo kasing yun kanina parang may problema sa pag-ibig e. Mali pala ako. Hala sige, problemahin mo na yang science na yan. Wala akong maitutulong dyan." sabi ni Ate tapos umalis na. Napabuntong hininga na lang ako. Science and love is a perfect comparison. Ang science, para nga namang love. Ang hirap-hirap intindihin. Kung ang math ay mahirap, mas mahirap ang science dahil may kasama na yang math e. Kinuha ko ang phone ko at nagsimulang magtype. Sinend ko na yung message. I hope magreply sya. Importante lang talaga na magreply sya.
*ting*
Binuksan ko agad ang message.
From: Kuya Greyson
Anong kailangan mo bunso?
Yes! Nagreply talaga sya! Buti naman! Kailangan ko ng tulong!
To: Kuya Greyson
Kuya, need help. Uwi ka na, please?
Sana umuwi sya agad. As in kailangan ko ng advice galing sa kanya. He's the only sibling I can share my secrets to. As in. Pinakaclose ko si Kuya Greyson sa aming apat na magkakapatid. Bukod sa sya ang pinakamalapit ang edad sa akin, sya din ang pinakacool! Yung panganay kasi naming si Kuya Ylmir, may pamilya na. He's 28 years old. Yung pangalawa naman, si Ate Allyson. 24 years old na sya tapos call center agent sya. Then si Kuya Greyson, 19 na sya. Nag-aaral sya sa course na Business Management major in Marketing, 1st year. Ako naman, Grade 10 na, 16 years old. Pansin nyo naman siguro ang agwat ng mga edad namin ano? Ang layo diba? Nawala lahat ng iniisip ko nang biglang may tumabi sa akin sa sofa. Paglingon ko, si Kuya Greyson pala.
"Ano na namang kailangan ng maganda kong kapatid?" tanong ni Kuya Greyson sa akin habang nakasandal sa sofa at nakadekwatro.
"Kuya, may ikukuwento ako sayo tapos sabihin mo sa akin ang observations mo. Maliwanag?" tumango-tango lang sya. Ikinuwento ko ang nangyari sa pagitan namin nina Charlie at Derrick. Inaanalyze ni Kuya ang bawat sinasabi ko. Inuunawa nya ng mabuting-mabuti. Ako naman, ikinukuwento ko ng tama para hindi sya maguluhan.
"Naku! Pumapag-ibig ka na pala bunso ha?" reaksiyon ni Kuya pagkatapos kong magkuwento
"Ha? Ako? Pumapag-ibig? Sira ka ba Kuya?"
"Ako pa yung sira ngayon? Ikaw nga dyan, ang manhid e. Sigurado ka bang hindi mo alam? Baka naman nagpapanggap ka lang na hindi mo alam?" tinaasan ako ni Kuya ng kilay
"Ha? Di ko talaga maintindihan Kuya. I-explain mo nga ng maayos."
"Hindi ko akalaing sa talino mo, bobo ka pala sa ganitong bagay. Ang slow mo bunso. Manhid pa." umiiling-iling nyang sabi
"Kuya! Umayos ka nga!"
"Bakit naman ako aayos? Sira ba ako? Hindi naman a." nginisihan nya ako. Nakakainis na tong kapatid kong ito a? Sarap sapakin.
"Kuya! -_-"
"Oo na. Sige na. Ganito kasi yun. Diba sabi mo nagseselos si Charlie? Tapos sabi ni naman ni Derrick, pinagtitripan nya si Charlie. Tapos nagalit sila nung may sinabi ka tungkol sa pagiging bakla. Sa tingin ko, si Charlie ay may gusto sayo. Kaya ayun. Ang manhid mo." sabi ni Kuya na ikinanganga ko. Seryoso? Di nga? Pero observation nya lang naman yun e. Wag ka ngang umasa Yllana Mariella Natividad! Walang gusto sayo ang bestfriend mong si Charles Louie Marcelo. Wag kang umasa, ok?! Tandaan mo yan! Observation lang yan ng kuya mo!
"Kitang-kita sa mukha mo na umaasa kang sana nga totoo ang observation ko. Alam mong tama ako bunso. Alam mo yan. Parang gusto ko tuloy makausap yang bestfriend mong yan dahil sa mga nangyayari ngayon." sabi ni Kuya. Serious mode ata si Kuya ngayon. But he's still cool. As always.
"Naku Kuya! Hindi ka nun kakausapin gaya ng hindi pagkausap sa akin nun."
"I have my ways little sis. Trust me. Makakausap ko din yang Charlie na yan." nagwink pa si Kuya pagkatapos nyang sabihin ang mga katagang yun. I guess he really has his plans running on his brilliant mind. I know Kuya too well. As of now, I really know that a brilliant idea had already came up into his mind when he winked at me.
"Ewan ko sayo Kuya. Just do what you want basta labas ako dyan."
"Saan nakatira yang Charlie na yan?" kumunot ang noo ko at naningkit ang mga mata ko sa tanong nya. I glared at him.
"What? I'm asking you for the sake of my idea." he immediately told me when he saw my reaction
"Seriously Kuya? You don't know where Charlie lives?"
"Hindi ko nga alam. Tsaka di ko naman kilala yan." tumawa ako dahil sa sinabi nya
"Anong nakakatawa?" it was his turn para kumunot ang noo at maningkit ang mata. Nakakatawa kasi talaga yung sinabi nya.
"Kasi sabi mo hindi mo kilala si Charlie. Duh? Charlie is Charles Louie my dear brother. Kaibigan mo yun na batchmate ko. Who just lives 3 houses away." as a matter of fact na pagkakasabi ko
"Anak ng! Si Louie?! May gusto sa kapatid ko?! Susugurin ko talaga yun. Magtutuos kami. Humanda sya!" tumayo na si Kuya sa sofa at nagmamadaling lumabas ng bahay. Anong sabi ni Kuya?
"Kuya! Where are you going?" hinabol ko sya
"Sa bahay ng gunggong na yun! Humanda sya!" mabilis syang tumakbo papunta sa bahay nina Charlie. Bahala nga sya! Makauwi na nga lang sa bahay. Wala naman akong mapapala kung sasamahan ko si Kuya sa bahay nina Charlie e kaya wag na lang. Di nya pa rin naman ako papansinin. Useless lang kung magpapagod akong pumunta sa kanila at subukan syang kausapin. Kanina nga tinakbuhan at iniwasan na naman nya ako. Sakit lang ang mararamdaman ko kung pupunta pa ako dun. Bahala silang magtuos ni Kuya Greyson.
____________________
Vomments please :)

BINABASA MO ANG
Science Of Love [COMPLETED]
Любовные романыThis ain't about SCIENCE alone. This connects the branches of SCIENCE to the thing we called LOVE. Just feel it.