"Are you making fun of me?" magkasalubong ang kilay nya habang tinatanong nya ako
"What? No!" I told him
"Then why am I feeling like you're lying?" he arced an eyebrow. So gay!
"Alright! I lied! Kasi naman e! You haven't replied all my texts! You haven't answered all my calls! So I used the most... let's say appropriate thing to do." I told him while connecting my two index fingers
"Alam mo bang pinag-alala mo ako?!" pagkasabi nya nun ay niyakap nya ako ng mahigpit. Yung puso ko, nagpapakatambol na naman. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko sya? He's my bestfriend for pete's sake!
"Sorry na. Ikaw kasi e. May patampo-tampo ka pang nalalaman. Kung may problema ka, just tell me." sabi ko sa kanya. Hinigpitan nya lalo ang yakap sa akin. Yung puso ko, parang sasabog na. Paano kung marinig nya?! Paano na? Yllana, just think that what's happening to you is just a chemical reaction. Isipin mo na lang na science ang may gawa nyang pagtibok ng puso mong yan. It's always gonna be science. Science can explain everything and anything kaya don't worry too much.
"Hindi mo magugustuhan ang dahilan ko Yana." sabi nya that made me curious about it. Bumitaw na kami sa pagyayakapan.
"What is it?"
"I am already telling you. You wouldn't like it."
"Just tell me, Charlie. You wouldn't like me to get mad at you, don't you?" I threatened him
"Sigurado ka bang gusto mong malaman? Baka layuan mo ako. Ayokong mangyari yun." he told me intently. Ano ba talaga ang dahilan nya? Bakit ko naman sya lalayuan? Baka naman nagselos sya nung isang araw? Nung niyakap ako ni Derrick? Omfg!
"Don't tell me nagselos ka sa amin ni Derrick nung isang araw?" Nanlaki ang mata nya sa gulat. So totoo nga? Nagselos nga sya?
"H-how d-did y-you --" di nya natapos ang nauutal nyang sinasabi dahil sumabat ako
"How did I know? Pag magkasama kasi kami ni Derrick, palagi mo kaming tinitignan. Tsaka wag ka na magselos, we are just friends naman." sabi ko
"Buti naman kung ganun." parang nabunutan sya ng tinik sa lalamunan nya
"Buti na lang talaga at hindi ako nagkacrush kay Derrick kung hindi, baka sinabunutan mo na ang precious kong buhok." sabi ko sabay tawa ng malakas. Kumunot bigla ang noo nya. May mali ba akong sinabi?
"Anong pinagsasabi mo Yana?" naguguluhan nyang tanong
"Ha? Diba nagseselos ka sa amin ni Derrick kasi crush mo sya?" inosenteng tanong ko
"What?! Tingin mo bakla ako?!" naningkit ang mga mata nya sa galit
"B-bakit? H-hindi ba yun a-ang dahilan? T-tanggap naman k-kita kahit s-sino o ano k-ka pa e. " nauutal kong sabi
"You're unbelievable Yana!" pagkatapos nun, nagwalk out sya. Ano bang masama kong sinabi? Wala naman diba? Tanggap ko naman sya. Ang drama nya. Nung umalis sya, parang biglang bumigat ang pakiramdam ko. Parang may kung anong nangyari sa puso ko. Parang hinati. Ang weird lang. But maybe science can explain this. Science can explain ALMOST everything.
***
Isang linggo na simula nung pag-uusap namin ni Charlie pero di nya pa rin ako pinapansin. Sinabi ko naman na sa kanya na hanggang friends lang talaga kami ni Derrick e kaso ang drama pa din. Parang wala ako sa harap nya. Para akong hangin, nararamdaman lang, hindi nakikita. Dinadaan-daan nya lang ako. Hangin talaga ang tingin nya sa akin. As in Gas. Pati ba naman sa hindi nya pagpansin sa akin, science pa din?
Naglalakad ako ngayon sa may garden nang makarinig ako ng nagsasalita sa may ilalim ng puno ng mangga. Yung parang galit na galit tapos parang may tinatapon papunta sa may pond na malapit lang sa puno ng mangga. Dahan-dahan kong sinilip kung sino yun.
"Nakakainis! Bakla ang tingin nya sakin! Sa gwapo kong to?!" nagtatapon sya ng mga bato sa pond. Nakakaawa na yung mga fish na natatamaan ng mga bato >_< He's so bad.
"Charlie-kun!" tawag ko sa kanya na ikinalingon nya. Napatayo sya nung makita nya ako. Nagmamadali syang umalis. Galit pa rin ba sya? Ano ba kasing maling ginawa ko?
"Charlie-kun! Wait for me! Kausapin mo na ako!" hinabol ko sya hanggang makarating kami sa classroom nila. Pinagtitingnan ako ng masama ng mga kaklase nyang babae. Napakamot na lang ako sa batok ko at umalis na lang. Haaaaay :3 Palagi nya na lang akong iniiwasan. Palagi na lang. Nasasaktan na ako. Bumalik na lang ako sa garden. Tumingin na lang ako sa malayo habang inaalala ang mga panahong kasama ko si Charlie. Bumigat muli ang pakiramdam ko nang maalala ko ang huli naming pag-uusap.
"Yllana!" napalingon ako sa tumawag sa akin at malungkot na ngumiti sa kanya. Nilapitan nya ako.
"Umiyak ka ba?" naguguluhan nyang tanong habang nakatitig sa mukha ko
"Ha? Naku! Hindi ah." pinunasan ko ang mga pisngi ko. Napailing na lang sya sa ginawa ko.
"Magsisinungaling ka na nga lang, binigyan mo pa ako ng ebidensya para wag maniwala." sabi nya
"Hindi talaga ako umiyak. Hinawi ko lang ang buhok na nasa pisngi ko." pagsisinungaling ko
"Lokohin mo pa sarili mo Yllana. Ikaw lang din ang masasaktan." sabi nya
"Kasalanan mo kung bakit ako umiyak."
"Anong ginawa ko sayo?" tanong nya
"Kung hindi dahil sayo, hindi kami mag-aaway ni Charlie-kun! Kasalanan mo!" sabi ko sabay hampas sa braso nya. Sinasalag nya lahat ng mga hampas ko.
"Anong ginawa ko para mag-away kayo?" tanong nya habang hawak ang dalawa kong mga kamay para pigilan itong manghampas. Nagpupumiglas ako pero ang higpit ng hawak nya sa mga kamay ko.
"Nung niyakap mo ako last last week! Hindi nya ako pinansin for almost 2 days nun tapos nung nagka-usap kami, hindi nya ako pinansin ng buong linggo!"
"Ha? E anong kasalanan ko dun? Niyakap lang naman kita." naguguluhang tanong nya
"Nagseselos kasi sya!" sabi ko at napaisip sya bigla at tumawa
"Ahh... alam kong nagseselos sya. Pinagtitripan ko lang yun nung mga araw na yun. Ang seloso talaga nun." tumatawang sabi nya
"So alam mong may gusto sya sayo?! Pinagtitripan? Kayo ba?!" napatigil sya saglit sa pagtawa at tinaasan ako ng kilay
"May gusto sa akin? Sino? Si Charles?! Tsaka anong kami?! Tingin mo sa amin?! Bakla?!" galit nyang tanong
"Eh?" nagulantang ako sa sinabi nya
"Ngayon alam ko na kung bakit ka hindi pinapansin ni Charles. Kasi ang manhid mo. Tss. Maiwan na muna kita." sabi ni Derrick at umalis. Sinundan ko na lang sya ng tingin. Naalala ko ang sinabi nya. 'Kasi ang manhid mo'. Hindi ko maintindihan. Ay ewan!
_________________
So tingin nyo? Okay lang ba?
Vomments please ^^
Kamsahabnida :)
BINABASA MO ANG
Science Of Love [COMPLETED]
RomanceThis ain't about SCIENCE alone. This connects the branches of SCIENCE to the thing we called LOVE. Just feel it.