It's been 3 days since THAT day. Hindi ko pa rin magawang kalimutan ang araw na yun! Paano ba naman kasi?! Nakakakilig kasi talaga! Pero since THAT day, hindi na rin nagparamdam si Charlie. Medyo na sad ako pero kapag naalala ko yung nangyari, hindi ko maiwasang mapangiti lalo na kapag naaalala ko ang mga huling linya nya. 'Papakasalan ko pa yan.' Like Oh my talaga! Naiimagine ko tuloy ang sarili ko, 6 years from now na kinakasal kay Charlie! Teka! 6 years?! Bale 22 na ako that time! Pwede naman diba?! Kasi that time, graduate na ako sa college. Pero much better kung may time pa para mag-ipon ng pera for the future family namin. Wait up! Why am I thinking like this?! Hindi nga kami e! Makapagfocus nga muna dito sa science experiment na ito. Chemistry kasi... chemistry? May chemistry kaya kami? Siguro naman bagay kami ano? Siguro naman may attraction between us. Yung para bang magnet. Kahit magkaiba, nag-aattract pa rin. Yung parang chemical bonds. Yung magfoform ng isang element ang dalawang uri ng element. At ang element na mabubuo sa aming dalawa ni Charlie ay ang element of LOVE. Teka nga! What am I thinking again?! Focus on what you are doing Yllana! Don't think about what you feel as of now. Wala pa namang plano si Charlie sayo. Di ka pa nya nililigawan kaya wag munang mag-isip ng future. Masasaktan ka lang.
***
"Yllana, pinapapunta ka sa science lab." sabi ng kaklase kong si Angel
"Sinong nagpapunta sa akin?" tanong ko sa kanya pero she just shrugged at me at bumalik sa upuan nya. Wala naman kasi kaming teacher ngayon dahil meeting. Ang pinagtataka ko, sinong nagpapunta sa akin sa lab? Baka may iuutos lang.
Pagdating ko sa labas ng lab ay kumatok ako. Walang sumasagot kaya dahan-dahan kong pinihit ang door knob. Nagulat ako sa nakita ko. Ang daming nakasabit na heart tapos ang daming rose petals. Science lab ba talaga itong napasukan ko? Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Charlie na kasama sina Derrick at Kuya Greyson at iba pa nilang kaibigan na nakangiti sa akin. Napakunot ang noo ko. Nilapitan ako ni Kuya at naglahad sya ng kamay sa harap ko. Tinitigan ko ang kamay nya tapos tumingin ako sa kanya.
"Tanggapin mo na bunso. Nakakangalay na." sabi ni Kuya na ikinatawa ko ng mahina. Ipinatong ko ang kamay ko sa kamay na inilahad nya sa harap ko. Inalalayan nya ako papalapit kay Charlie.
"Alagaan mo yan. Mahal na mahal ko yang slowpoke at manhid na yan." sabi ni Kuya. Sinamaan ko sya ng tingin. Teka, para naman atang kasal to -,- nakakaloka!
"Syempre naman, aalagaan ko sya. Kung papayagan nya ako." sabi ni Charlie tapos binigyan ako ng ngiti. Pakiramdam ko, namumula ang mga pisngi ko dahil sa mga nangyayari kaya yumuko ako.
"Namumula ka na naman bunso." asar ni Kuya sa akin at sinundot ako sa tagiliran
"Tigilan mo nga ako Kuya!" sipat ko sa kamay nya. Napatawa na lang ang mga kaibigan nila sa ginawa ko. Nang makita nila ang kapulahan ng mukha ko ay sinimulan na rin nila akong asarin. Naku!
"A-ano b-bang k-kalokohan to?" nauutal tuloy ako dahil sa kanila
"See? Slowpoke nga!" sabat ni Kuya kaya nagtawanan na naman sila. Sinamaan ko silang lahat ng tingin kaya tumahimik sila. Buti naman.
"Inuulit ko, anong kalokohan to?" I looked at Charlie. He smiled at me then held my hand.
"Yana, hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin ito sayo lalo na't sabi ni Pareng Greyson, slowpoke ka." panimula nya. Tinaasan ko sya ng kilay. He just chuckled.
"Yana, simula nung bata pa lang tayo, magkakilala na tayo. Dati, hindi tayo malapit sa isa't-isa. Pero apat na taon na ang nakakaraan, unti-unti tayong naging malapit sa isa't-isa. Bestfriend mo akong itinuring. Ganun din ang turing ko sayo. Pero pagkalipas ng ilang buwan, napagtanto kong matagal na pala kitang gusto hanggang sa hindi ko na lang namalayan, mahal na pala kita. Sana bigyan mo ako ng pagkakataong mapatunayan sayo ang nararamdaman ko para sayo. Sana hayaan mong ligawan kita Yana." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Ligaw?! Seryoso?!
"H-ha?" napakamot sya sa ulo dahil sa sinagot ko
"Gusto mong ulitin ko?" tanong nya
"H-hindi. G-gusto k-ko l-lang l-linawin mo." heto na naman. Nauutal na naman ako -,-
"Di pa ba malinaw? Mahal kita kaya liligawan kita. Bakit ba ang slow mo?" sinikmuraan ko sya ng pabiro
"Ang sama mo sakin. Sigurado ka bang manliligaw ka? Inaaway mo ako e." natawa sya bigla
"Tinatawa-tawa mo dyan?"
"Alam mo, ang layo na natin sa pinag-uusapan natin. Just tell me kung payag ka o hindi. Though kahit hindi ka pumayag, ipagpapatuloy ko pa rin naman."
"Wala naman pala akong choice e. Why bother answer?" I raised an eyebrow at him
"Buti naman alam mo." he winked at me. I just maked face at him.
***
Halos magtatatlong buwan na akong nililigawan ni Charlie. Masigasig pa rin sya as usual. Medyo busy kami ngayon kasi malapit na mag end ang school year. Graduating kasi kami diba? Kaya ayun. Medyo busy talaga. Kahit sobrang busy na dahil sa requirements, he still finds time for me kahit hindi pa kami. He's very sweet everytime na magkasama kami kahit sinusungitan ko sya. Minsan nagkakatampuhan kami. I mean nagtatampo sya sa akin kasi minsan binabalewala ko ang efforts nya for me. Syempre kapag alam kong mali ako, binababa ko ang pride ko para magsorry at magpaliwanag sa kanya. Feeling ko nga tuloy parang kami na though hindi ko naman talaga sya sinagot.
"Yllana! Good news!" sigaw ni Sheena, one of my good friends
"What is it Shee?" curious ako sa good news nyang yan
"Ikaw ang valedictorian!" tili nya. Nanlaki ang mga mata ko. Seryoso?!
"Sigurado ka Shee?! Para namang ang imposible nyan! Ang tatalino nina Dianne at Chester para malamangan ko!"
"Sure na sure ako Yllana! Tama ka naman na matatalino sina Dianne at Chester pero nalamangan mo sila ng very very light lang naman! Pero atleast! Ikaw pa rin ang valedictorian! At take note! Best ka sa pinakahate mong subject!" tili nya ulit. Nakakashock talaga ang good news nya! Grabe!
"Best in science ako?! Wag ka ngang magbiro dyan!" nginisihan nya lang ako na parang nagsasabing 'Totoo nga kasi!'
"Oh gosh! Kailangan ko tong ibalita sa bestfriend ko! Bye muna Shee!" sabi ko tapos tumakbo na papunta sa room nina Charlie. As usual, death glares from his lady classmated who obviously likes him! Pero wala akong paki. He likes me naman kasi. Likes? Sabi nya pala he loves me.
"Oy Yllana! Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Derrick
"Si Charlie, asan?" tanong ko sa kanya
"Umalis e. Pupuntahan ka daw sa room nyo." What?
"Hindi ko sya nakasalubong e. Are you sure?"
"Yun kasi ang sabi nya e. Baka may dinaanan lang. May balita kasi sya sayo kaya ka nya pupuntahan." Balita? Well, pareho kaming may ibabalita sa isa't-isa. Nasaan kaya sya?
"May ibabalita din sana ako sa kanya. Pero sige, salamat Derrick. Hahanapin ko na lang sya."
Hinanap ko lang si Charlie hanggang sa mapadpad ako sa may garden. Lumingon ako sa may puno at nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. P-paano nya nagawa sa akin to? A-akala ko ba m-mahal nya ako? Nang makita nya ako ay agad nyang itinulak si Dianne.
"I can explain Yana." sabi ni Charlie. Napatingin ako kay Dianne na nginisihan lang ako. Ang sama nila! I composed myself. Pinunasan ko ang mga luha ko.
"Explain? Wala ka nang dapat i-explain pa Charlie. Wait. Hindi ka pala dapat talaga mag-explain kasi first of all, hindi naman tayo. Second, bestfriend LANG kita. And last, wala akong paki. So if you'll excuse me, aalis na ako. By the way Dianne, sayo na si Charlie basta sa akin lang ang pagiging valedictorian. Ciao." umalis ako sa harap nila. Ang sakit lang. Ang sakit.
__________________
Sinong kinilig pero nainis? Haha pasensya naman ^^
Vomments please :)

BINABASA MO ANG
Science Of Love [COMPLETED]
RomanceThis ain't about SCIENCE alone. This connects the branches of SCIENCE to the thing we called LOVE. Just feel it.