Charles Louie a.k.a Charlie's PoV
Nakatitig lang ako sa litrato naming dalawa. Ang hirap naman kasi ng sitwasyon e. Ang manhid nya. Pinag-iisip nya pang bakla ako. Ang slow nya ah? Grabe! Paano ko minahal yun?! Pwes hindi ko rin alam kung paano. Hindi ko rin alam kung kailan nagsimula tong nararamdaman ko. Alam kong bestfriend lang ang tingin nun sa akin pero anong magagawa ko kung sya ang tinitibok ng pesteng puso ko? Wala naman diba?
*ding dong ding dong ding dong*
Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang sunod-sunod na pagdoorbell. Siraulo to ah? Pinaglalaruan ang doorbell ng bahay namin. Lumabas ako dala ang litrato namin ni Yana. Nagulat ako nang makita ko si Greyson. Anong ginagawa nito sa labas ng bahay namin?
"Anong sadya mo pre?" bungad ko sa kanya. Bigla nya akong sinuntok sa sikmura. Gago to a? Ba't ako sinuntok?
"Aray! Anong problema mong gago ka?"
"Ikaw ang gago. May gusto ka pala sa kapatid ko, di mo man lang ako sinabihan." tinitigan nya ako ng masama. Tangna! Paano nya nalaman?!
"Paano mo nalaman?!" tanong ko sa kanya
"Ikinuwento lang naman ng slowpoke at manhid kong kapatid ang nangyari. Siraulo ka! Bakit di mo ako sinasabihang may gusto ka sa kapatid ko?" napakamot na lang ako sa batok
"Pasensya naman pre. Alam ko kasing magagalit ka. Pero pre! Seryoso ako sa kapatid mo! Mahal na mahal ko sya! Sya lang tong manhid at slowpoke na hindi makaramdam at di makahalata. Napagkamalan pa akong bakla." natawa naman sya sa sinabi ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Sira talaga ang utak nitong si Greyson e. Naging baliw na sa kakatawa.
"Anong tinatawa-tawa mo dyan?"
"Wag mo nga akong sungitan pre. Alalahanin mo, kapatid ako ng taong nagugustuhan este minamahal mo. Baka hindi kita tulungan nyan." sabi nya sabay taas-baba ng kilay nya. So may balak talaga syang tulungan ako? Ayos to a!
"Seryoso ka dyan pre? Tutulungan mo ako kay Yana?"
"Aysus! Kinilig naman ang gago. Oo nga! Kulit mo din e? Alam ko namang seryoso ka talaga kaya tutulungan na lang kita. Pero pagpasensyahan mo na yung kapatid kong yun ha? Mahina pala yun sa gantong bagay. Akala ko pa naman matalino sya. Pero baka sa academics lang lumalabas katalinuhan nun."
"Nga e. Sa sobrang slow nya, pinagkamalan nya akong bakla." umiling-iling ako habang sinasabi yun
"Sigurado ka bang mahal mo talaga yun? Sabi mo nga slow sya, ba't mo minahal pre?"
"Kapatid ka ba talaga ni Yana? Para namang dinedegrade mo ang sarili mong kapatid sa sinasabi mong yan e."
"Parang di mo naman nilait kapatid ko no? Haha. Normal naman yun. Close kami. Alam nya na yun." tumatawa nyang sabi
"Ewan ko sayo. LOL muna tayo?" nginisihan ako ng gago
"Pahihiramin mo kong laptop?" tanong nya. Sabi na nga ba. Trip nya na naman yung laptop ko.
"Tss. Oo na." pumunta ako sa taas at kinuha ang dalawang laptop tapos bumaba na.
Yllana a.k.a Yana's PoV
~4 hours later~
Ang tagal naman umuwi ni Kuya! Ano bang pinaggagawa nun? Malapit na mag 9 pm tapos di pa umuuwi. Di pa din siguro yun kumakain. Ano bang kalokohan ang ginawa nya at di pa sya umuuwi? Mapuntahan nga sa bahay nina Charlie.
*ding dong*
Walang sumasagot. Ano kayang nangyari talaga?
*ding dong*
BINABASA MO ANG
Science Of Love [COMPLETED]
RomanceThis ain't about SCIENCE alone. This connects the branches of SCIENCE to the thing we called LOVE. Just feel it.
![Science Of Love [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/70041177-64-k824192.jpg)