Chapter 5

15 2 0
                                        














"Anong iniiyak-iyak mo dyan? Hindi ba dapat masaya ka dahil balita ko, valedictorian ka raw?" tanong ni Kuya Greyson sa akin nang mapansin nyang umiiyak ako kaharap ang laptop ko

"K-kuya. A-ang s-sakit pala." yumuko ako. Hinarap ako ni Kuya sa kanya at pinatingin sa mukha nya.

"Anong nangyari?" he asked sincerely

"S-si C-charlie a-at D-dianne. N-nahuli kong n-naghahalikan." umiyak ako ng tuluyan. Napatayo si kuya bigla.

"Ano?! Aba't gago yun a! Sinabing wag kang sasaktan! Anong klaseng kausap yun?! Hindi pa nga kayo, nagtataksil na!" nangagalaiti sa galit na sabi ni Kuya Greyson

"Anong ingay yan?" tanong ng kadarating na si Mommy at Daddy

"Mom, Dad, yung manliligaw nito, nahuli yang may kahalikang iba." sumbong ni Kuya Greyson kina Mommy at Daddy. Napatingin naman sina Mommy sa akin.

"Ano?! Kung manliligaw lang, ba't umiiyak ang baby namin? Madami naman itong manliligaw. Wag maghinayang sa isa." Daddy said

"She must be inlove with him already Dad." sabat ni Kuya Greyson

"Ganun ba? Ipagiyera na ba natin?! Sinaktan ang baby namin e." sabi naman ni Mommy. Kailan ba seseryoso ang mga magulang ko? Nagagawa pang magbiro, kitang umiiyak ako dito. I think they're just making me happy.

"Baby, don't cry na. Malulungkot kami kapag malungkot ka." sabi ni Dad

"Ang sakit po kasi e. From the very start po, may gusto na po ako sa kanya pero dahil alam nyo namang dalagang Filipina ako, nagpaligaw pa rin ako. Nagtiyaga sya for almost three months pero hindi ko aakalaing pagtataksilan nya ako kahit hindi pa kami. What more if kami na diba? Mas madami pa syang kalokohang gagawin? He is my bestfriend kaya hindi ko aakalaing lolokohin nya ako. I was so stupid to fall for him. And he's so stupid to cheat on me kahit wala pang kami!" I really am so mad at him. Paano nya nagawa sa akin yun?! How could he?!

"Baka naman na misunderstood mo lang anak?" tanong ni Dad

"Misunderstood Dad?! Halik yun! Not on the cheeks but on the lips! How could he?! Ang sama nya! Ang sama nila! I hate them! Isinusumpa ko sila!" umiyak na lang ako ng umiyak. Pinapatahan ako nina Mom pero useless pa rin.

*ding dong ding dong*

"Greyson, pakibukas nung gate." utos ni Mom kay Kuya habang pinapatahan pa rin ako. Tumango na lang si Kuya at lumabas. Ilang sandali ay narinig namin ang boses ni Kuya kaya agad kaming lumabas.

"Ang kapal naman ng pagmumukha mong magpakita dito sa amin! Pagkatapos mong lokohin at paiyakin ang kapatid ko?! May gana ka pang magpakita?!" sigaw ni Kuya sa kausap nya na sa tingin ko'y si Charlie. Lumapit agad kami kina Kuya.

"I'm here to explain my side." bigla syang sinuntok ni Dad dahil sa sinabi nya.

"Your side?! My daughter's side is enough! Hindi na namin kailangan ng paliwanag mo! Ang alam lang namin, niloko mo sya!" Dad's becoming serious

"Sir, I love your daughter so much. Hindi ko po magagawang pagtaksilan sya."

"So sinasabi mong sinungaling ang anak namin?" tanong ni Mom kay Charlie

"Hindi po. She misunderstood what happened. I wasn't the one who initiated that kiss. Nabigla lang po ako sa ginawa ni Dianne kaya hindi ko sya naitulak agad. Sorry po. I didn't mean to hurt Yana. I love her so much." sincere na sabi ni Charlie. Should I believe in him? Should I?

"Sigurado ka ba dyan sa pinagsasabi mo Charles? Kasi kung hindi, magtago ka na!" banta ni Dad ay Charlie

"Opo Sir. Sigurado po ako. Ang anak nyo lang pong si Yana ang mahal ko. Hinding-hindi ko po sya pagtataksilan at hindi ko po sya pinagtaksilan kahit hindi pa kami. Handa po akong maghintay para sa kanya dahil alam ko po na wala pa sa plano nya ang relasyon. Maghihintay po ako hanggang sa sagutin nya ako balang-araw kung hindi nya po ako babastedin." I think I should believe in him. Charlie can never lie at me. Alam ko yun. Kilala ko sya kapag nagsisinungaling. He has this weird thing that happens when he lies kaya hindi yan nagsisinungaling.

Science Of Love [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon