Chapter 6

10 2 0
                                        











It's been almost two years since that day. We're going strong. As bestfriends. Oo, bestfriends pa rin kami. Nothing really changed. He's still sweet. Nag-eeffort pa rin sya. Nanliligaw pa rin sya. Oo, halos dalawang taon nya na akong nililigawan. Sabi nya kasi diba? Tagalan ko? Kaya eto, tinagalan ko nga. Hindi naman sya nagtatanong kung kailan ko sya sasagutin kasi ngayon pa lang, parang kami na. Hindi sya nagsasawa sa akin. Ang swerte ko sa kanya.

"Ready ka na ba?" tanong nya sa akin. Tumango lang ako.

"Relax ka lang." bulong nya sa akin

"Kinakabahan ako. Di kasi ako marunong diba? Paano kung masaktan ako o baka masaktan ka?" tanong ko sabay kagat ng labi ko

"Hindi yan. Madali lang naman e. Tsaka mabilis lang to." he wiggled his eyebrow. Nagtataka ba kayo kung nag-aano kami? Nag-aano lang kami ng ano kasi ano ang ng ano ko. Inaano nya ako kasi ano ang mga ano ko. Ay ano ba yan! Ano ako ng ano! Nagpapractice kaming sumayaw kasi malapit na ang debut ko. Tinuturuan nya ako kasi parehong kaliwa ang mga paa ko. Grabe! Ang hirap sumayaw! Wala talaga akong talent sa pagsasayaw kahit noong bata pa ako.

"Ganto lang yan. Step, close, step, close. Paulit-ulit lang pero may times na forward-backward or left-right." explain ni Charlie habang tinituruan ako

"Kumusta pagpapractice?" tanong ng kadarating na si Kuya Greyson

"Ang hirap Kuya!" maktol ko

"Anong mas mahirap, pagsasayaw o science?"tanong ni Charlie sa akin. Syempre mahirap ang science pero mas nahihirapan akong sumayaw! Pero para lang din naman syang science kasi gumagamit ako ng energy. Energy is the ability to do work. Work applies force. And force is the push and pull. Ay ano ba! Nahihirapan na nga ako dito sa pagsasayaw, nagdadrama pa ako gamit ang science.

"Parehong mahirap." sagot ko kay Charlie

"Madali lang naman ang dalawang yun kung iisipin mong madali lang. Negative ka kasing mag-isip kaya ganyan ang resulta sayo." napataas ang kilay ko

"Edi ikaw na magaling. Porket magaling ka sa science at sa pagsasayaw, aawayin mo na lang ako?" pinapaandaran ko sya ng artista skills ko. Magaling ata akong umarte. Lalapit sana sya sa akin pero lumayo ako sa kanya.

"Sorry. I didn't mean it." he sincerely said pero inisnab ko lang sya

"Mag-eLQ na lang ba kayong dalawa? May 1 week na lang kayo para magpractice pero nag-aaway pa kayo. Bahala kayo dyan. Wag na wag kayong magkakalat sa dance, maliwanag?"

"Okay tol. Akong bahala kay Yana." tinapik ni Charlie si Kuya sa balikat. Tinanguan sya ni Kuya at tinapik din sa balikat bago sya umalis.

"Nakakaasar ka talaga kahit kailan." sabi ko na ikinatawa nya

"Bakit na naman?"

"Basta! Nkakaasar ka!" nilapitan nya ako at niyakap. Nagpupumiglas ako sa yakap nya pero kinalaunan ay sumuko rin ako. Nakakapanghina ang mga yakap nya. Bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Chemical reaction na naman! Nakakaasar!

"Baby..." bulong nya sa akin

"Hmmm?"

"I love you." napangiti na lang ako. Alam nya namang hindi ko pa masasabi ang mga katagang iyon pero paulit-ulit nya yung sinasabi sa akin kahit na usually wala akong sagot o thanks ang sagot ko. Siguro panahon na rin, diba?

"I love you too baby." naramdaman kong naging stiff sya bigla. Halatang gulat sya. Dahan-dahan nyang niluwagan ang yakap nya sa akin. Hinawakan nya ang dalawang balikat ko at tumitig sa mga mata ko.

Science Of Love [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon