"Hon, okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya
"Ayos lang ako Hon. Kumusta naman ang work mo? Ayos lang ba?" inayos nya ang buhok ko
"Ayos lang naman Hon. Sigurado ka bang ayos ka lang?" sumandal ako sa balikat nya
"Hon, paano kung... " napatingin ako sa kanya
"Paano kung?" tinitigan ko sya sa mata
"Kung... bumalik si Charles? Kung... makita mo ulit sya? Babalikan mo ba sya?" nag-iwas sya ng tingin
"Kung bumalik man sya, anong paki ko? Kung makita ko ulit sya, edi makita. At kung babalikan ko sya? Siguro hindi na. I just love you so much para ipagpalit kita sa kanya. Madami na tayong napagdaanan Devin. I just can't waste them all." napangiti naman sya. Oo, si Devin nga. Matagal na kami. Mga tatlong na taon na din. Halos limang taon na rin ang lumipas mula nung araw na yun. We totally lost contact since then. Devin tried his best to reach out to me. Ilang milyong beses syang nagsorry sa akin kahit hindi naman kailangan kasi nung gabing yun, nang magsorry sya sa akin ay tinanggap ko na. Pinaglaban nya ang pag-ibig nya para sa akin. He fought for me kahit alam nyang hindi ko pa sya mahal noon. Dahil si Tita Danica, mom nila ni Damon was legally adopted by my grandparents, naghain sila ng appeal sa korte, which I don't really know what is it pero habang nasa korte pa yun ay pinayagan na si Devin na ligawan ako. Hindi naman sya ganun nahirapan kasi unti-unti naman akong napamahal sa kanya. Hindi ako nagalit sa kanya dahil sa nangyari. Hindi ko din alam kung bakit. Hanggang ngayon, pinag-aaralan pa rin yung sitwasyon kaya wala pa kaming plano ni Devin about marriage.
"Ang sweet nyo! Nakakaasar!" napatingin kami ni Devin sa nagsalita. Si Ate Ally lang pala.
"Inggitera ka talaga Allyson." sabi ni Kuya Spencer, asawa ni Ate Ally. Palaging inaasar ni Kuya Spencer si Ate Ally. Ang cute nila.
"Tigilan mo ako Spence." umalis si Ate kaya sinundan sya ni Kuya. Drama talaga nilang mag-asawa.
"Hon, nakakatawa talaga sina Ate Ally at Kuya Spencer no?" tanong ko kay Devin
"Oo nga Hon e. Asaran lang ng asaran."
"Tayo kaya? Ganyan din kaya tayo pag naikasal na?" niyakap ko sya
"Siguro hindi. Hindi naman kasi tayo ganyan kung mag asaran e." sabi nya sabay halik sa buhok ko
***
"Hon, dun lang muna ako sandali ha?" turo ko sa isang part ng store. Nginitian lang nya ako at tumango tapos nagpatuloy lang sa pagpili ng mga damit. Pumunta na ako dun sa part na tinuro ko at nagsimula na pumili. Makalipas ng ilang minutong pagpili, may nakita akong polo na bagay na bagay kay Devin. Nung nahawakan ko yung hanger, nagulat ako dahil may kasabay pala akong humawak dun sa hanger. Napatingin ako sa taong nagmamay-ari ng kamay na iyon at nanlaki ang mga mata ko. The chemicals in my body are reacting. Nagkakagulo sila.
"Hon, tapos k--" napalingon kami sa tumawag sa akin. Si Devin.
"Hon." tawag ko kay Devin kaya lumapit sya sa amin at napatingin sa kamay namin. Agad kaming napabitaw ni Charlie. Oo, si Charlie nga.
"Kumusta Charles?" tanong ni Devin kay Charlie. Binalingan ako ng tingin ni Charlie at nginitian. Siguro nakamove on na talaga sya. It's been 5 years naman din kasi. Imposible namang hindi nya makalimutan yun.
"Ayos lang. Kayo pa din pala?" he smirked at me. Smirk? Galit pa rin ba sya?
"Oo. Kami pa rin." tumango-tango na lang sya. Tinitigan nya ako sa mata. Tama ba ang nakikita ko? Nasasaktan sya? Imposible.
"See you some other time." nagpaalam na si Charlie sa amin. Sinundan ko sya ng tingin.
"Sigurado ka bang hindi mo na sya gustong balikan?" napatingin ako kay Devin. Tinitigan nya ako sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. We've been together for 3 years at madami syang ginawa para sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. He's been with me through it all pero hindi ko pa rin maikakaila na may nararamdaman pa rin ako para kay Charlie. Kahit limang taon na ang lumipas pero ang pag-ibig ko para kay Charlie, hindi pa rin nawawala. Kahit kailan, hindi naman sya nawala sa puso ko. Binigyan ko lang ng pagkakataon si Devin na mahalin ko sya at minahal ko naman sya. Kaya lang... mas mahal ko talaga si Charlie. Ilang taon ang lumipas pero sya pa rin. Sya pa rin yung laman ng puso ko.
"I--" hinawakan nya ang kamay ko
"No need to answer Hon. Ramdam ko naman. Umuwi na lang muna tayo. I'm sure pagod ka." he said while smiling sadly. Sorry Devin. Mahal naman kita e. Kaya lang talaga, mas mahal ko sya.
***
It had been a few months nung tanungin ako ni Devin kung gusto ko pa bang balikan si Charlie at hindi ko sya nasagot. Hiniwalayan ako ni Devin dahil hindi naaprubahan ang appeal. Mas makakabuti daw muna para sa aming dalawa na maging magpinsan muna sa ngayon habang sinusubukan nila ulit na mag-try sa korte. Pumayag na lang ako. Nanatili nalang muna kaming magpinsan. Masakit man, siguro dapat magtimpi muna kami dahil imposible kaming maikasal dahil magpinsan kami sa batas.
"Ma'am, may letter po kayo." bigay sa akin ng secretary ko sa sulat. Tinanguan ko lang sya at kinuha ang sulat. Umalis din sya sa opisina ko. Binuksan ko ang sulat at nanlaki ang mga mata ko.
You are invited for the wedding of Maria Clara Ibarra and Charles Louie Marcelo.
Yun ang nabasa ko. May kung ano-ano pang nakasulat. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa nabasa ko. Nakakatawa kasi yung pangalan nung mapapangasawa ni Charlie. At nakakaiyak dahil ikakasal na sya sa iba. Siguro nakahanap na talaga sya ng mamahalin habangbuhay. Nakakainis lang! Bakit nya ako inimbitahan?! Teka nga Yllana! Alam nya bang hindi ka pa nakakaget over sa kanya?! Diba hindi?! Ang alam nya lang, boyfriend mo ang pinsan mo! Yun ang alam nya! Ang alam nya, mahal mo ang pinsan mo kaya mo sya pinagtaksilan noon! Kahit hindi naman talaga ako nagtaksil. Science! Help me! Nakakaiyak itong nangyayari sa akin. At nakakatawa ang pangalan ng bride nya!
____________________
Epilogue na ang next! Haha, nakakatawa yung pangalan. Maria Clara Ibarra ^^ I just so like the name. Don't you worry, mabait si Maria Clara. Chilax lang kayo. Tingin nyo what will happen next?
Vomments lang kayo ;)
BINABASA MO ANG
Science Of Love [COMPLETED]
RomanceThis ain't about SCIENCE alone. This connects the branches of SCIENCE to the thing we called LOVE. Just feel it.
![Science Of Love [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/70041177-64-k824192.jpg)