Hindi ko alam kung bakit ang tagal magsimula ng kasal. Sinabihan ako ng organizer na kailangan daw ng sub sa isang nawawalang part ng entourage. Ewan ko kung bakit ako ang sinabihan nya. Sabi nya ako daw ang pumalit dun. Di nalang ako nagpakachoosy. Pinasuot nila ako ng gown tsaka binigyan ng bouquet. Bride's maid ata ang pinalitan ko. Ang tagal namang akong paglakarin sa aisle. Nakakaasar. Ilang sandali ay turn ko na daw sabi nung wedding organizer. Edi ayun, naglakad ako papunta sa altar. Nakita kong naghihintay si Charlie sa altar kasama si Kuya Greyson. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko, biglang lumapit sina mommy at daddy sa akin. What's happening? I looked at mom and dad with confusion.
"Anak, I know naguguluhan ka pero alam naming mahal mo si Charles. Ramdam namin. Kaya we are giving your hand to him." bulong ni Dad sa akin habang naglalakad kami papunta sa altar. Oo, gulong-gulo ako sa nangyayari. Paano na lang si Devin? Napatingin ako sa side ng mga groom's men at nandun si Devin, nakangiti sa akin. Ano ba talagang nangyayari ngayon?
"Charles, alagaan mo ang anak namin." sabi ni Dad kay Charlie
"Yes Dad." nakangiting sabi ni Charlie kay Dad. Tinanguan lang sya ni Dad. What's really happening? Walang salita ang lumalabas sa bibig ko. Kahit isang letra, wala akong masabi.
"Baby, please cooperate. Wag mo akong ipapahiya." napatingin ako sa mga mata ni Charlie. Ang mga mata ng taong mahal ko, nagniningning sa saya. Nagpatuloy ang ceremony.
"Do you, Yllana Mariella Nativadad, take Charles Louie Marcelo as your lawfully wedded husband, for better or for worst, for richer or for poorer, in sickness and in health?" napatingin ako kay Charlie saglit. Tahimik ang lahat na naghihintay sa sagot ko. Napasulyap ako kay Devin. Nagthumbs up lang sya habang nakangiti. Ito ang gusto nya.
"I do." tila nabinutan ng tinik si Charlie sa sinagot ko. Tinanong din sya ng pari at sinagot nya rin ang mahiwagang 'I do'. Ngayon, isusuot na namin sa isa't-isa ang aming mga singsing.
"Baby, hindi ako ready sa speech ko na ito. After so many years, ikaw lang ang minahal ko. Kahit gaano ako nasaktan sa ginawa mo dati na hindi mo naman pala talaga ginawa, hindi nawala yung pag-ibig ko para sayo. 5 years akong nagpakalayo sa inyo, sayo. Akala ko sa pagkikita nating muli, hindi na ako maaapektuhan pero mali pala ako. Mahal pa rin pala kita. At kahit kailan, hindi nawala yun. Alam mo bang solid, liquid at gas ka? *tumigil saglit* because you are all that matters to me. Ikaw ang pinakamahalaga sa akin Yana baby. Ikaw lang. Sorry kung pingdudahan kita pero ngayon, hindi ko na uulitin yun. Mahal na mahal kita." umiiyak sya. Natatawa tuloy ako. Bihira lang umiyak ang mga lalaki lalo na sya. Hindi naman hagulgol ang iyak nya, tumutulo lang ang mga luha nya.
"Naku baby, umiiyak ka. Nakakaasar ka talaga. Pati ba naman sa kasal natin? Science pa din? Pero alam mo ba na ikaw ang matter? *nginitian ko sya* Alam mo ba kung ano yun?" medyo napakunot ang noo nya
"Matter? Anything that occupies space and has mass?" tanong nya sa akin na ikinatawa ko at umiling sa kanya
"Hindi baby. Matter is anything that occupies the heart and has mass. Love yun baby. I never thought na ikakasal tayo agad. Hindi mo ako ininform sa nangyayari. At ang nakakatawa, kailan pa naging Maria Clara Ibarra ang pangalan ko? Alam mo bang imbis umiyak ako ng todo sa nabasa ko, ay natawa ako? Nakakaasar lang kasi akala ko ikakasal ka na sa iba. Baby, sorry for everything that I've done. Nagmahal ako ng iba nung mga panahong inakala mong nagkamali ako. Minahal ko sya, oo pero hindi ko pa rin maipagkakaila na mas mahal kita. Hindi ka kailanman nawala dito *turo sa may puso* Thank you for this day kahit wala talaga akong alam dito. Salamat kasi napatawad mo na ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Mahal na mahal kita Charlie." niyakap nya ako pagkatapos nun
"Mas mahal kita." bulong nya sa akin tapos bumitaw na sa yakap
"By the power vested in me, I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss your bride." at hinalikan ako ni Charlie pero smack lang
"Mamaya na yung magic baby." kinindatan nya ako. Kinurot ko nga sya dahil sa sinabi nya.
"Picture time!" nagpicture-picture na nga kaming lahat
Pagkatapos ng picture taking, hinila ko si Charlie saglit para makausap.
"Charlie, anong nangyayari? Naguguluhan talaga ako." Inayos nya ang buhok ko
"Devin explained everything to me. Humingi sya ng tawad sa mga ginawa nya sa akin, sa atin. Sinabi nya ring alam nyang mahal mo pa rin ako at alam nya ring mahal pa kita. He gave you up Yana. Mahal na mahal ka ni Devin kaya nya ginawa ito. He sacrificed his own happiness for us." Ang dami na ng naisakripisyo ni Devin para sa amin, sa akin. I should thank him.
"Baby, samahan mo ako kay Devin." ngumiti sya at tumango. Pumunta kami kay Devin. Napatayo si Devin sa kinauupuan nya. Nilapitan ko sya at niyakap.
"Hon, thank you. Salamat talaga." bumitaw ako sa yakap
"Hon pa rin? Pinapaasa mo na naman ako." nagpout sya. Timanpal ko yung nakapout nyang lips.
"Sira ka talaga. Pero salamat talaga. Ang dami mo nang naisakripisyo para sa akin. Pati pamilya natin, nadamay pa." sabi ko
"Don't worry about that. Ang mahalaga, masaya ka na. Tsaka yung sa appeal, di na namin tinuloy. It caused us so much waste of time and effort." Nginitian nya ako. Yung ngiting totoong-totoo.
"Sorry din pala Devin. I know you're hurt. Thank you for correcting all our mistakes."
"No. It's all my mistake. Itinama ko lang lahat. Charles, alagaan mo to. Mahal na mahal ko itong PINSAN KONG ITO." pinagdiinan nya talaga kaya natawa kami ni Charlie
"Oo pre. Alam kong mahal mo itong PINSAN MO." pabirong sabi ni Charlie sabay akbay sa akin. Napailing na lang si Devin at natawa na lang din sa sinabi ni Charlie
"Tara na sa reception. Hinihintay na nila tayo." sabi ni Devin kaya umalis na kami sa simbahan at sumakay sa kotse.
***
Someone's PoV
Kung may course lang na Bachelor of Science of Love, siguro pinagaralan ko na yun. Siguro madami na akong alam tungkol sa pag-ibig noon pa lang. Pero dahil wala naman, siguro matututo ako ng mga bagay tungkol sa pag-ibig sa daang tinahak ko. Pinili kong magpakaselfish noon pero ano ang naidulot ko? Puro sakit at pagdurusa lang naman. Sinubukan kong itama ang lahat noon pa lang pero sa tingin ko, hindi sapat ang pag-ibig lang. Siguro kailangan ko ring isipin ang kasiyahan nya. So I gave up. Pinaubaya ko na lang sya. Alam ko namang kahit mahal namin ang isa't-isa, hindi sya sa akin totoong masaya kasi may parte ng puso nya na hindi sa akin. Malaki ang parteng yun at alam kong hindi ko kayang makuha yun.
"Devin!" napatingin ako sa tumawag sa akin
"Oh?" tumakbo sya palapit sa akin
"Hindi ka pa ba kakain?" umiling lang ako
"Broken hearted ka pa rin sa akin?" biro nya sa akin
"Wag mo nga akong lokohin pinsan. Tss. Sige na nga, kain na tayo." hinigit ko na lang sya papasok sa bahay. Natawa lang sya sa ginawa ko. Sapat na sa aking makita syang masaya. Yun na lang muna sa ngayon.
__________________
So... what do you think guys? Gusto nyo ba magkastory si Devin mylabs? Comment lang para malaman ko ang mga iniisip nyo ;)
Huhuhu dumudugo utak ko :'( hindi dahil sa story ha? Dahil sa cube :3 pero mawawala din to, vomments lang kayo ;)
BINABASA MO ANG
Science Of Love [COMPLETED]
RomanceThis ain't about SCIENCE alone. This connects the branches of SCIENCE to the thing we called LOVE. Just feel it.