"MGA FUKEEEEENNAAAAAEEEENAAAAEEEE!" Ugh! Ang sakit sa ngala ngala nung sigaw ko.. Nakakawala ng poise men!
Agad nanlaki ang mata ko ng makita ang isang rubber duckie na lumilipad papunta sa dereksyon ko.. Buti nalang at maganda ko kaya nailagan ko kagad.
Tinignan ko ng masama si Woozi na nasa may hagdan habang nakatingin ng masama sakin.. Punyeta toh naka pink pa na pajamas.. Wait? Pinaglumaan ko ata yun hakhakhak.
"Ano bang problema mo noona? Ke aga aga nambubulabog ka!" Inaantok pa na sabi nya.. Napairap naman ako.. Tanga neto! Di ba nya nakikitang naka school uniform ako?
Bumaba naman si Suga na wala na atang nakikita sa sobrang liit ng mata.. naka orange na boxers lang ang loko.. Feeling hot! ewww!
"Way you disturb my slip?" Reklamo nya.. Lumapit sila sakin ni Woozi at tinignan ako mula ulo hanggang paa.. Dyosa ko right?
"Kumain na kayo at magayos pagkatapos! Bilis bilisan nyo lang at 6:30 na! Pinagluto ko kayo ng Pritong hotdog at hotdog na may itlog.. Kung ayaw nyo naman nun meron akong nilutong hotdog na sinabawan ng ketchup at tomato sauce." Tuloy tuloy na sabi ko at itinulak sila paupo.. Nakatingin parin sila sakin na para kong isang alien..
"Noona anong trip mo?" Naguguluhang tanong ni Suga at nagcross arms. "Nakakawala yan ng Swag."
Napairap naman ako dun.. Hindi ko kailangan ng Swag! Ang kailangan ko pera .-.
Kaming tatlo lang ang magkakasama sa bahay actually meron pang isa eh! Yung pinsan namin si Rin Ah. Kaso wala sya ngayon dahil busy.. Yung magulang namin nasa ibang bansa ... Nagtatrabaho para matustusan kaming tatlong magkakapatid..
Nagsimula na kaming kumain habang nakatingin parin silang dalawa sakin ng weird.
"Noona. Malakas ba talaga trip mo o sadyang may toyo ka lang?" Kunot noong tanong ni Woozi.. Ang harsh nitong batang toh kahit kailan -_-
"Tama na ang tanong! Bilis bilisan nyong kumilos dahil papasok pa tayo!" Utos ko sa kanila.. Nagkatitigan silang dalawa at sabay na nagface palm.
"Noona..... Linggo palang ngayon."
×× Ok sabaw! Pfffft hahahahaha sorna! ××