F13 C3

22 1 0
                                    

Continuation!!!!!
------------------------
Hinila ako ni Amy papuntang canteen.

"Finally!! Walang mga mokong. Masosolo na kita," she declared.

Creepy~~

She laughed "Don't worry. I'm totally harmless. Gusto lang kitang masolo to know you better," she assured.

I felt relieved and smiled at her. Napansin ko lang, parang kakaiba tong canteen. I mean, nakapaligid sa canteen. Para bang carnival dito. May mga booths at maraming contestants ang nakatambay. Fiesta ba??

"Let's grab some foods and roam around the area later," sabi ni Amy.

"Ah, sure," pumayag nalang ako kasi lilibutin ko rin naman tong area na to sakaling wala akong kasama. Actually, ngayon lang ako nakipagkaibigan na galing sa ibang school. Elle and Sebio will definitely ignore me kahit na contestants kami galing sa iisang school. Hindi ko kasi kavibes si Elle at sunud-sunuran naman niya si Sebio.

Kumuha lang ako ng water kasi hindi naman ako gutom. While Amy on the other hand, andami niyang binili. Para bang magcacamping siya ng ilang araw sa dami ng junkfoods na binili niya.

Nilibot namin yung malacarnival na area dito. Andaming booths. Isa-isa naming chineck ang mga yon. We actually won some prizes kaya nag-enjoy din naman ako. Fiesta nga dito, I mean, sa barangay na to. Ngayon lang ako nakaranas nito kasi di naman nag gaganito yung village namin.Nagdaldalan kami ni Amy about some personal stuffs and I actually learned why AC and Amy became rivals. Dahil lang daw sa lollipop, pero as time passes by daw, talagang rivals na sila pagdating sa acads and co-curricular at pati na rin sa bahay, both of their parents are long time friends daw. And nalaman ko na kung bakit ayaw niyang tawaging 'kuya' yung kapatid niya. Well, dahil daw mas kinoconsider pa daw niyang kapatid si AC kesa sakanya. Mas naging close na nga kami.

Isang booth nalang ang di namin napupuntahan. Sabi nung sign- please enter 1-by-1. Only one person at a time-. Pinauna ko na si Amy kasi parang ayaw kong pumasok don unless sabihin niya sakin kung anong experience niya. Ganyan kasi ang routine namin kanina kaso ayaw rin niya. Ilang sapilitan pa ang nangyari at nagdesisyon kaming mag rock-paper-scissors nalang

She won five times in a row so that means na ako mauuna. I hate playing rock paper scissors!! Bulok ako sa game na yon!! Inirapan ko siya bago ako pumasok but she just laughed and wished me luck.

I entered the booth. Joke lang, hindi siya nagmumukhang booth. Para bang ewan tong place na to. Andaming kumikinang at glow in the darks. Pagpasok ko, may table. Tas yung chair na parang yung inuupuan ni Queen Elizabeth na mukhang imitation. At sa table meron yung mga old cards na nakastack.

Lumingon sakin yung tagabantay(ata??) "Welcome, my dear. Are you ready to know your fortune??."

Ahh--- what the?? Ano ba tong booth na pinasukan ko.

I looked puzzled while she told me to sit at the chair across her. Well, no choice. Obviously, fortune-telling-booth to. Except wala yung mahiwagang bola.

Yung nakastack kanina na cards, shinuffle niya ng dalawang beses. And she divided it into three sections.
She said,"pumili ka sa tatlo diyan."

Yung nakastack ba na cards?? Siguro...
Why would I follow her?? I won't believe to her PREDICTION anyway. Well, katuwaan lang naman siguro.

I was about to choose the middle one but I stopped. I closed my eyes. Anong ginagawa ko??!!! Just choose, Dory!! For the second time, I finally decided na yung middle ang pipiliin ko pero natigilan ulit ako.

"Hindi ka sure sa desisyon mo??," she asked me.

I went back to my senses pero di ko talaga alam kung bat yung left side ang pinili ko.

FRIDAY THE 13THTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon