"Hoy!! Dory!! Inayos mo na ba yung mga boxes mo sa kwarto mo? Naayos mo na lahat ng mga gamit dun?,"tanong ni Kuya AD sakin.
"Opo."
"How about your shelf?? Nakaayos na ba pagkaka arrange ng mga libro mo??."
"Uh-huh."
"How about your cabinet and drawers?? Did you already sort your clothes from categories??."
"Yup. Already done."
"Sure ka na tapos mo na lahat?? I told you kanina na hintayin mo ako para tulungan kitang mag-ayos. But it seems like you're excited."
"Of course, except for the excited part. And I'm not like kuya Arkie. Saka lang aariba kung papagalitan na"
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Anong aariba ka dyan?? At saan mo natutunan ang mga ganyang pananalita??""Kay kuya Arkie. Gagalaw kasi meaning nun."
Napa-tssk nalang siya at inutusan akong hanapin yung kumag kong kuya.
MIA (missing-in-action) nanaman siya eh. Sa kalagitnaan ng pag-aayos namin sa sala, bigla siyang lumabas ng bahay. Di man lang niya kami lubusang tinulungan plus, di pa nagpaalam. 😑😑
Maybe we should buy a cage and a leash para di na siya makatakas.
Tapos na pala kaming mag ayos. It only took less than three
hours para ayusin ang buong bahay. Siyempre, may teamwork kami eh. All we have to do is to take this carton boxes out."Isama mo na rin pala to," utos ulit niya sakin and he handed me the soon-to-be-thrown boxes. Grabe ang bigat.
"Wow. Salamat sa pag acknowledge na babae ako at minor ha!," sarkatiko kong sabi at lumabas na.
Nilagay ko nalang siya sa tabi ng mga circular trashbin. Hassle pag pinasok ko pa sa basurahan.
Ayos ring makapag utos na maghanap si kuya AD eh, kala mo kabisado ko na buong neighborhood.
Baka mamaya, ako pa ang hanapin nila. Well, I have to search for kuya Arkie, first.
11th ADJUSTMENT: kabisaduhin ulit ang buong neighborhood
Sa dating place kasi, hindi ko parin kabisado ang buong neighborhood, almost kabisado palang but I have to be instructed kung paano pumunta sa pupuntahan ko.
I started walking towards the end of the street. Madali lang naman ako makarecognize ng mga routes basta may pagbabasehan lang ako na establishments.
Its already four in the afternoon. Late na ring dumating yung delivery truck kasi nasiraan bigla. At sa malas ng araw ngayon, wala pang spare parts kaya nahirapan silang ayusin.
Pero back sa paghahanap, tumawag nalang kaya ako ng animal control sa zoo?? An animal is missing!!
Nakakainis kasi talaga si kuya!! Burahin ko kaya yung nunal niya sa paa nang di na maging lakwatsero! Haisstt!!! Nakakasira ng araw.
Isang street palang nalilibot ko, and I suddenly felt hopeless na mahahanap ko pa siya. Uwi nalang kaya ako?? Tutal, bente singko naman na siya, kaya na niya yun.
Pero pano kung pagalitan ako ni kuya AD??
Hay nako!! Nakakainis naman! San ba kasi pumunta yung unggoy na yun??? Malapit na talaga akong mawalan ng pasensya! Tatawag na talaga ako!!
I scratched my head. Hindi ko pa dala yung phone ko. Great! Ang ganda talaga ng araw ko!
"Hoy! Harang ka sa daanan ko!," sita sakin ng nasa likod ko.