F13 C8

21 1 0
                                    

Mabilis ko lang nahanap ang classroom. It wasn't as I expected. Wala bang masyadong excitement kasi wala naman akong kakilala sa kanila.

Wait. I forgot to ask Chaz kung anong section siya.

Never mind.

Nang pumasok ako, konti lang naman sila. Puro girls actually at nasa likod sila.

I scanned the whole room for a vacant chair at yung nasa  malapit sa bintana ang bakante na lamang. Mukhang occupied na lahat kasi nandun na yung mga bag.


"Uyy, diba si Dorothy Sy yun?," bulong nung isa.

"Taga Wilma Institute, bakit kaya nagtransfer?"

"Ah oo. Kalilipat nila sa village namin. Mga weeks ago."

"Talaga, Sapphire? Magkalapit kayo ng bahay?"

"Hindi. Sa kabilang street kami. Nadadaanan papunta ng house nila," the girl explained

At di ko na nasundan yung sinasabi nila. I busied myself reading the manual. Di naman ako interesado, kahit ako yung pinag-uusapan nila.

Let's see. Monday and Thursday uniform day.Tuesday and Friday, P.E.
And Wednesday, civilian.

Grading system? Mamaya na.

Tiningnan ko nalang ang schedule. Morning classes sa II- Thallium. Afternoon classes sa II- Manganese. At kada Friday ng hapon, sa AVR para sa sunod sunod na P.E. and Health period.

The sched seems fine with me.

"Pumunta ata sa Singapore or Canada ang mommy at daddy niya. According to Papang."

Seriously? Di pa sila tapos pag usapan ako? Sabagay, di naman kami masyadong private

"Tapos kuya pa niya si Arkie Sy!!!!," tili nung isa ngunit pabulong.

Napapikit ako sa sinabi niya.

"Seriously, Camille. Ang tatanda ng type mo."

"Mas mature, correction. Mature ang type ko."

"Pero matanda.."


At nagtawanan silang grupo.

Nagbuzzer na. What's that suppose to mean?



Nakita kong nagsilabasan sila habang tumatawa pa. Sumunod nalang ako but I kept my distance.

Naglinya na sila at parang ang liliit nila kumpara sa akin. The girls I mean. Half foot siguro ang itinangkad ko sakanila kaya nasa dulo ako ng linya at halos katangkad ko na ang mga lalaking kaparallel ko.

Ang dami daming sumusulyap sulyao sakin at nagbubulungan. Best thing to do? I bowed my head.

Walang Chaz Yñiguez na nahagilap ng mata ko. I sighed at nagsimula na sila sa prayer.

Psst.

Psst.

Andami daming nagsisitsitan at naghahagikhikan.

Jerks.

Hindi naman ganito sa Wilma Institute. But maybe because I'm new? Well, whatever. Sana well oriented sila dito.

Natapos ang flag ceremony at ni walang linya ang nabuwag. I'm amazed, honestly. Kung sa WI sana ako, nagtatakbuhan at nagsusuntukan siguro sila habang papasok ng classroom.

Marami pala akong kaklase. PSH! I went straightly to my seat at may mga lalakeng naghiyawan.

"Woooooo!!!!!!! Tangna mo Marquez!!! Jackpot ka!," they chorused.

FRIDAY THE 13THTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon