Nagising ako bigla. Papasok na pala kami ng village. I stretched my arm and my neck. Gosh ang sakit ng buong katawan ko.
Naalala ko na siya. Yung lalaki kanina sa mcdo. Kaya pala familiar yung babaeng nagsalita, si Amy pala yun and the guy who approached me was her brother. Sorry naman!! AJ lang ang alam kong pangalan niya. Hindi ko alam full name niya.
Anyway my head is still woozy from my sleep..
Hinintay ko nalang na mahimasmasan ako...
Napansin kong tahimik ang mga kapatid ko.
Chineck ko sina kuya sa harap. Kuya AD yawned and napansin niya ako kaya tumingin siya sa may rear mirror and said na gising na daw pala ako.
Well, obviously.
Tiningnan ko naman si kuya Arkie and yon.... Borlogs na borlogs.. Nakatulog siguro kakadaldal.
Inutusan ako ni kuya na gisingin yung isa kasi malapit na raw kami sa bahay..
I hesitated. Di ko pa kasi ginising si kuya Arkie eh.. Baka kasi nakakatakot siya pag gisingin mo.. You know the sayings about bagong gising.....
"Why are you hesitating?? Alam mo namang di niya alam magalit," kuya AD said.
"I don't like to!," i whisphered habang tong isang to naman malakas magsalita.
"Teka, I will wake him up, just look," he said. Oh my!! Kuya AD's grinning!! He has evil plans!!
"Kuya, whatever you're up to... Stop!! Neither you nor me have witnessed him being angry.. You're seriously being crazy!!," i whisphered..
"Ayaw mo nun!? Makikita na natin siyang magalit," He chuckled and said let's see.
Kawawa naman si kuya Arkie. 😔😔 ako na ang naawa sa kalagayan niya...
Malapit na kami sa street na papasok ng subdivision. Mukhang di itutuloy ni kuya AD yung plano.
Hayy.. That's a relief.. 😌😌😌
"Arkie!!!!!! CHIDORI!!!!,"
"Ahhhhhh!!!!! RASENGAN!!!!!!!!," biglang sigaw ni kuya Arkie.. He's catching his breath. Ako din nagulat sa biglaang pagsigaw nila. Habang yung isa naman, tawang tawa.
"Kuya AD!! What was that???," i asked angrily.
"See!? I told you," he retorded.
Mga adik sa Naruto!!!!
"Amy, ako ang palaging gumigising sa kapatid mong yan, kaya may technique ako diyan." Kuya AD
Yeah,yeah whatever.. "Sorry naman!!," pagtataray ko "si mommy gumigising sakin kaya-"
Then the atmosphere changed..... Hindi na ko nagtaka pa kung bakit naging malungkot. 😞😞
Nobody dared to talk hanggang sa nakapasok na kami ng subdiv. Yung isa, seryosong nagdadrive habang yung isa kinukusot yung mata.....
Kuya Arkie broke the silence "tapos ka na bang mag impake, Dory??"
"Not yet."
"Marami pa ba yung di mo na impake??," tanong ni kuya AD.
"Yung isang drawer nalang tsaka yung bed ang aayusin ko. Nakabox na yung mga gamit ko."
"Wag mo munang ayusin yung kama mo, kami nalang ni Arkie ang bahala bukas. Tapusin mo nalang yung laman ng drawer mo bago ka matulog."
I nodded.
"Yung mga naiwang gamit na nina daddy at mommy nakaayos na??," I asked.
"Oo. Inayos na ni mommy kanina."sagot nung panganay "Sasama pa sana siya bukas para tulungang magligpit sa bagong bahay kaso minove yung flight niya ngayon."