Hindi lingid kay Atty. Sales na tila nagsisimula na naman sila nina Ricardo at Laura. Ang hindi inaasahang pagdating ni Diomano dela Fuente sa kanilang landas ang sumira ng kanilang tagumpay. Kinakailangan ng abogado na kumilos nang mas mabilis, at may naisip na itong paraan. Lunes ng gabi, lihim nitong sinadya si Diomano sa Villagracia Hotel and Restaurant.
"Anong importanteng sasabihin mo sa akin, Sales, at sinadya mo pa ako rito?" salubong ni Diomano habang pinapatuloy ang hindi inaasahang bisita.
"You guessed it right, Mr. dela Fuente. Napaka-importante ng sasabihin ko."
"Then tell me now. Time is gold and it's getting late."
"Maari bang maupo muna tayo, Mr. dela Fuente?"
"Maupo ka lang, Sales, I'll stay standing," masungit nitong sagot.
"Alam n'yo kasi," nahiya na ring maupo si Sales kaya nanatili na ring nakatayo habang ipinagpapatuloy ang sasabihin, "nagiging issue na sa opisina ang pagkakahawig ninyo kay Shelvin Villagracia, partikular na kina Miss Laura at Mr. Ricardo Ayez."
Tumaas ang isang kilay ni Diomano. "So?"
"May hinala sila na kamag-anak ninyo si Don Villagracia, and you're here to find out something..."
"What if, kadugo ko nga siya? What is that 'something' to find out?"
"Well, well, well..." ngiting-asong sabi ni Sales. "About the plane crash."
"I see..." Sumungaw ang mga ngiti sa matatalas na mga mata ni Diomano. "I believe it's not an accident. What do you think, Attorney?"
"Not too fast, Mr. dela Fuente. I am not a social worker."
"I should know that, Attorney. Tell me, how much?"
Luminga-linga si Atty. Sales matapos marinig ang sagot ng kausap. "A suite like this one isn't enough..."
"Well?"
"I want your share in this hotel, Mr. dela Fuente. I want to own Villagracia Hotel and Restaurant."
Natigilan si Diomano sa narinig. Tuso talaga ang attorney.
"Hindi naman iyon kawalan sa inyo, Mr. dela Fuente. Marami pang business ang mga Villagracia. Kung tutuusin, barya lang ito para sa inyo."
Sandaling nag-isip si Diomano. "Fifty percent of my share, that's all I can offer you."
Halata ang pagkawala ng buhay sa mukha ni Sales.
"Kung ayaw mo, well, I think it's time to say goodbye." Akma nang palalabasin ni Diomano si Atty. Sales saka muling nagsalita, "You know, it's not really important if I'll find out the truth about that accident. After all, I am now the King of Villagracia's wealth. Bonus na lang siguro iyon kung sakaling malaman ko ang katotohanan. Goodnight, Sales. Be sure to close the door when you leave."
"All right, Mr. dela Fuente, deal," habol ni Sales sa tumalikod nang si Diomano. "I'll take your fifty percent share in exchange of the information."
Abot-tenga ang ngiti ni Diomano. "Let me think first, Attorney Sales," sagot nito na sumeryoso na ang mukha pagharap sa kausap. "All right." Tumango-tango. "But there's one more thing I want from you..."
***
Sabado ng umaga, muling bumisita si Ricardo sa Mental Help. Mula sa opisina ni Dr. Miron ay tanaw niya sa bintana ang nakaupong si Shelvin. Tulala, nag-iisa sa ilalim ng mayabong na puno.
"Pinalalabas ko na siya, Ricardo."
"Kailan siya gagaling, Doc?"
"Nagtataka naman ako sa'yo, Ric. Noong dalhin ko rito si Shelvin ang sabi mo, itulad ko siya kay Alfredo Lanora. Bakit tila nagbago ang plano mo?"
BINABASA MO ANG
The Face Behind (PUBLISHED)
ActionPreview Chapters available [#action-mystery-romance] Ang tingin ni Pearl kay Shelvin ay isang Prince Charming na lumabas mula sa pahina ng fairy tale books. At siya ang princess? Ang huling naisip niyang iyon ay tila malamig na tubig na nagpagising...