commercial break! commercial break! commercial break! commercial break!
----------
Kung inaakala ninyo na ang mga manlilikha at manunulat lamang ang napapagod, nagkakamali kayo. Ang mga karakter mula sa mga kwentong nilikha ay ganoon din.
Ayaw mong maniwala? Tara sa Backstage. Hindi ito literal na backstage, isa itong tambayan kung saan mahahanap ang mga nagre-relax na karakter...
Green, red, blue. Papalit-palit ang kulay ng ilaw sa maingay at mataong lugar na iyon.
"Itigil ang kaguluhan!" sigaw ng isang lalaking kapapasok lang sa tambayan. Mala-rambo ang dating nito.
Tugs, tugs, tugs. Patuloy pa rin ang dumadagundong na tugtog. Tila walang nakapuna sa bagong dating.
Asar! Kung hindi lang pinaiwan sa labas yung armalite ko winasak ko na 'yang loudspeaker na 'yan! Napasabunot ito sa sarili sa inis.
"Hijo, you look troubled," sabi ng medyo may-edad nang babae na naka-formal attire.
"Ginang," magalang niyang sabi bagaman medyo malakas ang tinig dahil kailangan niyang talunin ang ingay sa paligid. "Ako po si Marvin Aguilar," (From MADRE PATRIA by @ArjhayTabios) "at nandito po ako para magpahinga. Bakit ho ba naging disco itong Backstage? Masyado na hong maraming ingay sa mundo ko--puro giyera at gulo. Narito ako upang magkaroon ng kahit sandaling kapayapaan."
"It's sad to hear that, Marvin. By the way, I'm Dra. Elizabeth Miller, mental health expert. Here's my calling card. Maybe you can visit my clinic. I'm happy to help you find some peace."
"Isa ho pala kayong manggagamot. Eh, ano hong ginagawa nyo rito?"
"I'm here to accompany my niece, Laurie Adams. Do you know her? I lost sight of her. Now I don't have an idea where she goes." (From A MILLION MIRACLES by @ardentHearts formerly @therestlessheart)
"Sino po siya? Kapatid po ba siya ng ka-mista kong si Mat Adam?" (From SEAL OF LIGHT by @Aftermat). "'Yang pare kong iyan, ang daming tinatago."
"Mawalang-galang na, parekoy."
Hinagod ng tingin ni Marvin ang lalaking sumabad. May nakasukbit na backpack ito, pero hindi naman kamukha ni Dora kundi ni Robi Domingo.
"Narinig kong pinag-uusapan nyo si Master Mat. Nakita nyo po ba siya?"
"Hindi tamang asal ang sumasabad sa usapan ng nakatatanda sa iyo," sagot ni Marvin. "Sino ka ba at saang mundo ka galing? At hindi namin pinag-uusapan si Mat kundi nabanggit lang."
"Ay, pasensya na po sa inyo. Ako po pala si Icarus mula sa mundong nilikha ng manlilikha ni Master Mat Adam." (From ANG NATATANGI KONG PAG-IBIG by @Aftermat)
"Icarus? Ako si Marvin at siya naman si Dra. Elizabeth." Nagpalitan ng ngiti ang mga pinakilala.
"Kararating ko lang din dito, e. Siguro lumibot na lang tayo para mahanap si Mat," dugtong ni Marvin.
"Dra. Miller," tawag ng isang may edad nang lalaki.
"Dr. Miron? What a small world."
"Nakiki-Backstage ka rin pala, Doktora?"
"I'm here with my niece. And you?"
"May hinahanap akong kliyente--I mean, pasyente. Si Shelvin Villagracia." (From THE FACE BEHIND by Me)
"Mabuti pa, sama-sama na natin silang hanapin. Arekup!" Napangiwi si Icarus dahil sa tinanggap na kutos mula kay Marvin.
"Wala ka talagang galang, Icarus ka. Sabadero ka."
BINABASA MO ANG
The Face Behind (PUBLISHED)
AksiPreview Chapters available [#action-mystery-romance] Ang tingin ni Pearl kay Shelvin ay isang Prince Charming na lumabas mula sa pahina ng fairy tale books. At siya ang princess? Ang huling naisip niyang iyon ay tila malamig na tubig na nagpagising...