Commercial Break! Commercial Break! Commercial Break! Commercial Break!
Silipin natin ang ginagawa ng ilang mga karakter sa mundo ng Watty na tumatambay sa BACKSTAGE.
Si Pearl Lanora ay nakaupo sa isang tabi at tulala sa kawalan, may benda sa ulo, habang iniisip kung si Shelvin Villagracia nga ba ang nagligtas sa kaniya sa aksidente o guni-guni lamang niya iyon tulad ng iginigiit ni Diomano dela Fuente. (THE FACE BEHIND - up next) by me ^^
Sa di kalayuan ay nakatambay si Marvin Aguilar habang nire-review ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal, at pilit dini-decode ang mensahe para sa wastong solusyon sa corruption at war. (MADRE PATRIA - Novel Series) by ArjhayTabios
Si Violet Cambridge ang tanging nakaupo sa harap ng dresser at walang sawang tinitingnan ang kagandahan habang hinihintay ang susunod na adventure sa buhay nila ni Steven. (NO ORDINARY GIRL) by WhyNotMoose21 formerly BitterSweetEx
Sa isang portable mini-table ay masayang nagsi-share ng cappucino shake sina Ethan Rodriguez at Alexander McKnight. Nagre-relax sila bilang paghahanda sa susunod na stage ng Initiation. (THE ARCANE JOURNALS) by ryuujiryuu
Sa tapat ng ref, tila napagkit na si Pink dela Vega. Hindi iyon nalingid sa pansin ni Patrick kaya inusisa niya ito at napag-alamang Yakult-loaded ang ref na iyon. Umeksena naman si Russ at paulit-ulit na tinatanong ang dalawa kung kailan ba magigising ang ate ni Pink na si Violet, at kung posible bang sila ang makakatalo sa PinRick. (THE BEGINNING) by PortalMentis
Namatay ang ilaw. Hiyawan ang mga characters na tumatambay sa backstage dahil kumanta ng creepyTwinkle, Twinkle, Little Star ang tulog na si Abigail Louise Villaverde habang nakikisalo naman sa kaniyang panaginip si Chad Brian Daines. (COLLIDED DREAMS) by little_angel09
To the rescue si Mat Adam. Pansamantala niyang ipinahiram ang liwanag na taglay sa backstage generator habang standby pa siya kung may susunod pa siyang ililigtas mula sa Crescent Island. (SEAL OF LIGHT) by Aftermat
Nahuli naman ng dating si Illumina. Kasalanan iyon ng kaniyang pet unicorn dahil pinagpipilitan nitong pumasok ng backstage kahit hindi ito magkasya. Sa bandang huli, iniwan niya nalang ito sa stable sa set, habang nadirimlan pa rin ang isipan kung sino nga ba si Melissa. (MAGICAL ADVENTURES) by Hannychu
Palakad-lakad si Maria sa backstage. Bukod kasi sa wala nang matinong maupuan dahil sa dami ng nakatambay roon, iniisa-isa niya rin ang mga character at nagbabaka-sakaling mapatunayang hindi imagination si Marcus Hernandez a.ka. Pok. (MARIA GO ROUND) by Stranger-in-Paradise
Abala naman sa paglalako--este--sa pagsi-share ng blueberry pancakes at red roses si Laurie sa mga kasama sa backstage. Sumabit na rin si Yana at nakilibot para i-check ang mga script na hawak ng mga tambay roon at i-korek na rin ang lahat ng maling grammar at spelling. (A MILLION MIRACLES and TANGA KA BA? MAHAL KITA) by ardentHearts formerly therestlessheart
Hindi naman pahuhuli si Portia Clemente na noo'y nagpapa-foot spa pa. Gusto niya sanang magpaganda nang todo para ipagbunyi ang wedding proposal ng kaniyang long-time crush na si Doc Cedric. Pero naguguluhan pa rin siya dahil ang alam niya, hindi naman pag-ibig ang nag-udyok sa lalaki para yayain siyang magpakasal. (BACK TO YOU: A Medical Laboratory Scientist Novel) by Cambrielle
At dahil sa kabaliwan ng lahat ng mga character na tumatambay sa backstage, di maiwasan ni Jennica na buksan ang third eye niya at makita ang hinaharap ng bawat kasamahan. Shocks! tili ng kaniyang sub-conscious. This can't be happening. No, way! Science could explain this... Tumindig ang kaniyang balahibo dahil sa mga nakita niyang kapalaran ng mga ito. (LAGUSAN) by hilawnatuhod
. . . Kung ano man ang kapalarang iyon ay bisitahin niyo nalang ang kanilang authors.
Tapos na po ang PATALASTAS... maraming salamat po.
BINABASA MO ANG
The Face Behind (PUBLISHED)
ActionPreview Chapters available [#action-mystery-romance] Ang tingin ni Pearl kay Shelvin ay isang Prince Charming na lumabas mula sa pahina ng fairy tale books. At siya ang princess? Ang huling naisip niyang iyon ay tila malamig na tubig na nagpagising...