Chapter 2

1.1K 96 143
                                    

Miss Cutie? Parang may kuryenteng gumapang sa katawan ni Pearl nang sabihin iyon ni Shelvin Villagracia. Kilabot ba na matatawag iyon? Hindi niya alam. Pakiramdam niya may hatid na mahika ang paraan ng pagsasalita nito, sinamahan pa ng mga titig nitong hindi niya magawang salubungin.

Kalma, Pearl. Kalma lang, nasabi niya sa sarili. Hindi ito ang inaasahan niyang reaksyon sa unang pagkikita nila ng lalaking tatlong taon na rin niyang isinusumpa ang pangalan.

Bumaling siya kay Dr. Miron para humingi ng saklolo. Ano ba ang dapat niyang gawin? Lalapitan niya ba agad-agad si Shelvin? Harmless ba ang pasyente niya? Tila naintindihan naman ng doktor ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Natural naman, isa itong espesyalista. Hindi man nito mabasa ang eksaktong laman ng isip niya ay nababasa naman nito ang kaniyang kilos. Nang tumango si Dr. Miron ay saka siya lumapit sa pasyente.

Hindi inaasahan ni Pearl ang ginawa ni Shelvin. Hindi pa man niya halos naiaabot ang tray ay agad na nito iyong hinablot. Sa bigla niya ay agad siyang napaurong.

"Pearl," bulong sa kaniya ng doktor. "Rule number one: Never show any sign of fear to your patient."

Nasapo ni Pearl ang kumakabog niyang dibdib. Nag-aalangan siyang tumango sa sinabi ng doktor.

"Look at him," patuloy ni Dr. Miron.

Tiningnan ni Pearl ang tinutukoy ng doktor. Tahimik na itong kumakain, nakaupo sa kama, habang ang tray ng pagkain ay nakapatong sa rolling table na naroroon.

"He's tamed, trust me, I won't entrust this case if you can't really handle him. Alam kong hindi ka sanay sa trabahong ito at alam ko ring hindi ka mahihirapan sa kaniya. Pakibagayan mo lang si Shelvin," paliwanag ni Dr. Miron na ngumingisi-ngisi pa. "Trust me, and everything will be fine."

Muling sinulyapan ni Pearl ang kumakain pa ring si Shelvin. Kung titingnan, maayos naman ang kilos nito. In fact, pansin ang natural at pinong kilos nito base sa pagsubo ng pagkain.

This ghost, bulong niya. For three years, he was cursing him and his family. Pero ngayon, magiging tagapag-alaga pa siya nito. One moment, he made her shiver. In split seconds, he made her tremble. Can she really handle him? Will she get used to his presence, or will she hate him even more? Minsan nang umasa rito ang Kuya Fred niya noon. Sana, hindi isang malaking pagkakamali ang umasa siya rito ngayon. This man -- her insane, yet prince-like patient Shelvin Villagracia -- might be her only chance... her one and last hope to start over her search for Alfredo.

***

Villagracia Mansion...

"Anong sabi mo? Of course, ako ang dapat na pumalit kay Shelvin... What! No way. Hindi ako makapapayag sa sinasabi mo!" Ibinagsak ni Ricardo ang telepono.

"What's up, darling?" agad na tanong ni Laura na kapapasok lang sa library ng mansyon.

"Curse that old man! I want to kill Don Villagracia again!"

"Take it easy, Ric. Si Attorney Sales ba ang kausap mo kanina? Anong sabi niya?"

"The company, you know--that cursed old man!" Sinipa ni Ricardo ang upuan.

"Sandali nga, calm down and explain it to me," naiirita nitong sabi.

"How can I be this fool, Laura? Wala akong kaalam-alam na may iba palang magmamay-ari ng kayamanan at ari-arian ng mga Villagracia."

"What? Akala ko ba ay okay na ang lahat?"

"Akala ko rin. Kusa nang nawala sa landas natin si Shelvin. Hindi mo na siya kailangan pang pakasalan dahil nawala na siya, yes, but this Diomano dela Fuente replaced him."

The Face Behind (PUBLISHED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon