Isa... Dalawa... Tatlo.... Go!
Tama ganyan nga, yuko lang at wag kang titingala... Malapit mo na silang malagpasan, Sheila. Kaunting-kaunti na lang.
Ayan na...
"Uh-ouch" narinig kong daing na.
Naramdaman ko rin naman ang pagbunggo ng bagpack ko sa braso niya. Balak ko sanang hindi pansinin kaso naalala ko na may matulis akong keychain.
Patay ka ngayon, Sheila.
Lumingon ako para tingnan kung nasugatan ko ba siya o ano. Pero mukhang wala namang dugo at malayo-layo sa baga kaya tumuloy na ulit ako sa paglalakad.
Pero narinig ko na naman siyang magsalita.
"Sandali, teka" sabi niya pero patuloy pa rin ako sa paglalakad.
Pero hindi ko na napigilang mapahinto nang tawagin na naman niya ako.
Hindi ko naman kasi suot ang I.D. ko.
"Sheila, wait!"
Lumingon ako, pero paglingon ko palapit na siya sa akin. Habang si Khritian naman ay huminto sa kinatatayuan niya, at para bang sinasadyang kung saan-saan itinutuon ang tingin. Kung saan-saan, maliban sa gawi namin ni John.
"Uh... Sorry... Nagma-nagmamadali kasi-"
Hindi ko matapos-tapos ng maayos yung idadahilan ko dahil biglang naglakad si John papunta sa akin. Hindi siya nagsasalita, pero tuloy-tuloy lang siya na parang walang taong mababangga. Ito naman ako at sige atras hanggang maramdaman ko na sa likod ko yung dulong pader ng hallway.
"Sandali-"
Halos isang ruler na lang ang pagitan namin nung bigla niyang hinubad yung vest niya. Matapos iyon ay dumukwang siya na para akong hahalikan.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Kung nanaginip ba ako dahil nakatulog na naman ako. O baka talagang nakatadhana na akong ma-rape sa hallway na ito.
Mas humigpit ang kapit ko sa bag ko, at napapikit. Umaasa na sunod kong mararamdaman ang labi niya sa labi ko. Este, umaasa na magising ako kung panaginip man ito.
Pero wala sa mga inaasahan ko ang ginawa niya.
Ang sunod kong naramdaman ay ang hininga nga siya tainga ko, habang sinasabing, "Sheila, may tagos ka."
Pagmulat ko ng mata, nakatagilid siya at nakatingin sa malayo habang inaabot sa akin ang vest niya.
Sobrang nakakahiya ang mga nangyari, ang mga inisip ko, lahat-lahat. Gustong sumabog ng loob ko sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko.
Hindi ko na muna inisip ang iisipin ni John, kung gaano ako kapangit nung nakapikit, kung ano-ano na dapat laman ng isip ko. Ang gusto ko na lang gawin ay makalayo.
Kinuha ko yung vest na inaabot niya at tumakbo pababa sa hagdan, habang itinatali ang vest niya sa beywang ko.
Mabilis akong naglakad pababa hanggang sa makalabas na ako ng Building A. Paglabas, huminga ako saglit saka tumakbo papunta sa CR.
Kainis na regla ito, gusto ring umawra kay John. Kaasar!!! Paniguradong pinag-uusapan at pinag-tatawanan na ako nung dalawa na iyon.
Nagpalit ako ng napkin, lumabas ng campus at sumakay ng tricycle pauwi. Pagdating sa bahay punong-puno ang isip ko ng mga bagay na maaaring iniisip ni John tungkol sa akin.
Maingat ko ring nilabhan ang vest niya. Medyo kinilig ako, dahil hinubad niya yung uniporme niya para lang matulungan ako. Wala naman sigurong masama kung iisipin kong pagtulong iyon hindi ba? Dapat nga, talagang kiligin ako dahil niligtas niya ako hindi ba?
Paano na lang kung lumabas ako nang hindi nalalaman iyon, at may iba pang nakakita? Edi mas nakakahiya!
Pero kasi, mas pipiliin ko nang napahiya sa harap ng daan-daang tao, kaysa sa harap ng taong gusto ko.
Bakit ba palagi na lang katawa-tawa ang sitwasyon ko sa tuwing magkakalapit kami?
Gayun pa man, isang sense na naman ang nagamit ko sa kanya.
Sense of smell.
Hindi ko lang kasi naramdaman yung hininga niya nung bumulong siya, naamoy ko rin ang leeg niya.
Ang bango ng gamit niyang pabango. Pero mas bumango iyon dahil sa pawis ni John na nahalo na rin sa amoy nun.
"KANINO 'yan?! Bakit may uniform ka ng lalaki?!"
Kalahating oras na lang bago ang una naming klase pero hindi pa rin ako makaalis ng dorm. Paano itong kasama ko sa kwarto, nakita yung unipormeng pinagkata-tago ko pa man din kagabi.
Gabing-gabi na nung nilabhan, pinatuyo at pinlantsa ko yung vest ni John, para lang hindi niya ako mahuli at akusahan nang kung ano-ano. Pero ito, nahuli niya pa rin ako.
"Wala, sa kaibigan ko 'yan!" sabi ko habang inaagaw sa kanya yung paper bag na pinaglalagyan nung vest.
"Kaibigan?! Wala ka namang kaibigan na lalaki ah? Umamin ka nga, may boyfriend ka na ano?!"
Hanggang makarating kami sa campus, ayaw niya pa rin ako tantanan.
"Sabihin mo na kasi sa'kin" pilit niya pa rin. "Wala ka bang tiwala sa'kin?"
Tinataboy ko lang yung braso niya na nililingkis sa braso ko.
Paulit-ulit ko nang sinasabi na wala akong boyfriend, pero pakiramdam niya ayaw ko lang sabihin sa kanya. Hindi niya raw ako titigilan hanggat hindi ko sinasabi kung kanino yung vest.
Nakahinga lang ako nung nakadaan na sa klase niya, pero binalaan niya pa rin ako na hindi niya ako patatahimikin.
Maayos na sana ang lahat, malapit na ako sa klasrum namin, kaso may nabunggo ako nung dalawang lalaki na nagtatakbuhan sa hallway. Dahilan para mabitawan ko yung paper bag.
"Ay sorry te-"
Nataranta ako nung malaglag iyon sa takot na may makakita sa vest. Pupulutin ko na sana yung paper bag kaso huli na ang lahat.
"Oh!!! May uniform siya ng lalaki?"
Nanlaki ang mata ko nung marinig ko yung isang kaklase ko na palabas ng kwarto namin.
"Bakit may vest ng chemical engineering si Sheila? May kapatid ba siya dun?"
"Ewan, baka may jowa siya dun."
Tuluyan na akong hindi makagalaw nung nagsimulang umagaw ng atensyon yung mga kaklase ko.
May mga engineering students kasi sa hallway, at may mga tambay pa.
Ano nang gagawin ko ngayon? Ano na, paano na ito? Baka ma-chismis ako sa campus. Paano pa pag nalaman nilang kay John ito?!
"Nasa third floor na si Sir F, paakyat dito!!!"
Nanlaki ang mata ko nung marinig ko iyon. Pero mas mabilis sa pag-iisip ko ang kilos ng mga estudyanteng nasa labas ng klase. Agad silang nagtakbuhan papasok sa kanya-kanya nilang klase.
"Ayos ka lang ba, Sheila?"
Nakarinig ako ng pamilyar na boses. Dumukwang siya sa harap ko para pulutin yung paper bag
Dahan-dahan kong tiningala ang mukha niya, para kumpirmahin kung tama ang hinala ko.
Isang tao lang naman kasi ang may ganoong boses, amoy... at mukha.
"J-John..."
BINABASA MO ANG
Flames to Remember
Teen FictionAng kwento ni John David at Sheila. At kung paano silang naglaro ng apoy.