Matapos ang araw na iyon, naging taong-grasa na ako.
Hindi na ako naligo. Hindi na ako naghugas ng kamay. Ang baho ko na. Para lang hindi na mawala sa balat ko yung pakiramdam na iyon...
Pero syempre eching ko lang iyon. Pero totoo rin na hindi ko makakalimutan yung kidlat-kulog na naramdaman ko nung dumampi yung balat niya sa balat ko.
Ilang buwan na rin ang lumilipas, pero sobrang apektado pa rin ako sa mumunting skinship at sparks na pinagsaluhan namin. Nababaliw na siguro ako.
Kailan ko kaya makukumpleto yung six senses? Isa na lang pala ang kulang at pwede na akong kunin ni Lord.
"Hi!"
Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa plant box nung biglang may bumati sa akin. Akala ko hindi si Lord ang kumuha sa akin, dahil may sungay yung dumating sa akin.
"Sheila, right?"
Si Kenny.
"Uh... Yeah, bakit?" tanong ko sa kanya nang tumayo.
Bilang babae na nagkakagusto kay John, sa kung paanong paraan ay unti-unti ko rin na nakilala ang babaeng gusto niya.
Sabi ng isa sa kaklase ko, kilala si Kenny na bully nung elementary sila. Kaklase niya si Kenny kaya marami siyang alam tungkol dito. May pagka-gangster daw si Kenny at madalas nasasali sa mga riot at awayan. Magaling siyang makipag-bugbugan.
Lumipat na siya nung huling taon sa elementary kaya hindi niya na alam kung ano ang nangyari.
Isa siya sa mga natatakot kay Kenny. Isa lang ang paalala niya sa akin kapag naka-enkwentro ko na ito... Mag-ingat.
Sa lahat ng bagay mag-ingat daw ako. Sa pakikipag-usap, sa pakikipag-tinginan pati sa ikikilos ng kamay ko. Dahil isang maling galaw ko lang daw, may hindi na magandang mangyayari.
"Ah... Ikaw pala 'yon. May gusto ka kay John?"
Hindi lang mata ang nanlaki sa akin nung nagulat ako. Sobrang casual nung pagkakatanong niya sa akin, habang nakahalukipkip ang mga braso. Nanlaki din tuloy pati butas ng ilong ko.
"So, may gusto ka nga sa kanya?" tanong niya pa ulit at dumiretso ng tayo.
"Ba-bakit-"
Hindi ko alam kung dapat ba tahimik lang ako, o dapat may sabihin. Pero kahit subukan kong magsalita, wala din namang lalabas dahil hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin.
"Tss. Sabihin mo lang kung may gusto ka sa kanya."
Pagkasabi nun, tumalikod na siya at naglakad palayo. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nung nasiguro ko na wala na siya.
"Ano 'yon?" natanong ko sa sarili ko.
Warning niya ba iyon? Tinatakot niya ba ako?
Hanggang makauwi ng bahay hindi nawawala sa isip ko yung pag-kausap sa akin ni Kenny. Hindi ko kasi alam kung paano iintindihin yung mga sinabi niya.
"How am I supposed to interpret that?" inis na inis na ako kaya nakakausap ko na ang sarili ko nang hindi namamalayan.
Ano ba kasing motibo niya sa pag-kausap niya sa akin? Isa lang kasi yung interpretasyon ko sa sinabi niya nung huli.
Nung sinabi niyang sabihin ko lang kung may gusto ako kay John. Para bang sinasabi niyang, subukan ko lang sabihin na may gusto ako kay John at patay ako sa kanya.
Nakatulog na lang ako sa isipin na iyon...
"Sheila!!!"
Mariin akong napapikit, at napahinga ng malalim. Hindi kasi ako sigurado kung sino yung tumatawag sa akin. Kung bakit ba kasi dito ako pumwesto sa plant box na ito!
"Hey" sabi niya at humawak sa balikat ko.
"Mae~" nasabi ko habang halos mawalan na ng hangin. "Thank you!!! Thank you!!!"
Laking pasasalamat ko nung siya pala yung dunating.
"Bakit nagpapasalamat ka na?" nagtatakang tanong niya.
"Wala, wala. 'Wag mo na lang akong pansinin."
Nasa garden ako dahil sa seatwork namin sa Philippine Literature. Sabi ni Sir M, pumwesto daw kami sa tahimik na lugar para makapagsulat ng may katuturang tula. Eh kaso nilapitan na naman ako ng maingay na creature. Pero mabuti nga at siya ang nakakita sa akin at hindi si Kenny.
"Anong problema bukod sa pera?"
Tinawanan niya lang yung tanong ko at umupo sa tabi ko.
"Anong resulta?"
Ngayon ako naman ang nagtaka sa tanong niya, "Resulta ng ano?"
"Nung FLAMES!!!"
Para akong natauhan sa sinabi niya. Ngayon ko na lang naalala yung FLAMES. Tinuruan niya nga pala ako nun, dahil gusto niyang subukan ko iyon.
"Hala, nakalimutan ko! Opisyal na ba akong alien?" tanong ko sa kanya.
"Huwag kang mag-alala, may pagkakataon ka pa!" patol niya sa kabaliwan ko. "Kaya gawin mo na, go!"
At dahil nararamdaman kong hindi niya ako patatahimikin, sinunod ko na lang siya kahit pa nasa kalagitnaan ako nang pagsusulat ng tula ko. Sinimulan ko sa pagsusulat ng mga pangalan namin.
SHEILA CAMO
JOHN DAVID VICENTE
"Ano nga ulit gagawin-?" tanong ko sana kay Mae, pero paglingon ko sa tabi ko, wala na siya. (Shems, naging alien na siya)
Bibilangin ko lang naman yung mga letters na mayroon kami pareho, hindi ba?
Una H. May isang H, ako. Siya rin, may isa.
Tapos E. Mayroon akong isa, habang dalawa yung kanya.
Tinuloy ko lang ang pagbibilog sa mga letra na mayroon kami pareho. Hanggang sa wala na akong mabilugan.
S(H)(E)(I)L(A) (C)(A)M(O)
J(O)(H)N D(A)V(I)D V(I)C(E)NT(E)
Bale, may labin-limang letra akong nabilugan. Kung bibilangin ko ang katumbas nun, sa salitang FLAMES, bale letter "A" ang makukuha ko?
Hala, tama yata yung hinala ko na naiinis na siya sa akin? Dahil ba inaasar siya ng mga kaibigan niya dahil sa akin?!
Bakit "A"!? Bakit "A" ang lumabas?! Kahit sana "F" lang, eh! Bakit "A"?!
"A? Bakit A nakuha mo, samantalang M nakuha ko?"
Nakayuko ako, dahil nga nagsusulat ako. Pero kahit pa nakayuko, nakatuwad o nakadapa pa ako, kilalang kilala ko pa rin kung sino yung nagsalita na 'yun.
Sense of hearing...
"A? Bakit A nakuha mo, samantalang M nakuha ko?"
Inangat ko ang ulo ko, para masiguro kung tama yung hula ko sa nagsalita na 'yon.
AT TAMA AKO! SI VI NGA!!!
Sense of sight...
"Huy, Sheila. Pano naging A?"
"Huy. Sheila!"
Sense of smell...
Naamoy ko na naman ang pabango niya, nang dumukwang siya para tingnan ang notebook ko.
Imbis na takpan ang notebook ko, para akong nayelo sa pagkakaupo ko.
"Ah kaya naman pala. JOHN DAVID VICENTE yung ginamit mo? Eh JOHN VICENTE lang kasi ginamit ko. Kaya nga M nakuha ko, oh" sabi niya habang pinapakita ang notebook niya sa akin. Kung saan, nakita kong naka-Flames yung pangalan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Flames to Remember
Teen FictionAng kwento ni John David at Sheila. At kung paano silang naglaro ng apoy.