S

27 1 1
                                    

"A? Bakit A nakuha mo, samantalang M nakuha ko?"

Nakayuko ako, dahil nga nagsusulat ako. Pero kahit pa nakayuko, nakatuwad o nakadapa pa ako, kilalang kilala ko pa rin kung sino yung nagsalita na 'yun.

Sense of hearing...

"A? Bakit A nakuha mo, samantalang M nakuha ko?"

Inangat ko ang ulo ko, para masiguro kung tama yung hula ko sa nagsalita na 'yon.

AT TAMA AKO! SI VI NGA!!!

Sense of sight...

"Huy, Sheila. Pano naging A?"

"Huy. Sheila!"

Sense of smell...

Naamoy ko na naman ang pabango niya, nang dumukwang siya para tingnan ang notebook ko.

Imbis na takpan ang notebook ko, para akong nayelo sa pagkakaupo ko.

"Ah kaya naman pala. JOHN DAVID VICENTE yung ginamit mo? Eh JOHN VICENTE lang kasi ginamit ko. Kaya nga M nakuha ko, oh" sabi niya habang pinapakita ang notebook niya sa akin. Kung saan, nakita kong naka-Flames yung pangalan naming dalawa.

Nung una, hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Kinailangang ko pa na ipukpok sa ulo ko yung notebook para masiguro na hindi ako nanaginip lang.

Sa sobrang gulat ko nang mapagtantong hindi ako nananaginip, napasigaw ako at napatakbo palayo.

Oo, iniwan ko si Vi. Umikot ako sa oval court nang apat na laps na walang pahi-pahinga, walang tubig-tubig. As in pawis-pawis lang.

Ilang araw din akong lutang dahil sa nangyari na iyon. Hindi ko alam kung totoo o namamalik-mata lang ako sa tuwing mararamdaman na palagi akong pinagtitinginan at pinag-uusapan sa corridor.

Hanggang sa nilapitan ako ni Kenny isang araw na nasa cafeteria ako.

Walang sabi-sabi siyang umupo sa harapan ko, habang napatigil naman sa ere yung manok na papasok na dapat sa bibig ko.

Kinabahan ako, dahil alam ko na may "something" sa pagitan nila ni Vi. Sigurado rin naman ako na alam niya na yung tungkol sa nangyari.

Ilang sandali rin ang lumipas na tinitingnan niya lang ako. Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya dahil pakiramdam ko kakainin niya ako ng buhay.

"Sinabihan kitang magsabi sa'kin 'di ba?" masungit niyang tanong.

Hindi ko alam kung bakit ko kailangan matakot sa kanya. Unang-una sa lahat, kahit na kaano-ano pa siya ni Vi, wala siyang kapangyarihan na kontrolin ang nararamdaman ko.

Anong magagawa niya eh gusto ko si Vi?! Isa pa, siya naman ang girlfriend! Ano pang laban ko?

"Pipi ka ba? Ba't 'di ka makapag-salita?" tanong niya ulit.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Unang-una sa lahat, hindi ako pipi" panimula ko. "Hindi ko rin alam kung bakit nangyari yung kahapon. Hindi ko alam kung bakit nakasulat sa notebook ng boyfriend mo yung pangalan ko. Hindi ko naman kasalanan 'yon 'di ba?"

Tuloy-tuloy na akong nagsalita sa takot na masingitan niya. Dahil oras na maputol niya ako sa pagsasalita, wala na akong paghuhugutan ng lakas ng loob na magsalita ulit.

"Hindi ko rin kasalanan kung may nararamdaman ako para sa kanya. Pero may isang bagay ako na masisigurado sa'yo" sabi ko. "Hindi ko siya aagawin sa'yo. Sayong-sayo na yung boyfriend mo!"

Wala naman akong kahit na ano na gustong mangyari sa amin ni Vi, ah?

"Engot ka ba?" tanong niya bigla. "Bakit mo naman aagawin sa akin yung kumag na 'yon? Isaksak mo pa sa baga mo yung pangit na 'yon."

Hindi ko mapigilang makunot ang noo dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

"Shunga ka?" naka-ngisi niyang tanong sa akin. "Sino namang nagsabi na boyfriend ko 'yon?!"

Bigla akong napaisip. Wala namang nagsabi sa akin nun. Alam ko lang talaga...

"Hi-hindi ka girlfriend ni Vicente?" tanong ko sa kanya.

"Sinong nagkakalat ng masagwang balita na 'yan, papatayin ko!"

"Pe-pero malapit ka sa kanya, kahit sa mga kaibigan niya, malapit ka na rin. Nung high school lagi kayong magkasama, hanggang ngayong college... Kasi magboyfriend kayo... Tsaka-"

"Sandali, sandali. Lilinawin ko lang ha, para 'di na mahaba exposure ko sa kwento na 'to. Hindi ako girlfriend ni Vicente o ng kahit na sino-"

"Eh bakit binantaan mo ako nun, matapos mong makita na kausap ko si Vi-"

Bigla siyang ngumisi-ngisi nung marinig yung tanong ko. Hindi ko pa rin siya naiintindihan.

"Ang tanga mo girl. Naiinip lang ako sa inyong dalawa, kaya sabi ko sa'yo sabihin mo sa'kin kung may gusto ka sa kanya para magawan na ng paraan, hindi para ka bantaan. Anong mga jejemon na istorya sa wattpad ba kasi ang binabasa mo? Dapat mga gawa ni CheckYesImJuliet ang binabasa mo."

Hindi ko pa rin maintindihan. Bale-

"Bale ganito 'yan, sisimplehan ko na tutal ang simple mo rin mag-isip. May gusto sa'yo yung tanga, tapos ikaw tanga ka rin na may gusto sa kanya. Now, bakit siya tanga? Kasi umamin siya sa'yo sa paraan na hindi mo naintindihan. Bakit ka tanga? Kasi hindi mo naintindihan na umamin na sa'yo yung taong gusto mo at dahil inisip mo na papatulan ko yung ulupong na 'yon!"

Naiintindihan ko naman. Pero bakit ang bagal kumilos ng sistema ko? Nakain na rin ba?

"Ngayon, kung ako sa'yo, gantihan mo yung tanga. Just make sure na maiintindihan niyang aamin ka dahil ilang araw nang hindi mapakali 'yon kakaisip sa pangba-busted mo kuno sa kanya."

Umalis na siya pagkasabi nun. Hindi ko alam kung anong nakain ng sistem ko, at bigla na lang kumilos ang mga paa ko na parang may mga sariling buhay.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na tumatakbo papunta sa klasrum nila Vi.

Kung anu-ano ang tumatakbo sa isip ko habang tumatakbo rin ako. Kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Kung paano ko ipapaliwanag na gusto ko rin siya. Na matagal ko na siyang mahal. Na malapit ko na makumpleto yung senses sa pagkilala sa kanya.

Sa sobrang dami ng iniisip ko, napapikit at napasigaw na lang ako nung nasa pintuan na ako ng kwarto nila.

"OO NA, VICENTE! GUSTO KITA! KAYA LIGAWAN MO NA'KO PARA MAGING TAYO NA..."

Ang gandang eksena na sana nung mala-wattpad na pag-amin ko sa kanya...

Kaso...

"CAMO! ANONG KABALIWAN 'TO?!"

Flames to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon