Ang gandang eksena na sana nung mala-wattpad na pag-amin ko sa kanya. Kaso...
"CAMO! ANONG KABALIWAN 'TO?!"
"SIR?"
Kaso may prof pala sila. Dahil dun, kung anu-ano pa ang nangyari bago kami makapag-solo ni Vi, at makapag-usap ng matino.
Pero sa huli, naging kami pa rin naman.
Luko-luko na iyon matagal na palang may gusto sa akin. Shems, ang gandang alien ko naman. Haba ng hair, abot hanggang sa kabilang galaxy. Kaya pala siya tinutukso ng mga kaklase niya, ay hindi dahil alam na nilang may gusto ako kay Vi. Nagtatawanan pala sila dahil may gusto sa akin si Vi.
Sabi ni Vi, inaasar daw siya ng mga kaibigan niya dahil torpe siya. Hindi daw kasi niya magawa sa akin yung mga nagagawa niya sa ibang babae. Hindi niya magawang makipagkaibigan, buti na lang daw at kaibigan niya si Mae.
Pero luka-luka din naman ako, kaya bagay kaming dalawa. Kaibigan pala niya talaga si Kenny, na nag-iisang babae sa grupo nila. Ang tanga ko nga, para pagkamalan pa siya. Nagselos lang ako para sa wala
Pero ang mahalaga, salamat sa tulong ni Mae at pangpo-provoke ni Kenny, may katabi akong pogi ngayon.
"Bale-" hindi natapos ni Vi ang sasabihan nang saglit ko siyang dampian sa labi.
"Ayan, kumpleto na yung anim na senses" sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman siya, saka nagsabing "Pero teka, eh limang senses pa lang yung sinasabi mo sa akin, eh. Akala ko ba, anim?"
"Anim nga" nakangiti ko ring sabi sa kanya. "Pang-anim yung ngayon, sense of taste."
Maloko ko siyang tiningnan.
"Eh lima lang 'yon, eh. Sight, smell, hearing, touch, tapos taste. Eh di, ano yung pang anim?"
"I love you" sabi ko sa kanya, sa unang pagkakataon."Iyon yung pinaka-una."
Ngumiti siya nang makuha ang ibig kong sabihin.
"I love you too," sagot niya.
Sa totoo lang, hindi naman ito ang katapusan. The Flames has just begun. The sixth sense was the beginning... The sense of feeling.
The sense of loving.
T H E E N D
BINABASA MO ANG
Flames to Remember
Teen FictionAng kwento ni John David at Sheila. At kung paano silang naglaro ng apoy.