FLAMES.
Friends? Lovers? Annoyance? Married? Enemies? Sweethearts?
Larong hindi nawawala sa likod ng notebook ng bawat kabataang naranasang lumandi. Este, naranasang umibig. O kahit 'yung naranasan lang na humanga sa isang tao.
Halos maubos yata ang pahina ng Jolina Magdangal notebook ng mga kabataan noon, kaka-Flames nila.
At anong napapala nila sa paglalaro nito? Wala.
Maliban sa hindi-siguradong pag-asa nila sa taong gusto nila, wala na silang napapala.
Pero ano nga namang masama kung susubukan mo. Hindi naman ito ikawawala ng virginity mo.
Aasa ka, pero nasa sa iyo na naman iyon. Pwede ring 'wag ka na lang mag-laro sa umpisa pa lang para tapos ang usapan.
Pero ano nga bang kailangan sa laro na ito?
Una, kailangan may papel ka bago gawin ang laro na ito. Alangan naman kasi kung sa dahon ng saging ka magsusulat o kaya naman sa palad mo. Huwag rin sa uniporme ng kaklase, dahil baka hindi ka na makauwi. Samahan mo na rin sana ng ballpen, para professional. Pakisigurado na may tinta, para hindi ka magmumukhang shunga.
Pangalawa, dapat marunong ka magsulat. Dahil hindi kusang magtatrabaho ang papel at ballpen para sa ikauunlad ng pagsintang pururot mo. Wala ka sa Hogwarts. Walang mahika sa tunay na mundo.
Pangatlo, dapat marunong ka rin magbilang. Dahil matanda ka na, nakakahiya naman nakaabot ka sa edad na nagbabasa ka ng love stories sa wattpad, pero hindi ka marunong magbilang. Isa pa, kakailanganin mong magbilang para makuha ang resulta ng larong ito.
At ang pinaka-mahalaga sa lahat, dapat alam mo ang buong pangalan nung taong kukulamin mo. Este, nung taong nagugustuhan mo. Dagdag mo na rin ang pangalan mo. Kasi kung hindi mo pa alam pangalan mo, ay naku ipagpe-pray na lang kita ha?
So, paano ba gawin ang laro na ito?
Una, isulat mo ang pangalan mo at nung taong gusto mo. Kapag naisulat mo na ang mga iyon, bilugan mo ang mga letra na mayroon ang pangalan mo, na mayroon din ang pangalan niya.
Kunwari: Maria Theresa at Juan Antonio
Bibilugan mo ang mga letrang: A, I, T
Pangalawa, bibilangin mo lahat ng letrang nabilugan mo.
M(A)r(I)(A) (T)heres(A)
Ju(A)n (A)n(T)on(I)o
Sa kabuuan, may siyam na letrang nabilugan sa pangalan nilang dalawa.
Pangatlo, matapos mabilang ang mga nabilugang letra, ay hahanapin ang katapat ng bilang na iyon sa salitang "Flames". Ang pagbibilang, ay mula sa kaliwa, pa-kanan, kaliwa, pa-kanan. Hanggang sa matapos ang pagbibilang mo.
Kunwari: Siyam
F, L, A, M, E, S, F, L, A.
Ibig sabihin, Annoyance sila para sa isat-isa. Kaiinisan ni Maria Theresa si Juan Antonio, at vice versa.
At para makumpirma ang resultang ito, papasok ang pagasa na dadaanin sa kamukhang proseso na ginawa kanina. Hahanapin lang din ang katapat ng resultang nakuha, sa salitang HOPE. (Hindi. Oo. Pwede. Ewan.)
Kunwari: Siyam
H, O, P, E, H, O, P, E, H.
Ibig sabihin, HINDI magiging ANNOYANCE sina Maria Theresa at Juan Antonio sa isa't isa.
Ganun lang kadali ang larong ito. Kaya ngayon, mabuti pang simulan na natin ito.
***
Parang professor itong si Mae, habang nagtuturo sa akin. Pero hindi siya professor. Hindi rin naman ako. Estudyante lang kami pareho, na nasa unang taon ng kolehiyo.
Tourism students kami, at magka-klase sa ilang mga subject. Pero walang relasyon sa pinag-aaralan namin yung larong itinuro niya, FLAMES.
Sa totoo lang talaga, hindi ko alam ang larong ito. Ang sabi naman ni Mae, alien lang daw ang hindi nakakaalam ng laro na ito. (Sabi ko na nga talaga, alien ako eh)
At dahil ayaw kong maging alien nang tuluyan, nagpaturo ako sa kanya kung paano nilalaro iyon. Halos daigin niya pa nga sa pagtuturo ang professor namin, na abala sa pagpapahilot sa kaklase naming may talentadong mga kamay.
Ganito lang kami lagi tuwing subject niya. Wala kaming natututunan. Pumapasok lang naman siya sa klase namin para magpahilot, magpamasahe ng ulo, at magpasuklay. Kulang na lang, gawin niyang parlor at spa itong klasrum.
Para kaming mga hayskul na nagma-MAPEH, sa oras niya. Nadedevelop ang mga skills namin sa pagdo-drawing, pagp-painting, sa chatting, in singing and dancing, even in sleeping, at yung mga bakla... Ayun, bumubuking.
Wala siyang pakialam sa mga ginagawa namin, dahil hindi rin namin siya pinakikialaman sa ginagawa niya. Sapat na ang uno na grado, kahit hindi natututo.
Gayun pa man, paborito ko ang oras niya. Dahil sa oras niya, nakakapag-daydream ako. Libre akong makapagisip at managinip.
"Dali na, Sheila. Subukan mo na 'yan, ah" sabi ni Mae sa akin, bago tahimik na lumabas ng kwarto para mag-cutting.
Oo, Sheila ang pangalan ko. Tao ako na ayaw maging alien. May mata, may tainga at ilong na maganda. May maliliit na ngipin, masarap kumain. May katawan at isip din. Pero wala na akong puso. Ibinigay ko na iyon sa isang taong nagpapatibok nun. (Shems, ang daming alam. Alien!!!)
Si John David Vicente. Kilala bilang John o kaya Vicente. Sikat siya at yung barkadahan nilang Braders. Hindi naman mawawalan ng ganun sa mga iskwelahan hindi ba? May Chicser at Give me 5 pa nga, eh.
Katulad sa ibang campus, ganun din ang Braders nung hayskul kami.
Iyon bang grupo ng mga lalaki na puro may mga itsura, laging magkakasama kaya palaging pinagtitinginan ng mga babae dahil nga lahat sila kumikinang... Pero si John ang pinaka-makinang syempre. (Wiwit!)Pero hindi katulad nung mga kaklase namin, hindi ako ganun ka-pamilyar sa Braders. Sila-sila kasi ay magkakasama na nung Elementary pa lang, samantalang galing ako sa probinsya.
Si John, nagustuhan ko lang siya nung unang beses na marinig ko siyang mag-gitara nung minsang nadaan ako sa klasrum nila nung nasa ikalawang taon na kami ng hayskul.
Nung oras na iyon, narinig ko muna siya, bago ko malaman na siya iyon.
Sense of hearing...
Hapon na nun, at nagsiuwian na ang karamihan sa mga estudyante. Pero naroon pa siya kasama si Khritian, na naggigitara din yata noon.
May upuan sa labas ng kwarto nila nun, na naka-harang sa pinto nila para hindi sumara.
Wala naman na masyadong tao noon, kaya umupo muna ako sa upuan doon para makinig sa pagtugtog at pagkanta nila ni Khritian.
Hindi ko namalayan nun na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nung pakiramdam ko may nakatingin sa akin...
Pag-mulat ng mata ko nakita ko siya.
"Hindi ka pa ba uuwi, Sheila?"
BINABASA MO ANG
Flames to Remember
Teen FictionAng kwento ni John David at Sheila. At kung paano silang naglaro ng apoy.