L

56 1 0
                                    

"Hindi ka pa ba uuwi, Sheila?"

Sense of sight.

Biglang kumabog ang dibdib ko nang pagka-lakas. Halos lumabas na yata ang puso ko sa unipormeng suot ko.

Napatingin ako sa paligid. Wala ng tao, bukod sa aming dalawa. Patay na ang mga ilaw sa klasrum at nakasara na lahat ng pinto, maliban sa pinto ng klasrum sa likod ko. Madilim na rin ang langit. At pagtingin ko sa relo ko, pasado ala-syete na pala. Halos dalawang oras na akong nakatulog.

"Nakiusap ako sa janitress na ako na lang ang magsasara nitong klasrum" sabi ni John na nakaluhod sa harapan ko, nakatingala sa akin at nakahawak ang isang kamay sa desk ng upuan ko.

"Ayos ka lang? May sakit ka ba?" tanong pa niya.

Ang bait niya talaga... Tinawag niya pa akong Sheila- Sandali, paano niya nalaman ang pangalan ko?!

"Tingin ko, kailangan na nating umalis kasi baka masarhan tayo ng gate..." sabi niya at tumayo na.

Para akong ewan na tumango lang, at pagkatapos ay tumayo. Hindi gumagalaw ang dila at mga kamay ko. Hindi ko alam kung paano aakto.

Pinanood ko lang siya na ipasok yung upuan sa klasrum at ikandado ang pinto.

"Tara?"

Tumango lang ulit ako, at sinundan na siya sa paglalakad.

Nung gabi na iyon, sinundan ko lang siya sa paglalakad hanggang sa napagtanto ko na nasa sakayan na kami ng tricycle.

Isinakay niya lang ako, tapos nagpaalam na siya. Apat na taon na ang nakalilipas, pero hanggang ngayon, misteryo sa akin kung paano niya nalaman ang pangalan ko.

Wala naman kaming kahit na anong koneksyon sa isa't isa. Hindi kami mag-kaklase, hindi kami magkaibigan, hindi kami mag-kapibitbahay. Wala kami, walang kami.

At wala ring nagbago sa amin, kahit matapos ang nangyari nung gabing iyon.

Ganoon pa rin ako, na tinitingnan lang siya mula sa malayo. Maririnig ko na lang siyang magsasalita tuwing dadaan sila ng mga kaibigan niya sa hallway.

Pero bilang babae na nagkakagusto sa kanya, sa kung paanong paraan ay unti-unti ko siyang kinilala.

Panganay siya sa dalawang magkapatid. Babae yung kapatid niya na nasa unang taon pa lang ng hayskul nung nasa ikatlong taon na kami. Nakita ko rin kung paano niya alagaan ang kapatid niyang babae. Kung paano niya ito ihatid-sundo, kung paano niya kausapin at paano niya alagaan. Hindi siya nahihiyang yakapin ang kapatid niya sa harap ng maraming tao. Akala ko pa nung una, girlfriend niya iyon. Ang sweet kasi nila kapag recess.

Talaga lang pala na gentleman siya. Buti na lang at hindi ako masyadong umasa nung una at huling beses na nagtagpo ang landas namin. Kasi mabait lang talaga siya sa kahit na sino.

Hanggang ngayon, na nasa kolehiyo na kami, ganun pa rin ang ugali niya.
Nung isang araw, nagkasabay kami sa bus. Umuulan nun, kaya punuan ang mga bus. Nung nakita niyang may paakyat na buntis, alerto siyang tumayo sa inuupuan niya at inalalayan ang babae papunta sa upuan niya.

Nung hayskul pa lang talaga, kilala na siya ng mga tao bilang magalang mapag-ubaya na lalaki.

Masyado siyang kilala sa iskwelahan, na wala akong kapag-a-pag-asa na malapitan man lang siya kahit para makipag-kaibigan. Masyado siyang maraming fans.

"Uy tingnan niyo si John, ang cute."

Naglalakad ako sa hallway nung marinig kong sinabi iyon ng isang babae sa likod ko.

Flames to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon