Chapter 22

15 1 0
                                    

Chapter 22













Jin's POV















Nag bell na para sa paboritong oras ng lahat, ang vacant. bago pa umalis si ma'am advicer e may pabiliin pa siya "Next week is your exam. be ready okay" sabi nya at iniwan kami. nag si-unatan naman kami dahil ang hirap din tumahimik 







tumayo naman na kami nun at yung iba nagsilabasan na, yung iba naman ay nilagay ang mga bag sa loob ng locker tsaka umalis. oo may locker sa loob ng kwarto







"Ice tara!" sabi ni Tristan na bitbit na ang bag niya. tumango naman ako at lumabas na kami ng classroom. sakto nman na lumabas galing katabing room si Sophia na may hawak na libro at nagbabasa ata. may highlighter din siyang dala e







lumapit kami sakanya at kinuha ko yung libro niya. Physics pala "kain muna. mamaya na kain ng libro" sabi ko sakanya kaya tumawa silang dalawa. ang cute napatawa ko siya





"wow dude ikaw nga ginagawa mong shake yung libro e" sabi ni Tristan kaya siniko ko siya "aray ah! tara na nga kumain na tayo at gutom na talaga ako" naunang mag lakad si Tristan samin nun. sabay kaming nagllakad ngayon ni Sophia








medyo nasasanay na nga rin ako sa mga tinginan ng mga nandito sa university pero ayos lang. di naman ako mamamatay sa tingin nila e. hawak ko yung libro ni Sophia habang pababa kami sa hagdan "exam na ah? pano si Joy?" tanong ko at  tinaas nya lang balikat nya

Airplane (Alcala Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon