Chapter 42

17 1 0
                                    

Chapter 42









Jin's POV













"Ice!!!! lagyan kitang gel! dali" sabi ni Tristan na lumapit sakin habang tinitignan yung sarili niya sa salamin. graduation na namin maya maya kaya lahat tong mga kaklase ko e akala mo JS prom namin. speaking of JS prom, di kami nagkaroon ng JS prom. kaya lahat nalungkot at binuhos pagpapa-ganda at pagpapa-pogi ngayong Graduation




"wag na sus. ikaw nalang" sabi ko at tumawa ng kaonti sabay patong ng paa ko sa upuan na nasa harap ko. sari saring amoy pa nga ng pabago naaamoy ko e. medyo masakit sa ilong bh3



"dali na Ice! Salutatorian tapos di magpapa-pogi? dali naaaa!" tumawa ako sakanya nun at umiling lang kaya di na niya ako kinulit. tumunog rin naman kasi yung cellphone niya kaya lumabas siya nun. maingay kasi dito sa classroom




bumuntong hininga ako at tinignan ang maliit na envelope na nasa desk ko. madaming araw ang dumaan pero nginingitian lang ako ni Sophia pag nagkikita kami sa corridor. yung ngiti niya na nagpapasakit ng puso ko "is Tristan there?" napatingin ako sa pinto ng classroom namin. napako lang yung tingin ko sakanya kahit nasa kabilang dako ako ng classroom



"he went outside earlier e. maybe he's with Danica" sabi ng isa naming kaklase at ngumiti siya sabay thankyou at sinara na din ang room. kahit wala na siya dun, nakatingin parin ako dun sa pintuan nun. ang saya na iisa lang yung naramdaman natin pero yun pa yung di mo sinasadyang kalimutan














--



Airplane (Alcala Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon