Epilogue (Jin's POV)

27 3 2
                                    

Epilogue (Jin's POV)











tinitigan ko yung cellphone ko na punong puno na ng text ni Joy. puro text niya ay aalis na sila ni Sophia. di ko ginalaw yung kamay ko. hinayaan ko lang na mag text siya. siguro nga hanggang dito nalang kami. 



kasi wala naman talagang kami. walang wala "Justin are you ready na ba?" sabi ni Ms Cha kaya ngumiti ako sakanya nun atsaka tumango. tinignan ko yung kwintas na binigay saakin ni Sophia. i'll miss your presence forever



"Justin stand by!" rinig kong sabi nung director kaya tumayo na ako ng ayos sa backstage at saka nilagay yung kwintas sa bulsa ng pantalon ko














--














"Justin Narvaez!! what a good song! so moving on from that special song of you na kakalabas lang ang album, mainit na topic kayo ni Ms Hannah Rivera and speaking of Ms Hannah Rivera, welcome to the show!" parang nawindang yung buong cells ko sa katawanan non nung lumabas siya mula sa backstage



sa totoo lang hindi naman kami naguusap nito. nagkikita lang minsan sa mga shows na pareho kaming guest o kung ano ano pa pero walang kami. hindi ko alam kung saan nang gagaling ang mga balitang lumalabas



nakita kong tumabi siya sakin nun na ngiting ngiti "So, ano na nga ba ang status ninyong dalawa?" tanong nitong host



"actually we aren't--" nagulat ako nung biglang hinawakan nitong Hannah yung kamay ko kaya napatigil ako sa sasabihin ko nun. kaya pala sinabi ni Ms Cha humanda ako



"to tell you the fact, Me and Justin are really dating" nanlaki yung mata ko sa sinabi niya kaya napatingin ako sakanya nun. ngumiti lang siya sakin. ano bang trip ng babaeng to? eh ngayon nga lang kami nag usap nito




"so sweet of you two naman nako! sabi na nga ba at may something talaga sainyo sa likod ng camera eh" narinig ko ang iba't ibang hiyawan ng audience nun



"bakit mo sinabi yun" mahina kong tanong sakanya na kami lang ang makakarinig. lumapit naman siya sakin. yung sobrang lapit na ang pagitan ng labi namin eh 1 inch nalang



"gusto mo pa lalong sumikat? then do this" sabi niya at ngumiti sabay tingin ulit sa host. napa-kunot lang ako noo sa mga pinagsasabi niya. iba talaga sa showbiz



"nako nilalanggam na ang studio sa ka-sweet-an niyong dalawa" sabi ng host kaya tumawa nun si Hannah at ako naka-poker face lang. bakit di ako maka-arte ngayon. sumasakit yung puso ko




"JUSTIN ICE NARVAEZ!!!! TELL THEM NA AKO ANG MAHAL MO! Justin naaalala na kita...." napatingin kaming lahat nun at napatingin sa way ng exit. yung puso ko sobrang bilis ng pagtibok. nakita ko siyang nakatayo dun at may tumulong luha sa pisngi niya kaya bigla akong napatakbo ako sakanya nun



bumagal yung takbo ko nung nasa harapan na niya ako. umiiyak lang siya nun "diba dati sinabi ko na wag kang iiyak" sabi ko pero mas lalo lang siyang umiyak nun kaya hinila ko siya at niyakap ko siya ng mahigpit "wag mong intindihin yung mga tao sa paligid. isip mo tayong dalawa lang" bulong ko sakanya



naramdaman ko yung pag yakap niya pabalik saakin nun at yung luha niya sa dibdib ko. siguro naririnig niya rin yung sigaw ng puso ko ngayon na mahal ko siya. na siya parin ang mahal ko. na siya lang naman talaga "Justin... i-i'm so stupid to f-forget you... i'm--" 




nilagay ko yung index finger ko sa labi niya napatigil siyang magsalita nun "sshh.. everything's alright now. ang mahalaga pinaalala ng puso mo ako sayo. Sophia... i waited for 11 years... i can wait forever kasi ikaw lang mahal ko" sabi ko sakanya nun at nakita ko yung maganda niyang ngiti na ako ang dahilan kaya napangiti din ako



"ngayon po nasaksihan ng buong Pilipinas ang hindi scirpted na love story!" narinig naming sabi ng host kaya natawa kami nun at napatingin ako kay Hannah na nag walk out sa studio kaya nalipat ang tingin ko  kay Ms Cha na nag thumbs up



"nakakainis kayong dalawa! kayo rin naman pala e!" sabi ni Joy na nasa likuran na at dala yung mga maleta nila habang naiyak kaya natawa ulit kami sakanya "jusko pinahirapan niyo pa ako!"



tumingin sakin si Sophia kaya napatingin din ako sakanya saka ako ngumiti "We missed our flight" sabi niya sabay pout niya. ikakasal nga pala si Mr Alcala. pinisil ko naman ang pisngi niya atsaka hinalikan siya sa noo



"I won't let the airplane take you away from me anymore" nakita ko na nagsalubong yung kilay niya kaya tumawa ako ng kaonti nun "Airplane will take the both of us now"





--------- END -------

Airplane (Alcala Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon