Chapter 35
Jin's POV
"Tristan giniginaw ako" sabi ko kay Tristan at niyakap naman niya ako bigla. ewan ang cliny ng lalaking to!
"ganun talaga Ice December na kaya di na nakakapagtaka" sabi niya at umayos na ulit ng upo. Oo december na. December 3 to be exact. malapit na christmas vacation! kasi naman bitin yung sembreak namin. 1 week lang yun men
"Class dismissed" sabi nung Student teacher namin kaya nagsitayuan na kami para sa lunch break namin. pagkalabas namin nun eh diretso kami sa kabilang section para puntahan si Sophia at sakto namang lumabas si Sophia nun
"do you know it already?" bungad niya samin kaya nagtaka naman kami "our school will be having a field trip! i think it's in EK?" sabi niya. whoa puro kami trip ngayon
"ah! Ice kahit magkano pa yang fieldtrip ililibre kita! christmas gift! oh ano ka ngayon Phia? ako may gift na kay Ice" pang-aasar ni Tristan kay Sophia kaya inirapan niya yun. tinap ko na yung likod ni Tristan, as a thankyou.
"di ko naman kailangan ng regalo. regalo na kayo sakin. ang bait niyo kasi" sabi ko tapos biglang nag fake sob si Tristan