Chapter 25
Jin's POV
Nagkaklase na kami ngayon at mamaya ilalagay na yung grades at rankings sa bulletein board. medyo puyat ako dahil dun sa carnival kagabi. meron pa ngang mamayang gabi e. basta two weeks kasi yun. nag sasagot lang ako sa quiz ngayon at medyo nahihilo ako. giniginaw din ako.
umub-ob lang ako sa desk ko nung natapos kong sagutan yung 25 question quiz. medyo masama pakiramdam ko ah. alam niyong giniginaw ako pero pinagpapawisan. ganun. pag pinipikit ko rin yung mata ko ang init. ay ewan ko ba. yung paghinga ko din ang init "okay exchange paper" sabi ng teacher kaya umayos na ako ng upo at nakipag palit ng papel sa nasa likuran ko
natapos rin kami mag check nun at binuksan na ng teacher ang maiwaga niyang check list para itanong ang scores namin. nag balikan na ng papel nun "Jin ayos ka lang? are you sick?" tanong sakin ng katabi ko pero ngumiti lang ako at umiling. tumango naman siya nun
"Naquin"
"23"
"Narimatzu"
"21"
"Narvaez" tumingin yung teacher sakin