Chapter 40

18 1 0
                                    

Chapter 40













Jin's POV 














nakarating din kami agad sa hospital nun at nung nasa labas na kami ng kwarto kung nasaan si Sophia nakita ko din si Ivan na tumatakbong lumapit "gising na daw siya? buti sumakto ako" sabi nun na hinihingal pa. kaka-uwi niya lang ata





pumasok na kami nun at nandun ang Doctor at mga nurse na chine-check pa ata si Sophia. yung puso ko sobrang saya. makitang nakadilat na siya "Phia!" lumapit naman agad si Joy kay Sophia nun nung makaupo ito at niyakap ng mahigpit. hinawakan naman ni Tristan sa kamay si Sophia nun. nanatili lang kami ni Ivan dito dahil syempre moment nilang magka-kaibigan yun




"buti naman okay ka na. we were really sad nung nangyari sayo to lalo na si Ice" pagkasabi nun ni Tristan napatingin siya sakin. parang may iba sa mata niya. alam niyo yung tingin na... parang di niya ako kilala? yung ganun



"Ice?" pag-uulit niya at nakatitig parin sakin. yung puso ko, parang bumabagal yung tibok. ayokong mag-isip ng kung ano. positive lang dapat



"si Jin! don't you remember him?" natatawang sabi lang ni Joy at hinawakan niya yung kamay ni Sophia. tumingin sakanya si Sophia at umiling habang naka-awkward smile




"I don't remember him" parang nabingin ako nun nung sinabi niya yun. yung parang may bumagsak na mabigat na bagay sakin tapos yung nararamdaman ang bigat na masakit. pero di ko nagawang mag-react. naramdaman ko yung paglagay ni Ivan ng kamay niya sa balikat ko




"Phia, wag ka nga mag biro ng ganyan" sabi naman ni Tristan nun "you know! Justin!" sabi niya pa pero umiling lang ulit nun si Sophia



"i know you all, but... i don't know him" sabi niya ulit nun na parang mas lalong nagpabigat ng pakiramdam ko at napakagat nalang ako sa ibabang labi ko para pigilan ang dapat pigilan na tumulo sa mata ko

Airplane (Alcala Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon