o5: Separate Lives.

1.8K 27 1
                                        

A/N: Let's try another loveteam! Hahaha. BillyAnne. Di ko maimagine! Hahaha. Peace sa mga VhongAnne!! XD

Karylle's POV: 

It's been a month since I leave Vice. Wala lahat. Wala akong balita sakanya. Kina Mama, wala din. Ayoko din muna mag-isip ng ikakastress ko. Sya nga pala, lagi na sila Vhong dito. Dito na ang hang ups nila. Kesa naman daw sa clubs. Hanga nga ako sakanila kasi iba sila. Para bang kami ni Anne. Mas close na din kaming lahat. Parang nagkakaintindihan na din sila Anne at Billy. Si Ryan naman, nililigawan na si Coleen. Si Vhong naman, di ko alam. Sya ang clown sa barkada namin. Yes, I'm one of them. Sila kasi yung sinasabing, maiingay nga, totoo naman. Si Vhong ang nagsilbing Mr. WaVey ng group namin. Kasi, mapahavey o waley ang joke nya, matatawa ka pa rin. Sya din ang Mr. Papable samin. Kasi laging may kwento si Anne na marami daw umaaligid kay Vhong. Bukod kasi sa gwapo na, magaling pa sumayaw. Kumakain kami sa balcony ng bahay. Nagtatawanan at nag-aasaran. 

"May gusto pa ba kayo guys?" Tanong ko sakanila.

"Karylle! Girl, kumain na tayo. Okay na." Ngumiti si Anne. Hinila nya ako paupo.

"Guys, guys! Magpick up lines tayo sa mga girls habang kumakain?" Suggest ni Billy.

Ganito ang pwesto namin.

Vhong--Ako--Anne--Billy--Coleen--Ryan

"Game!" Sigaw ni Anne.

"Oh ako muna." Tumingin naman si Billy kay Anne.

"Anne, sa lahat ng babae, ikaw ang kakaiba." 

"Ha? Bakit?" Sagot ni Anne kay Billy.

"Kasi ikaw lang ang nagustuhan ko e." Yieeeeeee. Sumunod naman si Ryan.

"Koya Billy, korni naman yung pick up line mo. Ako eto. Coleen, pagod ka na ba?" 

"Luma na yan Ryan e! Wala. Wag na yan! Hahaha." Biro naman ni Vhong.

"Teka lang! Pakinggan muna nyo. Coleen sagot?" Sabi naman ni Ryan. Kanina pa ako tawa ng tawa! Hahaha.

"Oh, bakit Ryan?" Tumatawa na din si Coleen. 

"Kasi kanina sa isip ko lang ikaw tumatakbo, ngayon sa puso ko na!" Sabi ni Ryan. Kinilig naman si Coleen. Inferness, iniba nya. Dapat sa isip lang tumatakbo yun e. Sinama nya yung puso. Hahaha.

"Wooooooooh!! Graduate na din si Ryan sa Torpe University!! Wala na sya sa Samahan ng mga Torpe!! Hahahah!!" Asar ni Vhong. Sasakit ata tyan ko sa kakatawa! 

"Eh, ikaw kuys Vhong? Kelan ka sasabitan ng medal jan sa pagiging torpe mo? Hahaha!!" Si Billy naman ang nag-asar kay Vhong. Napahawak ako sa pisngi ko. Ang sakit na! Hahaha.

"Koya Vhong, Ikaw naman!!" Gatong ni Ryan.

"Oo nga Vhong!! Wooooh! Ayan si K oh!" Nabilaukan naman ako sa sinabi ni Anne. 

Tinulak nila si Vhong na para bang pinapalakas ang loob. 

"Uhh, K?" Ang cute! Kumakamot sa ulo nya. Hahaha.

"Yes Vhong?" I look directly to his eyes. Yung mata naman nya, di ko mahuli. Hahaha. 

"Sana.. Sana.. Sana naging painter nalang pala ako." Uyy, bago ha.

"Hm, bakit?" 

"Para naidrawing ko yung future natin." Eeeeeeee. Hihihi.

"Woooooooh!! Cheers tayo! Graduate na din si Kuys Vhong! Sya ang Magna Cum Laude ng Torpe University! Hahahaha." Ang ingay namin. Hahahaha. Ngayon nalang ako tumawa ulit ng ganito. The last time na tumawa ako, di ko na maalala. Pagkatapos namin kumain, nagvolunteer ako para maghugas ng plato. Pero..

"Guys! Ako rin. Tulungan ko na si K." Vhong insisted. 

"Owkay." Para may kasama ako at di rin ako mabored. Pumunta na kami sa kusina. Tahimik lang kami habang ang iingay nila Anne sa labas. 

"Vhong."

"Karylle."

"Sige ikaw muna." Sabay kami. 

"Ako na nga muna, pwede bang pakikuha yung dishwashing liquid sa cabinet ng mga sabon? Mimismisan ko lang toh." Sabi ko. Yun lang naman ang sasabihin ko e. 

"Oh, eto." Iniabot nya. 

"Karylle, single ka ba?" May Vice na ako e. Pareho pa kayong "V"

"Married na ako e." Be honest Karylle. Honesty is the best policy.

"Ah, ganun ba. Asan sya? Bat ka nandito?" Tumingin lang ako sakanya. Nahalata naman nyang di ako okay.

"Ah, eh, sorry K. Di ko sinasadya. Sorry." 

"No, it's okay. Actually, kaya ako nandito, we're giving time on our relationship. Kaya lang, 1 month na, di nya pa rin ako kinocontact. Para bang nagtataasan kami ng pride." Di na ako iiyak noh. Nakakapagod e. Ngayon na nga lang ako tumawa ulit, iiyak pa ako. 

"Karylle, don't hold too long to what's never meant for you. Sometimes we need to set things free before it hurts us badly." Tama sya.

"We're giving time and space. Di ako susuko sakanya Vhong." I smile. Pero weak. Then balik ulit sa pagkalungkot yung muka ko. Iniharap ako ni Vhong sakanya. Then hinawakan nya yung pisngi ko. Pinisil nya.

"Wag ka na malungkot. Pahiran nalang kita." Pinahiran nya ako ng bula! 

"Ah, ganun ha. Varsity ako jan! Hahaha." At naghabulan kami doon.

------------

Vice's POV:

I'm eating dinner. Oo, kumakain na ako. Pumapasok na din ako sa office. Di na din ako nagmumukmok. Pero iniisip ko pa rin si Karylle. Gusto ko na nga sya makita e. Di naman daw alam ng mama nya kung nasan si K. Si Anne naman, di ko din makita. 

"Ser, may bisita ho kayo." Sabi ni Manang.

"Sino daw ho?" 

"Si Mam Kaye po."

"Si K? Andito na ulit sya?" Si K daw! Bumalik na si K!

"Vice?" Si..

"Kaye?" Si Kaye toh. Hindi si Karylle. Sya ang secretary ko. Maganda naman. 

"Sir, uhh. Ireremind ko lang ho kayo sa mga meetings at appointments nyo para bukas." Balak ko pa namang hanapin na si Karylle bukas.

"Bakit di mo nalang ako tinawagan?"Masungit ako sa ibang babae. Pero kay Karylle, tiklop ako. 

"Eh kasi naman sir.. Baka nabobored ka dito. Baka gusto mong samahan kita?" Lumapit sya sakin at binulong yan sa tenga ko. Wag. Mahal ko si Karylle.

"Get out." 

"Pero Vice--"

"Kusa kang aalis o ipapahatid kita sa guard?" Di na sya nagsalita. Nagmarcha syang umalis sa bahay namin.

To be continued....

Beautiful Nightmare *ViceRylle*Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon