1o: Who's who?

1.5K 31 2
                                        

Nasa malayo na naman ako nakatingin kina Vice at Karylle. Andito sila sa office. Dinalaw ni Karylle si Vice at dinalhan ng pagkain. At nagring ang phone ko. Nagexcuse ako at pumunta sa rooftop. Baka may makarinig, mahirap na.

"Hello? Ano na naman ba?!"

"Ano na?! Bakit ang tagal mong kumilos?! Padalhan mo na sila ng sweet letters natin. Gustong gusto ko nang makasama si Karylle!"

"Napakaselfish mo! Hinahayaan ko muna silang mag-enjoy. Pagkatapos, tsaka ko kukunin si Vice kay Karylle. At ikaw naman, sayo na yung Karylle mo! Ang boring boring. Tss." Sabi ko.

"Di ko sya mamahalin kung boring sya. Wag na wag kang magkakamaling saktan si Karylle kundi.."

"Kundi ano?!" Sigaw ko pero pabulong.

"Kundi manghihiram ka ng muka sa shitzu." At binabaan na ako. Nakakainis na sya. Di makapagintay. Kelangan kong tumayming. Gusto ko yung mararamdaman talaga ni Vice at Karylle ang sakit at mamahalin na ako ni Vice. Hintayin nyo ang SWEET REVENGE ko..

---------------------------

Karylle's POV: 


Andito ako ngayon sa office ng CEO ng puso ko este ng kumpanya namin. Dinalhan ko kasi ng pagkain si Vice. 

"Mahal, ang sorop sorop nomon ng luto mo." Sabi nya na punong puno ang bibig. Sinusubuan ko sya kasi may mga papers pa syang dapat ayusin. Kumakain na din ako.

"Ikaw naman. Masyadong bolero. Hm!  Hongshorop nga!" Sabi ko pagkasubo ko.

"Sir, eto pa po ang mga kelangan nyo pirmahan. Ang sweet naman ng Misis mo sir." Ngumiti sakin yung nagbigay ng papers. Nginitian ko din sya.

"Thank you. Karylle, this is Raffy. Sya ang marketing manager natin." Nakipagshake hands naman ako. 

"Nice to meet you Raffy." I smiled at him.

"Please to meet you Ms. Karylle." Pagkatapos ay lumabas na sya.

Tumingin tingin naman ako sa office ni Vice. Malinis talaga sya. Nakakaturn on lalo. Sa table nya, may picture namin na nakabackhug sya sakin. Meron din kaming wedding picture dito. Ewan ko ba kung bat nya yun nilagay dito. Proud to be my husband? Hihihi. Kinikilig ako. Tapos may napansin akong nakatingin sakin. Horror lang? Hindi. Yun bang napansin mo na kanina ka pa tinitingnan? Napalingon naman ako dun sa transparent glass wall ng office ni Vice at tama nga ako. Nakatingin sakin yung secretary nya. Si Kaye ba yun? 

Gusto ko makipagclose sakanya, actually. Kapangalan ko kasi. Nginitian ko naman sya. At umiwas lang sya ng tingin. Anyare dun? Oh, well. I'm not bothered. 

------------------

Vice's POV:

Napatingin ako sa labas ng office. Dun sa may hallway. Nakita ko si Kaye. Yung secretary ko. Nakatingin sya kay Karylle. Napatingin ako kay Kurba. Nginitian ni Kurba si Kaye. Umiwas naman si Kaye. 

"Mahal? Bat mo nilagay dito yung wedding picture natin?" Tiningnan nya yung picture namin.

"Ayaw mo ba love? Sige akina." Akmang kukunin ko na yung frame.

"Hinde joke lang. 'Toh naman. Kinikilig lang naman ako." Tapos nagchuckle sya. 

"Kurba, you're the cutest!" Pinisil ko yung pisngi nya. 

"Araw Baysh! Mashakit nemen!" Tapos tinanggal ko na. Ang cute ng Asawa ko :')

"Love, picture tayo." Sumelfie naman kami.

"Kiss tayo tapos iselfie natin." Click! Jackpot talaga ako kay Karylle.

Pagtapos namin magselfie, umuwi na kami. Bumalik na din pala ang mga maids namin. We're on our way when someone call Karylle.

"Hello? Hello Vhong!!" Vhong?

"Uhh yes. Maayos na uli kami ni Vice. Yeah. Thank you. Take care! Bye!" Then she hung up.

"Sino yun Love?" 

"Ha? Ah, si Vhong. A friend of mine. Nung nasa Antipolo ako." Friend lang ba talaga?

"Yun lang ba talaga?" Ugh. I'm not jelous!

"Hihihi." I heard her chuckled.

"Why?" 

"Igagawa kita mamaya ng Jellyace ha? Diba favorite mo yun?" My face is like -_____-"

"Mahal, ikaw lang ang nag-iisang Vice ng buhay ko. At hinding hindi kita ipagpapalit kahit na kanino." Tapos kiniss nya ako sa pisngi. Nagdadrive kasi ako kaya sa cheeks lang. Sayang!

"Mahl kita kahit na seloso ka pa." Sinimulan nya.

"Mahal kita kahit na tumaba ka pa." Sagot ko naman.

"Mahal kita kahit na basa pa ang kili kili mo." Tapos tumawa sya.

"Aminado naman ako. Hahahahha!" At napuno ng tawanan ang kotse hanggang sa makauwi na kami.

---------------

Karylle's POV:

"Mahal una na ako sa loob! Magluluto kami nila Manang for dinner." Nandito na kami sa bahay. Pinark na ni Vice yung kotse sa garahe at nauna na nga ako sa loob. 

"Good evening po mam. May sulat nga pala kayo." May inabot yung isang maid namin. Binuksan ko naman.

      "Hi. Masyado kayong nag-eenjoy ni Vice. Malay mo bukas o makalawa, sa akin na sya. Mag-ingat ka. Or should I say ingatan mo ang asawa mo."

Huh? Sino naman ang magpapadala nito? 

"Oh mahal? Akala ko ba ikaw ang magluluto?" Umupo din si Vice sa sofa. Di ako umiimik. Di pa kasi nagsisink in  sa utak ko tong sulat.

"Ano yan?" Kinuha ni Vice sa kamay ko yung sulat. Binasa naman nya. 

"Mahal, sino nagpadala nito?" I look in his eyes.

"Di ko alam Vice. Di ko alam.." He hug me. 

"Ssh. Don't cry. Hindi tayo bibitaw sa isa't isa diba? Mahal na mahal kita Karylle." 

A/N: Ayan! Nakaraos na naman. Sino kaya yun? Hmm. Hihihi. Vote Nanay Kurba and Tatay Pogi ha? Tsaka ang ViceRylle, vote natin. At! Pati itong story ko Vote nyo din. Hihihi. Thank you! Mwah!

Beautiful Nightmare *ViceRylle*Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon