o6: It's HIM.

1.8K 31 5
                                        

A/N: Hihihi. Thank you sa lahat ng nagbabasa. God bless! Pengeng support. Mwah.

@ImAllyssahJhoi

---------------

Karylle's POV: 

Yawns O^O The sun shines brightly. Lumabas ako sa kwarto ko. Nakita ko na bihis na bihis si Anne. 

"Oh, girl! Gising ka na pala." Nagluluto sya, himala. 

"Saan ang aura?" Kinuha ko ang toothbrush ko. Then I make toothbrush na.

"Babalik muna ako sa Manila kasi may imemeeting ako na isa pang client dun. Then sa dinner, babalik ako." Mag-isa na naman ako. Whatta life. 

"Don't worry. Sasamahan ka ni Vhongskie dito kaya di ka mag-iisa." Mind reader ba sya? Si Vhong pala makakasama ko. Ano naman kayang magagawa namin dito? Hay. Medyo nakakabored din kasi dito.. 

"Ah ganun ba. Good luck. Sana maclose mo yang deal mo jan." Tapos umalis na din sya. Di na kumain e. Tssk. 

-------------

Anne's POV: 

Iniwanan ko muna si K dun sa bahay. Muka namang kaya na nya mag-isa. Nakakarecover na din siguro sya. Tinawagan ko si Vhong.

"Vhong? Hello?" 

"Oh? Anne?" Para namang kakagising lang nito.

 "Vhong! Si K kasi iniwanan ko muna sa bahay. Baka pwede mo puntahan?" Alam na ni Vhong ang tungkol kay K at sa asawa nun na walang kwenta. 

"Bat mo iniwan?! Baka kung ano gawin nun nako! Nako Anne!" Ang OA naman nito. If I know, gustong gusto nito, pakipot lang.

"Ano ka ba! Kaya nga kita tinawagan e. Go there Vhong huh?" Then I hunged up na.

------------------

Vice's POV:

I woke up again. Pero may kulang. Wala pa nga pala si Karylle dito. Kinapa ko yung unan nya. I miss her so much. Heto na naman ako. Sinasabing namimiss na sya pero wala namang ginagawang move. Kelangan ko na talaga syang mahanap.

*Beep* 1 message recieved

May nagtext sakin. Si Anne lang pala. Si Anne!! I read it..

               "Hoy! Ikaw na walang kwentang asawa ni Karylle! Magkita tayo sa Starbucks kung may pakealam ka pa sa asawa mo!"

Magkaiba sila ni Karylle. Pano sila naging bestfriends? Pero para kay Karylle, makikipagkita ako. Para mabawi ko na ang ASAWA KO.

                 "Okay."

Nagbihis na din agad ako. Mahirap na baka magbago ang isip ni Anne. Wala pang 10 minutes, nandun na ako. Nakita ko naman agad si Anne na nagkakape. Lumapit ako agad sakanya.

"Anne, nasan ang asawa ko?" Excited na akong mayakap ulit si Karylle. Pero imbes na sagutin ako, sampal ang hinarap ko.

"Alam mo bang mahal na mahal ka ng asawa mo? Tapos ni wala kang pakialam kung nasan sya?! Paulit ulit mo syang sinasaktan! How could you?!" Sigaw nya. 

"Wait. Kumalma ka. Idaan naman natin toh sa maayos na usapan. Magpapaliwanag ako." Pinaupo ko sya at umupo naman sya.

"She's getting over you. Kaya ako nagpunta dito dahil alam kong may karapatan kang malaman yun. She's smiling again. She's laughing again. Hindi na sya umiiyak. At ayoko ng may gawin ka ulit sakanya na halos ikamatay na nya. Vice, huli na tong tutulungan kita. Sana lang huli na din to na iiyak ang bestfriend ko. Kaya kapag may ginawa ka ulit na hindi maganda, hinding hindi na kita matutulungan at di na din kita kilala kahit na gwapo ka pa. Che!" At tumayo sya. 

"Wait! Asan yung address?" Bumalik naman sya at may nilapag sa mesa. A piece of paper. Kinuha ko agad yun. Emerald Hills, Antipolo city. 

------------------

Karylle's POV: 

Andito na si Vhong. We're playing ps3. Tawa nga kami ng tawa kasi imbes na paglabanin namin yung characters ng tekken, pinagsasayaw namin! Hahaha. May cheat pala yun. Nang mapagod kami, umupo muna kami then nagpakuha kay Jhoi (A/N: Kahit sa story lang! XD) ng merienda. 

"Grabe nakakapagod Vhong! Langya ka." Uminom ako ng buko juice.

"Hahaha. Ngayon mo lang naexperience yun noh? Di ka makamove on e!" Kumagat sya sa sandwich.

"Oo! Hahaha. Ang saya pala. Pero thank you Vhong ha. Di ko alam ang gagawin ko kung wala ka dito." Siguro baka mabaliw ako kapag mag-isa lang ako.

"Eeeeh. Wala yun. Hihihi." Ang cute talaga nitong si Vhong. 

"Oh, tara? Maglaban na tayo! Then may dare kapag natalo. Game?" Ang lakas din ng loob ko ha.

"Game! Good luck!" 

Naglaro lang kami ng naglaro. Pero walang natatalo samin. Laging tie e. Pwede pala yun. Then, tumunog yung phone ni Vhong. Someone called him.

"Haa? Oh, sige. Uuh, K? Aalis muna ako ha? Kelangan ko kasi pumunta sa bahay namin. Baka di na din ako makabalik. Importante kasi yun e. Sorry ha?" 

"Naku, okay lang yun Vhong. Ako nga dapat magsorry kasi naabala pa kita." Sabi ko.

"Wala yun. Salamat ulit. Alis na ako ha? Bye!" Bineso nya ako. 

At yun, umalis na sya. Mag-isa na naman ako. Umalis na din kasi si Jhoi. Nagbukas ako ng laptop then nagYoutube. Dun ako nagpatugtog para medyo mahina lang. I played the song I Won't Give Up. Ang ganda kasi ng meaning nitong song na toh. I'm not giving up to Vice until he'll love me again. Then, may nagbuzzer. Bumalik na si Vhong? I open the door. Malayo layo yung gate e. Pero nakita ko naman--

"Good evening Ms. Beautiful!" The Teddy Bear shouted. I can't recognize it's voice 'coz it's like Mahal's voice. Parang boses ipis? 

"Who are you? Who send you here?" I didn't open the gate. Mahirap na baka modus operandi toh.

"Pwedi nyo pew ba ako papasukin? Ang init po kasi dito. Tsaka di po ako kriminal." Pinapaliit talaga nya yung voice nya. Pero parang familiar sakin yung voice e. 

"No. You tell me first, who send you?" Kung makulit ka, mas makulit ako. Di lang halata. Unti unti nitong tinanggal ang nasa ulo. Then, I was like this O.O 

"Hi. Pwede mo na bang buksan ang gate?" 

Beautiful Nightmare *ViceRylle*Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon