Karylle's POV:
"Kelan ba ako magiging lolo??" Tanong ni Papa samin. Tatay ni Vice. Masyadong nagmamadali eh noh. Andito yung papa nya este namin pero wala sila mama. Di daw makakapunta e. Ewan ko ba dun sa mga yun. It's been 3 years. Tatlong taon na kaming nagsasama pero wala pa kaming anak. Masyado pa kasi kaming busy sa mga trabaho namin.
"Pa naman, marami pa kaming pinagkakaabalahang mas mahalaga." Napatingin naman ako kay Vice. Di naman sa ayoko pang mag-kaanak, pero we're planning for a better future kasi. Gusto ko, may ipon na, ready na lahat para sa mga magiging anak namin. Kesa naman sa mag-aanak kami agad pero wala naman kaming inihanda.
"We're planning for a better future pa. Maghintay lang po kayo." Ngumiti naman ako. Tama naman siguro yun diba? Tsaka para namanmakapaghanda kami ng tama.
--
"Vice??" It's already 10 in the evening. Bakit ganito? Nakatalikod si Vice sakin. Habang ako, hinihintay na yakapin nya ko. All these years, sweet naman sya sakin. Pero simula last week ganyan na sya. Sobrang cold.
Flashback:
"Vice, mamasyal naman tayo minsan? Saan mo gusto? Sabi ni Dingdong maganda daw sa Puerto Princesa. What do you think?" Nakaharap ako sa laptop. Mage8 na ng gabi. Imbes na sagutin ni Vice yung tanong ko, nilagpasan lang nya ko. Anyare dun?
End of Flashback.
Ewan ko ba kung anong nangyari sakanya. Isang tanong isang sagot lang ang set-up namin. Ayoko din naman syang kausapin. Baka pagod lang sya. Ganun naman pag minsan diba? Kaya lang kasi, di na namin narereach out ang isa't isa. Nawawalan na kami ng closure. Parang hindi na.. Hindi na nagwowork out.. Yung marriage namin parang wala ng bisa :(
--
"Vice, let's eat na?" I gave him my very sweet smile. But then, nilagpasan nya lang ako with his cold look.
--
"Vice, I baked cookies for you!! Wanna try?"
"Pagod ako K. Not now."
--
"Vice--"
"Karylle! Stop it! I'm so stressed!"
--
Simula nung mga nangyari, di ko na ulit kinulit si Vice. We're so cold. Para bang bumalik kami sa dati. We're both busy. We're both stressed out. Actually di naman ako stressed. Naiistress lang dahil sakanya. I feel like I'm the only one who's still holding on this wedding. Yes, we're almost 3 years married. Ngayon lang kami nagkaganito. Di ko alam kung ano na naman ang dahilan. New girl? Nah. Alam kong mahal nya ako. Di nya magagawa sakin yun. I'm lying on our bed. Magkatalikuran kami. Kahit na anong gusto ko syang yakapin, di ko magawa. He was so close yet so far. Ayokong magalit sakanya. Di ko naman kasi alam ang dahilan. I'm crying. Silently crying. Ayokong makita nya na nasasaktan ako. I've decided.
I'll talk to him. TOMORROW.
---------
A/N: Di pa rin gets?? Wait po sa UD ;) hahaha. Support, support! Thanks. Mwah :*
BINABASA MO ANG
Beautiful Nightmare *ViceRylle*
FanfictionBook 2 of Accidentally in Love. Enjoy reading ;))
