Chappy 40

2.9K 94 14
                                    

"Argh. Shit," mura ni Vice pagkagising niya.

Napahawak siya sa kanyang noo nang maramdaman ang matinding pagkahilo at sakit ng ulo. Napaupo siya sa gilid ng kama at hinintay na tumigil ang pag-ikot ng mundo niya.

Nang tumigil na ito, pinagmasdan niya ang bawat sulok ng kwartong pinagtulugan niya at napagtanto niyang hindi sa kanya iyon.

"Oh, shit!" muling pagmura ni Vice nang hindi niya maalala ang kung anumang kaganapan mula kagabi.

Bigla namang tumunog ang pag-bukas ng pintuan ng CR kaya napatingin siya rito. Nagulat na lamang siya nang makita niya ang isang nakangiting Karylle mula rito.

"K-karylle?" nagtatakang tanong ni Vice.

"Vice! Gising ka na pala. Okay ka lang ba?" linapitan naman siya ni Karylle saka hinawakan ang magkabilang pisngi nito.

"Y-yeah," tugon nito.

"What the hell happened last night?" pagtatanong ni Vice.

Tinanggal naman ni Karylle ang mga kamay sa pagkakahawak sa mga pisngi ng binatang dalaga saka naupo sa tabi nito.

"You seriously don't remember anything?"

"May nangyari ba?" suntok naman sa braso ang natanggap ni Vice.

"Hell no! Sa tingin mo ba basta-basta ko na lang ulit ibibigay ang sarili ko?" Karylle exclaimed.

"S-sorry. Ano lang ba talaga nangyari kagabi?" muling pagtatanong ni Vice.

"Nakakatamad mag-kuwento, Vice," nahiga naman si Karylle sa kama.

Sinunod naman ni Vice ang ginawa ni Karylle at kinulit ito.

"Wala talaga akong maalala eh. Share na, sige na. Tell me how I ended up in your room, and tell me what happened kung walang nangyari sa 'ting dalawa," pangungulit ni Vice habang pinopoke si Karylle.

"Halika na nga," tumayo naman si Karylle at afad na hinatak ang kamay ni Vice papatayo.

"We'll discuss about it over breakfast," pagpapaliwanag ng dalaga bago tuluyang hilain si Vice palabas ng kuwarto nito.

Nagtungo naman silang dalawa sa resto sa may ground floor ng hotel. Nang nakaupo na sila ay nag-order naman agad si Karylle at Vice ng kanilang makakain.

"Add one brewed coffee for him, please. He badly needs it," pakiusap ni Karylle sa waiter. Tumango naman ito at linisan na ang dalawa.

"By the way, asan pala silang lahat?" nagtatakang tanong ni Vice nang mapansing silang dalawa lang ang magbrebreakfast.

"Ang staff at si Direk, nandun na sa set, inaayos na ang stage. Si Vhong, ayun tulog. Si Anne and Coleen with Billy and Ryan, nagpuntang Botanical Garden, across the street. Jugs and Teddy with Jhong went to SM. Mga staff naman natin naglakwatsa rin," sagot ni Karylle bago magpasalamat sa waiter na nag lapag ng dalawang basong kape para sa kanilang dalawa ni Vice.

"Inumin mo 'yan para mawala hangover mo," payo ni Karylle.

"Yeah. Thanks. Anong oras na pala?"

"9:45," tipid na sagot ni Karylle kaya napatango na lang si Vice.

"So, di ba mag-kwekwento ka?"

"Sure ka bang gusto mo marinig?" napabuntong-hininga si Karylle before taking a sip of her coffee.

"Oo naman. Gusto ko malaman kung bakit ang ganda ng mood mo this morning," sambit ni Vice bago i-stir ang kanyang kape.

"Well, then."


Left Behind || VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon